Sa mga nakaraang episode, pinatunayan natin na ang diyos ay walang kasarian. And diyos ay walang anyo. Ang diyos ay walang mukha, Ang diyos ay walang pisikal na katawan. Ang diyos ay hindi nakikita. Ibig sabihin ang diyos ay invisible. Dahil sa mga hindi kapani-paniwalnag katangian ng diyos na ito, pinuna natin kung bakit ang mga masusugid na malalampatayn ng diyos ay may mga larawan ng diyos sa kani-kanilang mga altar na pinagdarasalan nila. Sino ang tao na ito na nakalarawan sa mga litrato ng kani-kanilang mga altar at simbahan?
Sa episode naman na ito, tatalakayin naman natin kung bakit walang kaluluwa. Bakit ang salitang kaluluwa ay may maling kahulugan sa pilipinas. At ano ba ang tunay na salita at kahulugan ng salitang "soul" sa hebreo at ang tunay nitong kahulugan.
Sinabi natin na ang diyos ay walang anyo. Siya ay invisible. Ang tanging paraan na ginagawa ng diyos para siya ay maging visible ay magsaanyo siya bilang isang apoy, ulap, at minsan ay isang hugis ng tao. Itong mga pagsasa-anyo niya ay kadalasang sinasamahan ng mga tunog gaya ng kulog o di kaya ng kanyang boses. Wow, talaga lang ha! Hindi ba kayo napapailing sa kakaibang ugali ng inyong diyos? (ezekiel, genesis) theophany).
Ngayon, kung ang diyos ay invisble, ano siya kaluluwa, espiritu, o wala lang?
Ang mga panatiko ng diyos, ay naniniwala na pagnamatay sila, ang kanilang kaluluwa ay pupunta sa langit kung sila ay walang mga kasalan o sa impiyerno kung sila ay maraming kasalanan.
Kaso, ang tanong, may kaluluwa ba o wala?
Una, ang katawan at kaluluwa ng tao ay parehong mamatay pag ang isang tao ay namatay sa kadahilanan na ang utak, kung saan ang lahat ng information niya, mula ng isilang siya hanggang tumanda, ay mamamatay din. Ang paniniwala na ang kaluluwa ay may sariling utak, emotion, at kalooban ay malabong mangyari maliban kung ito ay may sariling bungo, puso, at katawan.
Sa aking personal na mga karanasan sa astral projection at pagaaral sa autoscopy, napatunayan ko na ang tao ay walang kaluluwa. Noong una, akala ko na may kaluluwa dahil personal ko itong nakita ng maraming beses na humuhiwalay sa aking katawan, lumulutang sa hangin, at tumingin sa aking pisikal na katawan na natutulog sa higaan.
Subalit lumaon, sa pamagitan ng aming mga experimento ng aking kapatid at tatay, natanto namin, na ang kaluluwa ay isang ilusyon lamang ng isip na bunga ng mga aktibidad sa utak, abnormal na kondition ng katawan, at ng kapiligiran.
Ang konklusiyon na ito ay suportado din ng siyensiya ng pagiisip o neuroscience, na nagpatunayan na ang mga proseso ng isip, emosyon, at ng kamalayan ay produkto ng mga aktibidad sa utak. Kung walang utak, ang mga ito ay hindi mangyayari.
Sa siyensiya ng cybernetics naman, ito ay isang isyu na tinatawag na "mind and body" argument na nagiimbistiga kung paano ang isang imaterial na bagay gaya ng kaluluwa ay makikipagugnay sa isang material na bagay gaya ng katawan, Ito ay kagaya sa isyu na kung paano ang langis at tubig ay pwedeng magsanib bilang isang elemento.
Kung ang kaluluwa ay may abilidad na humiwalay sa pisikal na katawan ng tao at pwedeng ito lumutang kung saan saan, ibig sabihin hindi ito na-aapektuhan ng gravity. Kung hindi ito na-aapektuhan ng gravity, ibig sabihin wala itong masa o bigat. Kung wala itong bigat, ibig sabihin hindi ito pwedeng magkaroon ng motion. Kung walang motion, ito ay walang kapabilidad na humiwalay sa kanyang katawan.
Kaya, sa kadahilan ng mga ito, pagnamatay ang isang tao, ang kanyang katawan ay mamamatay lang ngunit ang kanyang kaluluwa ay manantili sa lugar na kung saan siya namatay.
Ngayon, dahil umiikot ang mundo sa paligid ng araw, ang nasabing kaluluwa ay maiiwan sa orihinal na lugar nito na nakalutang sa kalawakan habang ang mundo ay humihiwalay sa position ng kanyang pinagkamatayan.
Bilang karagdagan, ang experyensa ko sa AP kung saan ang mga paa ko ang unang humihiwalay sa katawan at ang aking ulo ang huli, ay isang resulta na sumasalungat sa mga pagaaral ng out-of-body experience kung saan ang ulo ang unang humihiwalay naman at ang paa ay ang huli,
Kung ang kaluluwa naman ay isang life force (Genesis 2:7) na bumubuhay sa pisikal na katawan, ano naman ang bumubuhay sa kaluluwa, kung may kaluluwa nga?
Kung ang diyos ay may kapangyarihan sa lahat ng bagay pati sa kanyang kaluluwa, bakit pa niya kailangan ang kaluluwa in the first place? Hindi ba sapat na ang kanyang sariling katawan ang maging kanyang kabuuan na lang?
Ito ba ay sa kadahilan na linagyan nya ng kaluluwa ang tao kaya dapat may kaluluwa din siya?
Kaso ayon sa bibliya, wala talagang kaluluwa.
Ang sinasabi na "soul" sa bibliya ay ang hebreong salita na "nephesh" na ang kahulugan ay kabuuan ng tao o ang nagbibigay buhay sa tao (gen 2:7) at hindi kaluluwa, ang maling tagalog na tranlation na hinugnay sa salitang "soul" ng mga pilipino. LOL.
Pinatunayan natin na ang salitang kaluluwa ay wala sa bibliya. Ang kaluluwa ay ang ng maling tagalog na tranlation na hinugnay sa salitang "soul" ng mga pilipino. Ang 'soul" sa hebreo ay ang salitang "nephesh" na ibig sabihin ay may buhay o nilalang na may buhay at hindi kaluluwa o multo sa tagalog.
Sa susunod na episode tatalakayin naman natin ang incest, ang pagtatalik o pagbuo ng bata sa kadugong miyembro ng kanyang sariling pamilya, ang isang karumaldumal na kasalan na pinapahintulutan ng diyos noon.
Sa kabuodan ng ating mga tinalakay sa podcast na ito, mula noon unang episode hanggang ngayon, pinatunayan natin na ang diyos ay hindi totoo pala base sa ating mga sumusunod na ebidensiya:
1. Ang pagbuo at ama ng bibliya ay makikita sa episode #4
2. Ang tunay na simbahan ng diyos at ang mga pekeng simbahan ay makikita sa episode #5
3. Ang orihinal na bibliya at ang orihinal na pagtuturo nito ay makikita sa #6,7,8
4. Ang mga mali, dagdag, at kasinungalingan sa bibliya nito na makikita sa episode #9
5. Ang pangalang Jesu Kristo ay wala sa bibliya, ang paliwanag ay nasa episode #10.
6. Si jesus ay hindi ang tunay mesiyas, ang paliwanag ay nasa episode 11.
7. Ang kabastusan ni Jesus ay makikita sa episode #12
8. Ang tunay na anyo ni kristo ay makikita sa episode #13
9. Ang mga kasamaan ng diyos ay tinatalakay sa episode #14.
10. Sino o Ano ang lumikha sa diyos ay matutunghayan sa episode #15.
11. Ang diyos ba ay babae o lalaki ay na nasa episode #16.
12. Ang mundo daw ay sentro ng universe ay nasa episode #17.
13. bakit ang tao ay walang kaluluwa ay nasa episode #13.
Sa susunod na episode tatalakayin naman natin ang incest, ang pagtatalik o pagbuo ng bata sa kadugong miyembro ng kanyang sariling pamilya, ang isang karumaldumal na kasalan na pinapahintulutan ng diyos noon.

# The Voice of Philippine Atheism.
-----------------------------------------
Tungkol kay Atheista ng Pilipinas:
Ang pangalang Atheista ng Pilipinas ay isang simbolong pangalan o pen name ng may akda. Siya ay isang guro, inyehero, at manunulat. Isa siya sa mga sumulat ng libro sa physics na ginagamit ng mga estudyante sa pilipinas. Siya ang nagtatatag ng The Voice of Philippine Atheism (Boses ng Atheismo sa Pilipinas) noong 2000. Siya rin ay sumulat ng ibat ibang libro sa pilosopiya, relihiyon, teknolohiya, at siyensiya na makikita nyo sa amazon.
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
* In-text citation: (Atheista ng Pilipinas, 1975)
* Reference List: Atheista (1975). Bibliya: Ebidensya Bakit Walang Diyos. Philippines.
* Website: Atheista (2000). Bakit Walang Diyos. https://voiceofphilippineatheism.blogspot.com
Tags: The Voice of Philippine Atheism, atheist, pinoy atheist, atheism, pinoy atheismo, Philippine Atheism, Filipino Atheists, Atheista ng Pilipinas

.#atheists_of_the_philippines #trendvids #number_one #trend #positive_influencer #exposed #viral #dislike #atheista_ng_pilipinas #voice_of_philippine_atheism #atheism #god #jesus_christ #arguments_against_god
No comments:
Post a Comment