Thursday, November 9, 2000

Paano ako naging Atheist


Noong bata pa ako mahilig ako maglaro ng mga mekanikal na laruan na gawa sa posporo. Nakahiligan ko rin gumawa ng mga insekto kagaya ng tutubi, paroparo, bulati, at baboy babuyan (sowbug) mula sa posporo. Mahilig rin ako maglaro ng pabilisan ng balsa sa kanal. Itong laro na ito ay nagmulat sa akin kung bakit ang balsa ay naanod na parang may isip at buhay. Ano ang nagpapagalaw nito,

Nang nasa high school na ako, naging paborito ko ang matimatika at biolohiya. Dito nagumpisa ang aking kuriosity sa ibat ibang hayop lalo na tungkol sa mga kriteria para malaman mo na ang isang bagay ay may buhay. Dahil dito, natanto ko na ang consepto ng evolution ay may kabuluhan kaysa sa konsepto ng kreasiyon ng diyos. Dito ako namulat at naging agresibo na patunayan kung nilikha nga ba tayo ng diyos.

Sa kolehiyo, ng nagaral ako ng elektrikal at elektronik nagumpisa na ako gumawa ng mga simpleng mekanikal na robot na di baterya para pagaral paaano ba ang isang bagay ay nagkakaroon ng buhay.

Nang ang computer ay dumating na sa bansa, nagtayo naman ako ng club tungkol sa robotiks sa iskuwelahan aking pinagtuturuan. Tinuro ko dito ang ibat ibang komponent ng electroniks at ng kanilang gamit para sa paggawa ng isang robot na mekanikal. 

Pagkatapos, di kontento, pinagaral ko naman paano ang signal sa isang computer ay makapag iilaw ng isang bumbilya. Nang nadiskubre ko na kung paano gawin ito, ang mga elektrikal na bagay sa aking kuwarto, gaya ng bintelador, ilaw, at radyo ay kontrolado na ng aking computer keyboard.

Nang dumating ang microcontroller na programable, nag umpisa na akong maging seryoso sa paggawa ng ibat ibang robot na parang may buhay. Ang mga una kong robot na programmable ay isang gagamba, isang tao, at isang kotse. Lahat na ito ay makikita nyo sa youtube channel ko.

Habang nag-iimbento ako, unti unti kong nadidiskubre ang ibat ibang bagay tungkol sa konsepto ng pagkakaroon ng buhay.  Dito nag umpisa kwestiyon ko kung ano ba ang consciousness, awareness, aliveness at iba pa. Dito, pinagaral ko din ang mga "isms" sa philosopiya, siyensiya, at theolohiya para maintidihan ko mabuti ang ibat ibang pagaaral ng pagiisip na nagbigay sa akin ng kalinawan tungkol sa ibat ibang konsepto ng buhay. Dito nagmula ang ibat ibang disiplina ng pagaaral ang aking naimbento na sumusuporta sa akin research kung saan nagmula ang lahat.

Ibat ibang experimento din ang ginawa ko para pagaral kung saan galing ang mga ideya o inpormasiyon sa ating isip. Dito ay gumamit ako ng isang malamute, chihuaha at pusa para pagaralan kung paano din sila nag tatamo ng inpormasiyon.

Ang mga prinsipyo napagaral ko sa mga ito ay naging ebidensiya at gabay bakit ako naging isang rational na progresibong atheista.



The Voice of Philippine Atheism.
-----------------------------------------
Tungkol kay Atheista ng Pilipinas:
 
Ang pangalang Atheista ng Pilipinas ay isang simbolong pangalan o pen name ng may akda. Siya ay isang guro, inyehero, at manunulat. Isa siya sa mga sumulat ng libro sa physics na ginagamit ng mga estudyante sa pilipinas. Siya ang nagtatatag ng The Voice of Philippine Atheism (Boses ng Atheismo sa Pilipinas) noong 2000. Siya rin ay sumulat ng ibat ibang libro sa pilosopiya, relihiyon, teknolohiya, at siyensiya na makikita nyo sa amazon.
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Disclaimer: Ang mga artikulo sa The Voice of Philippine Atheism ay inilaan para sa balanseng edukasyon. Dahil ang site na ito ay patuloy na iniedit, inaupdate at pinagbubuti, inirerekumenda ko na bumalik madalas para sa mga bagong item. Kung nais nyong gamitin ang anumang bagay dito para sa layunin ng pantas na talakayan o di kaya sa malalim na pagreresearch, mangyaring ipagbigay-alam sa may-akda sa pamamagitan ng email o banggitin ang site sa format na ito: 
* In-text citation: (Atheista ng Pilipinas, 1975)
* Reference List: Atheista (1975). Bibliya: Ebidensya Bakit Walang Diyos. Philippines.
* Website: Atheista (2000). Bakit Walang Diyos. https://voiceofphilippineatheism.blogspot.com

Tags: The Voice of Philippine Atheism, atheist, pinoy atheist, atheism, pinoy atheismo, Philippine Atheism, Filipino Atheists, Atheista ng Pilipinas




#atheists_of_the_philippines #trendvids #number_one #trend #positive_influencer #exposed #viral #dislike #atheista_ng_pilipinas #voice_of_philippine_atheism #atheism #god #jesus_christ #arguments_against_god 

No comments:

Post a Comment