Sa mga huling episode pinagusapan natin na ang langit ay ang pinaka-importanteng bagay sa mga naniniwala sa diyos. Dahil ang langit, na pinapaniwalaan na isang paraiso, ay ang pangako na binibigay ng diyos. Subalit, pinatunayan natin na ang langit at kaluluwa ay pawang hindi totoo.
At sa Lumang Tipan, ang orihinal na konsepto ng langit ay simpleng pangunahing tirahan lamang ng Diyos at mga angel. Ng dinagdag ang Bagong tipan sa bibliya ng Judaismo, ang langit ay naging isang paraiso para sa mga tao, santo, at mga hayop.
Sa episode na ito tatalakayin naman natin kung saan nagmula ang tao? Sino ang kauna-unahang magulang ng tao. Paano dumami ang tao sa mundo? Saan linagay ng diyos ang marka ng kanyang pangako sa tao? Ang DNA ba nina adam at eba ay makikita sa lahat ng tao o may mas nauna pa dito?
Noong unang mga panahon, walang ibang tao pa noon, kung hindi sina eba at adan lamang. Para dumami ang tao sa mundo, isang paraan lamang ang dapat mangyari. Ito ay ang INCEST.
Ano ba ang Incest? Ang incest ay ang pakikipagtalik ng isang tao sa pagitan ng malalapit na kadugo sa hanay ng kanyang pamilya, kagaya ng pagtatalik ng isang kapatid sa kapwa kapatid, magulang sa kanyang anak, lolo at apo, tiya o tiyuhin, o mga pinsan at pamangkin. Dahil dadalawa lang sila noon, ang paraan sa pagtatalik sa kadugo ay pinahintulutan ng diyos ayon sa bibliya.
Ang pangalawang halimbawa kung saan pinahintulutan ng diyos ang incest ay noong Dakilang Delubyo. Dito, si Noah at ang kanyang pamilya lamang ang natirang tao sa mundo. Ang pamilya ni Noah ay binubuo lamang ng kanyang asawa, ang kanyang tatlong anak na lalaki (Shem, Ham, at Japheth), at ang kanilang mga asawa. Ito ang kabuuang ng tao na lilikha ng bagong lahi mundo. Sila ay nagtalik din sa isat isa upang muling lumago ang tao sa mundo.
Narito pa ang ilang mga halimbawa ng incest sa Lumang Tipan:
1. Sa Genesis 19:30-38, ang pagtatalik ng ama sa kanyang mga anak.
Si Lot at ang kanyang mga anak na babae: Pagkatapos ng pagkawasak ng Sodom at Gomorrah, ang mga anak na babae ni Lot, na naniniwalang sila na lamang ang natitirang tao sa mundo, ay pinainom ng alak ang kanilang ama at nakipagtalik ito sa kanya upang mapanatili ang kanilang lahi
2. Sa Genesis 20:12, ang pagtatalik ng kapatid sa kapatid.
Si Abraham at Sarah: Pinakasalan ni Abraham ang kanyang kapatid na si Sarah, na anak ng kanyang ama ngunit hindi ng kanyang ina (Genesis 20:12).
3. Sa 2 Samuel 13:1-22, ang pagtatalik ng kapatid sa kapatid.
Si Amnon at Tamar: Si Amnon, anak ni Haring David, ay ginahasa ang kanyang kalahating kapatid na si Tamar.
4. Genesis 11:27-29), ang pagtatalik ng kapatid sa pamangkin.
Si Nahor at Milcah: Si Nahor, kapatid ni Abraham, ay pinakasalan ang kanyang pamangkin na si Milcah, anak ng kanyang kapatid na si Haran.
5. Genesis 35:22, ang pagtatalik ng anak sa nanay nya.
Si Reuben at Bilhah: Si Reuben, anak ni Jacob, ay nakipagtalik sa babae ng kanyang ama na si Bilhah.
Sa Bagong Tipan naman:
1. Herod Antipas at Herodias: Pinakasalan ni Herod Antipas si Herodias, na kanyang pamangkin at asawa ng kanyang kapatid na si Philip. (Mark 6:17-18).
2. Isang lalaki sa simbahan ng Corinto: Sa 1 Corinthian 5:1, tinutukoy ni Pablo ang isang kaso ng incest kung saan ang isang lalaki ay may relasyon sa asawa ng kanyang ama.
Ang mga ebidensiya na ito ay nagpapatunay lamang na ang pagtatalik sa isang kadugo sa pamilya ay pinahintulutan ng diyos. Kaya sa Middle East, kung saan ipinanganak si Jesus, ang mga kasal sa pagitan ng mga pinsan, na isang uri ng pagkakasal sa kadugo, ay nananatiling karaniwan sa maraming bahagi ng Arabo. Ang mga kasalang ito ay tinatanggap ng kultura at legal na pinapayagan sa maraming bansa noon hanggang ngayon.
Noon ang pagpapakasal ay isang sagrado para lamang sa babae at lalaki (Genesis 2:24, Matthew 19:8) Ngayon, ang pagpapakasal sa babae at babae o di kaya lalaki sa lalaki ay hindi na kasalanan ngayon.
Dahil sa mga pagbabago na ito, pinapatunayan lamang natin na ang bibliya, ang sinasabing banal na salita ng diyos, ay pwede palang ibahin, dagdagan, palitan, o baguhin.
Pero, tandaan, sabi sa Revelation 22:18-19: "Kung ang sinoman ay magdagdag sa banal na aklat, ang mga salot na nasusulat sa aklat na ito ay ibibigay ng Diyos sa inyo: At kung ang sinoman magbago sa mga salita sa aklat na ito, ay aalisin ng Diyos ang kaniyang pangalan sa aklat ng buhay, at sa langit, at sa mga bagay na nasusulat sa aklat na ito." (kaya huwag nyo baguhin ang salita ng diyos. kaso may nakatatakot na sumpa pa ang diyos tungkol dito)
*** Sa Deuteronomy 4:2: "Huwag ninyong daragdagan ang salita na aking iniuutos, ni babawasan ninyo, upang inyong maingatan ang mga utos ng Panginoon ninyong Diyos na aking iniuutos sa inyo."
*** Sa Proverbs 30:5-6: "Ang bawat salita ng Diyos ay dalisay: siya'y kalasag sna nanganganlong sa kaniya. Huwag kang magdagdag sa kaniyang mga salita, baka sawayin ka niya, at masumpungan kang isang sinungaling."
Galatians 1:8-9: "Ang mga tao o simbahan na nangangaral sa inyo ng anomang ebanghelyo na naiiba sa aming ipinangaral (bibliya ng katoliko), ay susumpain ng diyos. Gaya ng aming sinabi nang una, ay muling sinasabi namin ngayon "Kung ang sinuman ay mangaral sa inyo ng anomang ebanghelyo na iba sa aming bibliya, ay susumpain ng diyos."
Kaya kayong mga kristiyano na hindi katoliko na nagbabago, nagdadag, o nabibigay na maling intepretasiyon tungkol sa banal na salita ng diyos ay susumpain ng diyos habang buhay. Dahil dito. malaking posibilidad na lahat kayo ay pupunta sa impiyerno habang buhay.
Pero huwag ka mag alala, dahil kung dala dala mo naman ang marka ng diyos, baka maypagasa ka pang patawarin niya. Kaso alam mo ba ano ang marka ng diyos at kung saan ilinagay ng niya ang kanyang marka.
Ang sabi sa Genesis 17:10, Ang lahat na mga lalake sa inyong lahi, o ang ipinanganak sa bahay, o binili ng salapi ng sinomang taga ibang lupa na hindi inyong binhi ay dapat tuluin. Kaya kung ang ari ninyo ay tuli, yan ang marka ng pangako ng diyos sa iyo na walang hanggan!
Grabe ano? Ang dami dami parte ng katawan kung saan pwede ilagay ng diyos ang kanyang marka, sa tarugo mo pa nya ito pinalalagay. May problema yata ang diyos mo sa pagtatalik o sex, lol
Sa episode na ito, pinakita natin na sina Eba at Adan ay ang unang magulang kung saan ang lahat ng tao sa mundo ay nagmula. Upang dumami ang tao sa mundo pinayagan ng diyos ang pagtatalik ng kapatid sa kapwa kapatid, magulang sa kanyang anak, lolo at apo, tiyahin at tiyuhin, pinsan at pamangkin. Pinakita rin natin na sa ari linagay ng diyos ang marka ng kanyang pangako. Kung base sa siyensiya naman, ang ating kauna unahang ninuno kung saan nagmula ang lahat ng tao at mga bagay na may buhay sa mundo ay galing sa isang micro-organismo na ang pangalan ay LUCA.

Tags: The Voice of Philippine Atheism, atheist, pinoy atheist, atheism, pinoy atheismo, Philippine Atheism, Filipino Atheists, Atheista ng Pilipinas

No comments:
Post a Comment