Sunday, November 9, 2008

Salbaheng Diyos



Sino ang mas maraming pinatay: si Satanas ba o ang Diyos?

A}. Gaano ba karami ang pinatay ng Diyos?

2.1) Gen 7: Ang Great Flood ni Noah
18 At ang tubig ay tumaas, at lubos na dumagdag sa lupa, at ang arko ay nagpunta sa kaitaas taasan ng tubig. 19 At ang buong kalupaan, at ang lahat ng mga mataas na bundok, at sa ilalim ng buong kalangitan, ay lubhang lubog sa tubig. 20 labinlimang cubits paitaas ay nagingibabaw; at ang mga bundok ay sakop din. 21 At ang lahat ng buhay ay nangamatay sa lupa, pareho ng ibon, at ng mga baka, at ng mga hayop, at ang mga bagay na gumagapang sa lupa, at bawat tao: 22 At ang lahat na may ilong para makahininga ng buhay, ng lahat na nasa lupa ay mamamatay. 23 At ang bawat buhay sa mukha ng lupa, kagaya ng tao, at baka, at ang mga gumagapang na mga bagay, at ang ibon ng langit, lahat sila ay ililibing sa lupa: at si Noah lamang ang mananatiling buhay, at sila ay kasama ko sa arko. 24 At ang mga tubig sa lupa ay magtatagal ng isang daan at limampung araw. (Tinatayang namatay: bilyon-bilyon)

2.2) Exo 12: Ikasampung salot: Ang Kamatayan ng Unang Ipinanganak
29 At dumating ang oras, na sa hatinggabi pinatay ng Diyos ang lahat ng bagong unang panganak sa lupain ng Ehipto, mula sa unang anak ng hari na nakaupo sa kanyang trono at ang mga batang bihag na sa piitan, at ang lahat ng mga unang anak ng mga baka. 30 At ang hari ay nagising ng gabing iyon, siya, at lahat ng kanyang mga katiwala, at ang lahat ng mga Ehiptos, at nagkaroon ng isang malakas na iyakan sa Ehipto; dahil wala man lang ni isang bahay na di man lang namatayan ng anak. (Tinatayang pagkamatay: daan-daan)
Sa dalawang halimbawa pa lang na ito, makikita na natin kung gaano karami ang pinatay ng Diyos. Ngayon, tignan naman natin kung si Satanas ay pumatay kahit na isang kaluluwa sa buong Bibliya. Makikita natin na di siya pumatay kahit isang tao. Subalit ang kanyang ginawa lang ay pinsalain ang isang tao sa utos ng panginoon.

B}.  Gaano karami ang pinatay ni Satanas?
3.1) Job 2:  Ang sabwatan sa pagitan ng Diyos at ni Satanas para saktan si Job.
6 At ang sabi ng Diyos kay sa Satanas, “Ayan, nasa iyong kapangyarihan mo na siya; lamang itinira mo lang ang kanyang buhay.” 7 Sa harap ng Diyos, sinunod ni Satanas ang utos na lagyan si Job ng mga malubhang pigsa mula sa ilalim ng kanyang mga paa hanggang sa korona ng kanyang ulo”.

Itong libro ni Job ay nagpapatunay lamang na si Satanas ay walang pinatay na kahit na isang tao. Ang isang bagay na ginawa niya lang ay saktan si Job dahil sa utos mismo ng kanyang Panginoon.

C}.  Paano ba namatay ang mga apostoles ng diyos?
Luke 12:49-51
49 “Naparito ako upang magdala ng apoy sa lupa, at sana'y magningas na ito! 50 Ngunit mayroon akong bautismo na dapat pagdaanan, at anong paghihirap ang nasa ilalim ako hanggang sa ito ay maganap! 51 Sa palagay mo ba ay naparito ako upang magdala ng kapayapaan sa lupa? Hindi, sinasabi ko sa iyo, ngunit pagkakahati.

The Voice of Philippine Atheism.
-----------------------------------------
Tungkol kay Atheista ng Pilipinas:
 
Ang pangalang Atheista ng Pilipinas ay isang simbolong pangalan o pen name ng may akda. Siya ay isang guro, inyehero, at manunulat. Isa siya sa mga sumulat ng libro sa physics na ginagamit ng mga estudyante sa pilipinas. Siya ang nagtatatag ng The Voice of Philippine Atheism (Boses ng Atheismo sa Pilipinas) noong 2000. Siya rin ay sumulat ng ibat ibang libro sa pilosopiya, relihiyon, teknolohiya, at siyensiya na makikita nyo sa amazon.
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Disclaimer: Ang mga artikulo sa The Voice of Philippine Atheism ay inilaan para sa balanseng edukasyon. Dahil ang site na ito ay patuloy na iniedit, inaupdate at pinagbubuti, inirerekumenda ko na bumalik madalas para sa mga bagong item. Kung nais nyong gamitin ang anumang bagay dito para sa layunin ng pantas na talakayan o di kaya sa malalim na pagreresearch, mangyaring ipagbigay-alam sa may-akda sa pamamagitan ng email o banggitin ang site sa format na ito: 
* In-text citation: (Atheista ng Pilipinas, 1975)
* Reference List: Atheista (1975). Bibliya: Ebidensya Bakit Walang Diyos. Philippines.
* Website: Atheista (2000). Bakit Walang Diyos. https://voiceofphilippineatheism.blogspot.com

Tags: The Voice of Philippine Atheism, atheist, pinoy atheist, atheism, pinoy atheismo, Philippine Atheism, Filipino Atheists, Atheista ng Pilipinas



#atheists_of_the_philippines #trendvids #number_one #trend #positive_influencer #exposed #viral #dislike #atheista_ng_pilipinas #voice_of_philippine_atheism #atheism #god #jesus_christ #arguments_against_god 

No comments:

Post a Comment