Ang Argumento ng Mitolohikal, o Argumento ng Kababalaghan" o ang Komiks Manifestation ay tumutukoy sa isang uri ng pangangatwiran na nagsasaad na kung ang Bibliya ay may mga elemento ng mitolohiya, alamat, o kwentong tradisyunal, maituturing ba natin na ang libro na ito ay gawa ng diyos o isang kuwentong kutsero lamang na gawa ng tao.
Sa kasaysayan ng literatura, alam natin na ang isang libro na may mga mistikal na mga elemento kagaya ng tikbalang, duwende, halimaw, aswang, kapre, mga hayop na nagsasalita, sirena, unicorns, dragons, diwata, multo, at mga diyos at diyosa, ay itinuturing na isang aklat na fictional o kathang isip lamang.
Kagaya sa konteksto ng komiks, kadalasan ang mga bida sa komiks ay may taglay na superpowers, nagbabago ang anyo, mga mahiwagang kapangyarihan, at mga di kapanipaniwalang mga katangian. Kadalasan ang bida sa komiks ay may kakayahang iligtas ang mga taong inaapi mula sa isang masama o grupo ng masasama na tao. Malimit ang bida na ito ay mula sa propesiya ng isang propeta na humula na siya ang magiging tagpagliktas na may pangkaraniwang kapangyarihan na susugpo sa lahat ng kasamaan sa mundo. At kung may bida, mayroon din kontrabida. Ang kontrabida naman na ito ay kaaway ng bida. At sa huli ng istorya, mula sa pagsisikap ng bida, ang kabutihan ay magtatagumpay.
Ang ganitong klaseng estorya na may bida, may superpowers, may mahiwagang katangian, may mga mistikal na hayop o tao, at may mga kaaway ay karaniwang matatagpuan sa mga fictional na libro.
Ang bibliya ay isang fictional na libro rin. Ito ay balot din ng mga pangkarinwang karater at kababalaghan. Ang bida dito ay si jesus at diyos. Sila ang sasalba sa sanlibutan. Sila ay may taglay na superpowers din, nagbabago ang anyo, may mga mahiwagang kapangyarihan, at mga di kapanipaniwalang mga katangian. Sila ay nakatira sa malayong lugar na tawag ay langit, na may libong libong legion na mga puting angel na may mga espada at damit ng panggera (epheisans 6), at nakasakay sa mga puting lumilipad na kabayo (revelation 19). Ang kontrabida naman dito ay si Satanas, na may sarili ring grupo ng mga itim na mga angel. Sa istorya nito, makikita rin natin ang mga ibat ibang mga mistikal na nilalang na may kanya kanyang sariling kahiwagaan kagaya ng ahas na nagsasalita.
Ngayon, kung ang bibliya ay isang fictional na aklat, ibig sabihin ang laman nito ay hindi mga totoo. Pero karamihan sa mga naniniwala sa diyos ay nagsasaad na ang mga istorya sa bibilya ay pawang mga metaphor, simbolo, talinghaga, o parabula lamang. Kung ang mga mistikal na elemento na ito ay mga alegorya lamang, ibig sabihin na ang ahas na nagsasalita na kumausap kina adan at eba sa garden ng eden ay isang metaphor din. Kung ganun, ibig sabihin yung ahas, si eba, adan, at ang eden ay mga hindi totoo. Ngayon, kung ang mga ito ay mga metaphor, ibig sabihin hindi rin totoo ang original sin. Kung hindi totoo ang orihinal na kasalanan, para saan pa ang pagpako at pagkamatay ni kristo sa krus. Kung hindi totoo ang ahas na nagsasalita, ang tao ay walang orihinal na kasalanan. Kung totoo naman na may ahas na nagsasalita, malabo mangyari ito dahil wala naman siyang vocal chords.
Sa Ebanghelyo ni Tomas ng si jesus ay bata pa, kinukwento dito na ng bata pa si jesus gumawa siya ng isang ibong laruang mula sa putik tapos ito ay naging buhay. Dito rin sa ebanghelyo si jesus ay pumatay ng isang kalaro dahil ang bata ay aksidenteng nabunggo siya at ang karo nito ay pinahaba niya sa pamamagitan ng salamanka. Ang pangatlo naman ay ng ginawa nyang mga baboy ang mga kalaro niya at ang mga nanay ng mga ito ay binulag niya. Ang istorya sa ibon ay makikita rin sa quran ng islam.
Ngayon Kung ito ay isang metaphor lamang, ibig sabihin hindi ito totoo at ok lang pumatay ng kalaro mo. Dahil ang metaphor ay nagbibigay ng isang moral lesson, ang pagpatay ay isang moral na gawain. Kung ito naman ay hindi metaphor, at ito ay totoo, ibig sabihin na si kristo, na pinaniniwalaan na diyos din, ay isang masamang nilalang na di dapat prangalan na isang diyos.
Ngayon, bukod sa mga mistikal na linikha na ating nabanggit, may mga bagay din na hindi kapaninipaniwala sa bibiliya na kinopya sa ibang mtiolohiya na galing sa ibang kultura kagaya ng (1) ang pitong araw ng paglikha sa Genesis ay ginaya sa mga sinaunang mitolohiya tulad ng Enuma Elish. (2)Ang kwento ng Arko ni Noah ay may mga katumbas din tulad ng Epiko ni Gilgamesh. (3) Ang pagsilang ng mesisyas,' na kinabibilangan ng banal na interbensyon at mga gawiang himala ay may mga kahintulad din halos sa mga sinaunang mitolohiya ng sumeryan, ehipto, griyego, romano, at cananeo.
Ang pilipinas din ay may mga sariling mitolohiya, alamat, at traditional na mga istorya kagaya ng istorya kung saan ng galing ang mga bituin at buwan. Base sa alamat natin, ang buwan at bituin ay galing sa suklay at perlas na nailagay sa ibabaw noong ang ulap ay mababa pa habang ang unang mga tao noon ay nagbabayo ng kanilang inani na palay. Ang kuwento ng kuneho at pagong, at si juan tamad at ang mga alimango ay pawang mga kuwentong tradisyunal din na naghahayag ng simbolismo, personification, at moral na aralin. Si darna, kaptain barbel, dyesebel naman ay mga istorya nagpapahiwatig na ang isip ng tao ay may kakayahang gumawa ng mga nilalang na makapngyarihan sa lahat, may superpowers, at tigaligtas ng buong mundo.
Ang pilipinas ay may mga sariling ding grupo ng mga diyos at kuwento ng paglikha. Ayon sa alamat, ang mundo ay nilikha ng mga diyos na sina Bathala at Amihan. Si Bathala, ang kataas-taasang diyos, ang lumikha ng sansinukob at lahat ng bagay. Si Amihan naman, ang diyos ng kapayapaan na anyong ibon (hindi ahas), na tumuka sa isang kawayan, kung saan lumabas sina Malakas (ang unang lalaki) at Maganda (ang unang babae). Si Bathala ay may asawa at mga anak: si Mayari (buwan) at si Tala (bituin). May kasama rin siyang ibang mga diyos kagaya ni apolaki (araw), lihangin (hangin), at magbabaya (kalikasan).
Dito ipinakita natin na ang ating mga ninuno ay mayroong din estorya ng paglikha at pantheon ng mga diyos. Makikita rin natin dito na ang mga pangalan ng mga diyos natin ay angkop din sa ating kultura at pananalita. Kagaya sa ibang bansa, may sarili din silang mga diyos na angkop din sa kanilang kultura at pananalita. Gaya ng Buddha sa China, Brahma sa India, Kami sa Japan, Yahweh sa Israel, at Bathala sa pinas. Dito pinakikita natin na ang ideya ng diyos ay isang proseso ng pagiisip na kayang likhain ayon sa kultura, lahi, at bansa na kinagisnan.
Siyanga nga pala, ang bibliya ay 43 % kwento (parables), 33% tula (psalms), at 24% panulat (laws). Ito ay ibat ibang literatura na may ibat ibang kuwento ng ibat ibang sinaunang mga tao na halos 99% noon ay hindi nakapagaral o tumuntong man lamang sa isang iskuwelahan. Kaya halos lahat ng kanilang kaalaman ay galing lamang sa pagsalin salin ng mga kuwento na kanilang narinig o nalaman. Ang tawag dito ay Oral Tradition. Sa lahat ng mga tao sa bibliya na konektado kay hesus, si mathew lamang ang nakapagaral ng pormal.
Kung gusto nyo pa ng limampung halimbawa ng mga kuwentong komiks sa bibliya, puntahan nyo lang po ang ating website:
- * 1. Si Jonah at ang Malaking Isda - Jonah 1:17
- - Nabuhay si Jonah ng tatlong araw at gabi sa tiyan ng isang higanteng isda.
- * 2. Ang Donkey na Nagsasalita - Mga Bilang 22:28-30
- - Nagsalita ang isang asno kay Balaam matapos makakita ng isang anghel.
- 3. Si Elisha at ang mga Oso - 2 Mga Hari 2:23-24
- - Dalawang oso ang umatake sa 42 bata na nanlilibak sa propetang si Elisha.
- 4. Ang May Tuldok na Tupa ni Jacob - Genesis 30:37-39
- - Naimpluwensyahan ni Jacob ang balahibo ng mga tupa sa pamamagitan ng paglalagay ng mga guhit na kahoy sa kanilang inuman.
- 5. Ang mga Balahibo ni Gideon - Mga Hukom 6:37-40
- - Humihingi si Gideon ng mga senyales mula sa Diyos gamit ang isang balahibo upang matiyak ang kanyang pagtawag sa pamumuno.
- * 6. Barya sa Bibig ng Isda - Mateo 17:24-27
- - Nagsindi si Pedro ng isda na may barya sa bibig upang bayaran ang buwis sa templo.
- * 7. Ang Tinapay ni Ezekiel - Ezekiel 4:12-15
- - Inutusan ng Diyos si Ezekiel na maghurno ng tinapay gamit ang dumi ng tao bilang panggatong (kalaunan ay pinayagang gumamit ng dumi ng baka).
- * 8. Pagtigil ng Araw - Joshua 10:12-14
- - Hinihiling ni Joshua sa Diyos na pahintuin ang araw upang magbigay ng mas maraming oras para talunin ang kanyang mga kaaway.
- 9. Ang Lumulutang na Ulo ng Palakol - 2 Mga Hari 6:5-7
- - Pinapanatili ni Elisha na lumulutang ang bakal na ulo ng palakol sa tubig.
- 10. Ang Asawa ni Lot ay Naging Isang Haliging Asin - Genesis 19:26
- - Naging isang haliging asin ang asawa ni Lot dahil sa paglingon sa pagkawasak ng Sodom at Gomorra.
- * 11. Ang Nagsasalitang Ahas - Genesis 3:1-5
- - Nagsalita ang isang ahas kay Eba at tinukso siyang kainin ang ipinagbabawal na prutas.
- 12. Ang Bugtong ni Samson - Mga Hukom 14:12-14
- - Nagbigay ng bugtong si Samson sa mga Filisteo tungkol sa isang leon at pulot.
- 13. Ang mga Nephilim - Genesis 6:1-4
- - Binanggit ng Bibliya ang mga higanteng kilala bilang mga Nephilim na nabuhay bago ang baha.
- * 14. Ang Anino ng Araw naya Nagbaliktad - 2 Mga Hari 20:9-11
- - Pinabaliktad ng Diyos ang anino ng araw bilang tanda para kay Hezekiah.
- 15. Ang Tao na may Pilay na Kamay - Marcos 3:1-5
- - Pinagaling ni Jesus ang pilay na kamay ng isang tao sa Sabbath, na nagdulot ng kontrobersya.
- 16. Ang Bakal na Kama ni Og - Deuteronomio 3:11
- - Si Og, hari ng Bashan, ay inilalarawan na mayroong bakal na kama na may haba na mga 13 talampakan.
- 17. Ang Salot ng mga Balang - Joel 1:4-7
- - Isang matingkad na paglalarawan ng isang salot ng mga balang na sumasalanta sa lupa.
- * 18. Ang Puto na kamay na sumusulat - Daniel 5:5-6
- - Sa panahon ng piging ni Belshazzar, isang misteryosong kamay ang nagsulat ng mensahe sa pader.
- 19. Nahulog si Eutychus mula sa Bintana - Mga Gawa 20:9-12
- - Nahulog si Eutychus sa ikatlong palapag na bintana habang natutulog sa mahabang sermon ni Pablo, ngunit nabuhay muli.
- 20. Ang Propesiya ni Ahijah - 1 Mga Hari 14:4-6
- - Si Ahijah, na bulag, ay tumanggap ng banal na rebelasyon tungkol sa asawa ni Jeroboam bago pa man siya dumating.
- 21. Ang Pananaw ni Ezekiel sa mga Tuyong Buto - Ezekiel 37:1-10
- - Nakita ni Ezekiel ang isang lambak ng tuyong buto na nabuhay.
- 22. Ang Lumulutang na Kamay sa Piging ni Belshazzar - Daniel 5:1-31
- - Isang disembodied na kamay ang nagsulat ng misteryosong mensahe sa pader sa panahon ng isang hari
- 23. Ang Pag-akyat ni Elijah sa Langit - 2 Mga Hari 2:11
- - Umakyat si Elijah sa langit sa pamamagitan ng isang ipo-ipo na may karwahe ng apoy.
- 24. Ang Hubad na Propesiya ni Isaiah - Isaiah 20:2-3
- - Inutusan ng Diyos si Isaiah na maglakad ng hubad at walang saplot sa loob ng tatlong taon bilang tanda laban sa Ehipto at Cush.
- 25. Ang mga Salot ng Egypt - Exodus 7:14-12:30
- - Isang serye ng sampung mapaminsalang salot ang ipinataw sa Egypt.
- 26. Ang Tore ng Babel - Genesis 11:1-9
- - Sinubukan ng sangkatauhan na magtayo ng tore na umaabot sa langit, na naging sanhi upang guluhin ng Diyos ang kanilang wika at ikalat sila sa buong mundo.
- 27. Si Daniel sa Hukay ng mga Leon - Daniel 6:16-23
- - Inihulog si Daniel sa isang hukay ng mga leon ngunit nanatiling di-nasaktan dahil sa kanyang pananampalataya.
- 28. Naglakad si Jesus sa Tubig - Mateo 14:22-33
- - Naglakad si Jesus sa Dagat ng Galilea upang marating ang kanyang mga alagad.
- 29. Ang Pananaw ng Apat na Hayop - Daniel 7:1-8
- - Nagkaroon si Daniel ng isang pangitain ng apat na dakilang hayop na umaahon mula sa dagat, bawat isa ay kumakatawan sa iba't ibang mga kaharian.
- 30. Ang Himala ng Limang Tinapay at Dalawang Isda - Mateo 14:13-21
- - Pinakain ni Jesus ang isang malaking pulutong ng tao gamit lamang ang limang tinapay at dalawang isda.
- 31. Ang Radiant na Mukha ni Moses - Exodus 34:29-35
- - Pagkatapos makipag-usap sa Diyos, ang mukha ni Moses ay nagliwanag kaya kinailangan niyang magsuot ng belo.
- 32. Ang Pagkasira ng Sodom at Gomorra - Genesis 19:24-26
- - Sinira ng Diyos ang mga lungsod ng Sodom at Gomorra gamit ang apoy at asupre.
- * 33. Ang Pagkain ng Tao - 2 Mga Hari 6:24-29
- - Isang matinding taggutom ang nagdulot ng mga sukdulang hakbang, kabilang ang kanibalismo.
- 34. Ang Pananaw ni Daniel sa Ram at Goat - Daniel 8:1-14
- - Nagkaroon si Daniel ng isang pangitain ng isang ram at isang goat na sumisimbolo sa mga hinaharap na imperyo.
- 35. Ang Kasal sa Cana - Juan 2:1-11
- - Ginawa ni Jesus ang kanyang unang himala sa pamamagitan ng paglikha ng tubig na maging alak.
- 36. Ang Pagbabagong-anyo ni Jesus - Mateo 17:1-9
- - Nagbagong-anyo si Jesus, at nagliwanag ang kanyang mukha katulad ng araw.
- 37. Ang Kwento ni Samson at Delilah - Mga Hukom 16:4-22
- - Ipinagkanulo ni Delilah si Samson, na nagdulot ng kanyang pagkahuli.
- 38. Ang Paggaling ng Lalaking Ipinanganak na Bulag - Juan 9:1-12
- - Pinagaling ni Jesus ang isang lalaking ipinanganak na bulag.
- 39. Ang Pagkabuhay ni Lazarus - Juan 11:1-44
- - Binuhay ni Jesus si Lazarus mula sa mga patay matapos ang apat na araw sa libingan.
- 40. Ang Pagbabago ni Saul - Mga Gawa 9:1-19
- - Si Saul, isang mang-uusig ng mga Kristiyano, ay nabago bilang Pablo pagkatapos ng isang pangitain ni Jesus.
- 41. Ang Mangkukulam ng Endor - 1 Samuel 28:7-20
- - Kumonsulta si Haring Saul sa isang mangkukulam upang tawagin ang espiritu ng propetang si Samuel.
- 42. Ang Salot ng mga Palaka - Exodo 8:1-15
- - Isa sa sampung salot ng Egypt, kung saan ang mga palaka ay sumalakay sa lupain.
- 43. Ang Sulat sa Pader - Daniel 5:1-31
- - Isang hindi nakikitang kamay ang nagsulat ng misteryosong mensahe sa panahon ng piging ni Haring Belshazzar.
- 44. Ang Anghel ng Kamatayan ay Lumagpas - Exodo 12:23-29
- - Ang huling salot ng Egypt, kung saan ang mga panganay ay pinatay, ngunit ang mga Israelita ay ligtas.
- 45. Ang Ahas na Tanso - Mga Bilang 21:8-9
- - Gumawa si Moises ng isang tansong ahas at inilagay ito sa isang poste upang pagalingin ang mga tinuklaw ng ahas.
- 46. Pinatahimik ni Jesus ang Bagyo - Marcos 4:35-41
- - Pinatahimik ni Jesus ang isang bagyo sa Dagat ng Galilea gamit ang kanyang utos.
- 47. Ang Muling Pagkabuhay ng mga Banal - Mateo 27:51-53
- - Pagkatapos ng muling pagkabuhay ni Jesus, maraming mga banal na namatay ang nabuhay muli at nagpakita sa marami sa Jerusalem.
- * 48. Ang Punong may ibat ibang prutas - Pahayag 22:1-2
- - Isang paglalarawan ng puno ng buhay sa Bagong Jerusalem, na nagbubunga ng labindalawang uri ng prutas.
- 49. Ang Apat na Mangangabayo ng Apocalypse - Pahayag 6:1-8
- - Apat na mangangabayo sa puti, pula, itim, at maputlang kabayo, bawat isa ay sumisimbolo sa iba't ibang uri ng kalamidad.
- * 50. Ang Babae at ang Dragon - Pahayag 12:1-6
- - Isang pangitain ng isang babae na nakadamit ng araw at isang dragon na naghihintay upang lamunin ang kanyang anak.
Dahil ang mga tao noon ay kulang sa bokabularyo, ang kanilang mga saloobin o ang kanilang pagiisip ay dinadaan na lamang nila sa pamamagitan ng mga simbolismo, metapor, o figure of speech. Dahil kulang sa kaalaman, sila ang mga sinaunang tao na naniniwala na ang mundo ay patag at hindi bilog. Ngayon, kung ang bibilya ay gawa ng diyos para mag bigay lamang ng tamang aral, bakit pa nya dapat idadaan ang mga ito sa pamagitan ng metaphor. Bakit nya pa dapat gumawa ng bibiliya. Dahil kung makapangyarihan naman siya sa lahat, bakit hindi na lang siya gumawa ng isang utak kung saan ang lahat na gutso niya ipagawa sa tao ay nakaukit na sa ating mga isip, at dahil sa freewill ang tao ay may kakayahang pumili kung maniniwala ba siya sa diyos o hindi.
Dito sa episode na ito, pinatunayan natin na ang mga mitikal na mga nilalang at pambihirang mga kuewnto sa bibliya ay hindi pwedeng maging mga metaphor o simbolismo lamang sa kadahilan na ang istorya sa bibliya ay magiging di kapani- paniwala na. Kung ito ay pawang hindi metaphor naman, ang mga mitikal na elemento ng bibilya ay mahirap paniwalaan na lahat sila ay umiiral o nag-eexist.
Sa susunod naman na episode paguusap naman natin ang argumento kung totoo bang si kristo ang pinako sa krus, kung totoo bang namatay si kristo sa krus, o totoo bang hinimatay lamang si kristo sa krus (Swoon Hypothesis).

Tags: The Voice of Philippine Atheism, atheist, pinoy atheist, atheism, pinoy atheismo, Philippine Atheism, Filipino Atheists, Atheista ng Pilipinas

No comments:
Post a Comment