Naitanong mo naba sa iyong sarili: Paano kung ang Bibliya ay gawa pala ng dimonyo, at ang diyos na sinasamba mo ay ang diyablo pala na nagpapanggap na Diyos? Naisip mo ba ang mga katanungan na ito? Nabasa mo na ba ang Bibliya mula sa ibang perspectives at sinisiyasat ang mga negatibo o kasuklam-suklam na mga bahagi ng bibliya? Kung hindi pa, inaanyayahan kita na tuklasin ang mga ito. Malay mo ang mga paniniwala mo ay hindi pala mga totoo kagaya ng mga tao noon na nananiwala na ang mundo daw ay patag at hindi bilog.
Sa huling artikulo, napatunayan natin na si Jesu-Kristo ay wala sa Bibliya, ang pangalang Hesukrtisto ay hindi firstname at lastname, hindi siya ang tunay na messiah na tinutukoy ng diyos, at ang kanyang mga kabastusan sa kanyang ina, ama, at sa iba pang mga tao ay tinalakay din natin.
Sa artikulo na ito, tatalakayin naman natin ang hitsura ni hesukristo, saan ba siya galing?, ano ba ang lahi nya? saan ba siya pinanganak? saan pa siya tumira? Ano ang anyo nya noon?
Maraming naniniwala na si Hesukristo ay amerikano, o puti, may asul na mata, long hair, matangkad, at slender. Pero lahat na ito ay hindi totoo.
Unng una, walang paglalarawan tungkol sa anyo nya ay matatagpuan sa bagong tipan. Wala din siyang litrato o drawing ng anyo nya, o kahit skeleton o buto nya na ng mamatay siya. Ang anyo nya ay walang iba kundi kathang isip lamang.
Ang kanyang lahi naman ay malalaman nating kung pagaaralan natin kung saan siya pinanganak at tumira (base sa primatology, paleoanthropology, osteology, at paleography).
Si Jesus ay ipinanganak sa Bethlehem. Ang Bethlehem ay nasa sa Jerusalem. Ang Jerusalem, modern israel ngayon, ay nasa Middle East kung saan ang mga arabo ay nakatira. Kaya si jesus ay arabo.
Tapos tumira siya sa nasareth, isang siyudad ng galilee, na tinagurian na ang pinakamaliking ciudad ng mga arabo.
Dito makikita natin, na si Jesus ay isang Arabo.
Dahil isa siyang arabo, ang kulay niya ay hindi puti kundi kayumanggi. ang mata nya ay hindi asul kundi itim. ang buhok niya ay hindi mahaba kundi kulot, ang taas niya ay hindi matangkad kundi bansot, at hindi siya slim kundi matipuno dahil isa siyang karpentero.
Maraming di nakakalam na ang mahabang buhok noon kapanahunan ni jesus ay isang kahihiyan sa pakatao ng may ari ng buhok. Kaya si jesus noon ay may maikling buhok.
Ang arabong litrato ni jesus ay makikita nyo kung igugoogle nyo ang litrato niya. Kung gusto nyo naman, pwede kayo pumunta sa website ko kung gusto nyo makita ang tunay na mukha ni jesus.
Malaking tsansa na hindi ninyo matatangap ang litrato na ito.
Kung matatanggap naman niyo ito, tsina chalenge ko kayo na palitan ninyo ang lahat na mga litrato ni jesus sa inyong mga bahay at palitan ito ng arabo nyang larawan.
Napatunatayan natin dito na ang litrato na sinasamba ng mga katoliko at kristiyano ay ang pekeng larawan ni hesuskristo, ang pangalan ni jesus chrsito ay wala sa bibliya, at si jesus christo ay hindi tunay na mesiyas na bibaanggit sa lumang tipan. Kung ang mga ebidensiya na ito ay nagpapatunay na si kristo ay isang kathang isip lamang, kanino kaya ang mga diboto ng katoliko at kristiyano nagdarasal?
Sa kabuodan ng ating mga tinalakay, mula noon unang artikulo hanggang ngayon, pinatunayan natin na ang diyos ay hindi totoo base sa ating mga sumusunod na ebidensiya:
- 1. Ang Pagkabuo ng bibliya at ang mga laman nito na makikita sa artikulo #4
- 2. Ang tunay na simbahan ng diyos at ang mga founders nito na makikita sa artikulo #5
- 3. Ang Doktrina ng Katoliko laban sa Judaismo nito na makikita sa #6,7,8
- 4. Ang mga mali, dagdag, at kasinungalingan sa bibliya nito na makikita sa artikulo #9
- 5. Ang pangalang Jesu Kristo ay wala sa bibliya, ang paliwanag ay nasa artikulo #10.
- 6. Si jesus ay hindi ang tunay mesiyas, ang paliwanag ay nasa artikulo 11.
- 7. Ang kabastusan ni Jesus ay makikita sa artikulo #12
- 8. Ang tunay na anyo ni kristo ay makikita sa artikulo #13
Sa susunod na artikulo tatalakayin naman natin ang mga masamang ugali ng diyos, sino ang mas maraming pinatay, diyos ba o si satanas, at kung sino ang lumikha sa diyos?

Tags: The Voice of Philippine Atheism, atheist, pinoy atheist, atheism, pinoy atheismo, Philippine Atheism, Filipino Atheists, Atheista ng Pilipinas
No comments:
Post a Comment