
Sa episode na ito, paguusapan naman natin ang Argumentong ng Realidad, o Pseudomnesic Argument ang argumento ng pagiisip, ng realidad, at maling katotohanan.
Ang salitang 'pseudomnesic' ay tumutukoy sa isang" maling pagiisip". Ang terminong "sudoh(m)nesik" sa Griyego ay binubuo sa pagsasama ng mga salita para sa 'false' at 'memory'. Ang salitang Griyego para sa fake o mali ay ψευδής (psevdís), at ang salitang memory ay μνήμη (mnēmē)."
Ang Argumentong ng Sudohnesik ay isang bagong nakakaintrigang pilosopikal na argumento na isang gawang pinoy uli na nagpapakita ng Kalagayan ng Kaisipan ng Diyos sa kanyang paglikha ng Isip ng Tao na walang kakayahan maarok kung ang realidad ba ay totoo o ilusyon lamang.
Sa argumento na ito, tinatanong natin kung ang ating realidad ba ay isang katotohanan o isang malaking ilusyon lamang. Paano natin ito mapapatunayan? Paano natin ito ma babalidate? Paano natin ito masusukat o mamemesure?
Marami sa atin ang naniniwala sa mga tikbalang, duwende, halimaw, aswang, kapre, ahas na nagsasalita, sirena, unicorns, dragons, diwata, ang babae ay galing sa tadyang ng lalaki, at ang diyos ang lumikha ng lahat ay mga pawang katotothanan na nakasaad sa bibliya. Ito ay isang halimbawa ng realidad na hango sa paniniwala ng tao.
May mga iba ring mga tao na nanininiwala kay santa clause, batman, superman, darna, kaptain barbel, dyesebel, at buddha. Ito ay isang halimbawa rin ng realidad na hango sa kathang isip ng tao. Kagaya sa bibliya, ang mga ito ay pawang mga totoo din.
Sa mga nakapagaral o dalubhasa sa siyensiya, sa neuro science, sa siyensiya ng pagiisip, sa matimatika, pilosopiya, at teknolohiya naman, ang klase ng realidad na ito ay pawang hindi mga totoo. Ito ay mga gawa gawa lamang ng kaisipan ng tao. Ito ay mga ideya o mga ilusyon lamang ng mga tao.
Dahil sa tatlong halimbawa na ito, di natin malaman tuloy kung ano ba ang tunay na realidad at ano ba ang ilusyon lamang. Sino sa kanila ang nagsasabi ng katotohanan?
Kung susuriin naman natin ang pisikal na realidad ng kalikasan, makikita natin na ang pisikal na realidad ng kalikasan ay isang ilusyon din. Ito ay pinatunayan natin sa huling episodekung saan ang mga bagay bagay na nakikita natin sa ating pisikal na kapaligiran ay pawang mga hindi totoo. Ito ay mga ilusyon lamang na gawa ng ating kaisipan o ng ating kapiligiran.
Halimbawa, ang puno na nakikita natin ay hindi totoo. Ito ay gawa gawa lamang ng ibat ibang hugis nabumubuo ng isang pisikal na puno. Sinabi din natin, na kung ang atom ay hindi buhay, at ang tao ay binubuo ng mga atom, ibig sabihin na ang tao ay wala ring buhay. Dito makikita natin na ang tao ay walang kakayahan malaman kung ano ba ang totoo o hindi, dahil may dalawang mag kaibang pananaw na magkasalungat kung ang ating realidad ba ay totoo o isang ilusiyon lamang.
Ngayon, tignan pa natin ang ibang ebidensiya kung bakit ang realidad natin ay isang ilusyon.
Kung ang cellphone mo ay nasa ibabaw ng mesa ngayon, maari mong sabihin na ito ay hindi gumagalaw, di ba. Dito pa lang masasabi mo na ang realidad na ito ay totoo. Subalit pag sinabi ko sa iyo na ang celphone mo ay gumagalaw kahit ito ay nakalagay sa mesa, sasabihin mo uli sa akin na mangmang ako. Pero sasa bihin ko sa iyo na ang lahat ng bagay sa mesa, ang silya mo, ang higaan mo mo ay pawang mga gumagalaw.
Paano ba ito? Ang celfone sa mesa mo ay gumagalaw dahil ang mundo ay umiikot sa araw. Kung ikaw nasa buwan ngayon at may dala kang teleskopya na nakatutok sa celfone mo sa mesa, makikita mo na ang celfone mo ay gumagalaw alinsunod sa pagikot ng mundo at pagikot nito sa araw. Ibig sabihin ang celfone mo, ikaw, at lahat ng bagay sa kuwarto mo at sa mundo ay gumagalaw ng paikot. Pero ang iyong realidad ay nagsasabi na hindi ito totoo, hinidi ka umiikot. Dito mapupuna mo kung ang realidad mo ba ay talagang totoo o isang ilusyon lamang.
Ituluyon natin. Sa totoo lang, ang celfone mo ay hindi lang umikot. Dahil ang mundo ay parte ng isang galaxy at ang ating galaxy ay gumagalaw ng spiral, kaya ang celfone mo ay hindi lang umiikot, kundi umiikot din ito ng spiral. Pero ang galaxy natin ay parte rin ng black matter na nag eexpand o gumagala ng tuwid palayo sa kalawakan. Ibig sabihin ang celfone mo ay hindi lang gumagalaw ng paikot, ng spiral, ng diretso, at ito rin ay gumagalaw pababa dahil sa gravity at pataas dahil sa pressure.
Dito makikita natin na ang realidad ng mga bagay bagay na nakikita natin sa mundo ay pawang mga ilusyon lamang at dahil dito ang mga ito ay pawang hindi mga totoo.
Tignan pa natin ang ibang halimbawa kung bakit ang realidad natin ay isang ilusyon lamang. Tatawagin ko itong the LRT effect, dahil ito ay gawang pinoy uli. Imagine mo na nakasakay ka sa isang train. Ang train na ito ay tatahakin ang isang mahabang mahabang tunnel na madilim. Habang ang train ay umuusad unti unti, makikita mo ang mga tao sa iyong mga kapaligiran. makikita mo ang kanilang mga mukha, ang kanilang mga anyo, ang kanilang mga bagahe, ang mga bintana, at mga silya. Habang bumibilis ang train at ito ay nasa loob na ng madilim na tunnel, makikita mo na ang lahat ng bagay ay hindi mo na maaninag. Habang tumagal, makikita mo na lang na ang lahat ay kulay itim na. hindi mo na makita ay mga tao, ang mga bagahe, ang mga silya, at iyong sarili. Pero nararamdaman mo pa rin na may katawan ka, may paa at kamay ka pa, at may isip ka pa rin. Habang umuusad ang maraming oras, unti unti mo na rin hindi narramdama ang iyong mga paa, mga kamay, at iyong buong katawan, Ang iyong isipan na lamang ang umiiral. Dito sa punto na ito, bigla mo narealize kung ikawa ba ay negeexist o ang isip mo lamang ang gumagawa ng realidad mo?
Sa halimbawa na ito, makikita natin na ang tunay na pisikal realidad ay isang ilusyon lamang. Ang mga tao at bagahe sa loob ng train ay pawang gawa lamang ng ating isip. Ang ating isip ay ang nagdidikta kung ano ba ang totoo at hindi, ano ba ang realidad at ano ang ilusyon.
Dahil sa LRT Effect, ipinapakita natin ang lahat ng bagay sa train ay walang kulay. Ibig sabihin ang lahat ng bagay ay kulay itim. Gayun din, ang lahat ng bagay sa mundo ay pawang kulay itim rin. Ang mga kulay na nakikita natin sa ating kapaligiran ay pawang mga ilusyon lamang kagaya ng kulay.
Totoo ba ito. Kung titignan mo ang liwanag ng araw ito ay kulay puti. Subalit ito ay hindi totoo. Ito ay isang ilusyon din, dahil ang liwanag ng araw ay maraming kulay. Ang mga kulay na ito, nabinansagang ROYGBIV, ay makikita mo sa isang bahag-hari o rainbow. Kaya ang halaman ay kulay green, dahil ito ay naaninagan lamang ng kulay berde ng araw. Kung wala ang araw ang halaman ay kulay itim. Ang mansanas ay kulay red, dahil ito ay naaanigan lamang ng kulay pula ng araw. Kung wala ang araw ang mansanas ay kulay itim. At lahat ng bagay na ating nakikita ay nakikita natin natin dahil sa naaanigan ito ng araw, kung walang araw lahat ng bagay ay kulay itim.
kaya, sa mga halimbawa na ito, pinatunayan natin na ang ating realidad ay pawang hindi mga totoo at ang mga ito ay pawang mga ilusyon lamang.
Sa gayon, makikita natin na kung ang Diyos ay may perpektong linikha at pag-iisip dapat lumikha siya ng isang isip na maykakayahang umunawa kung ano ang Katotohanan o Realidad. Ngunit dahil lumikha siya ng isang mahinang isip na hindi kayang tumanto kung ano ang totoo at hindi tunay, ipinapakita nito na ang isip niya ay hindi perpekto.
Itong mental na pagkakamali ng diyos o memory lapse ay nag-sasaad ng isang solidong ebidensya na nagpapatunay na ang Diyos ay hindi perpekto at hindi alam ang lahat. dahil hindi niya nagawang malaman nang maaga na kung ang isip ng tao ay hindi kayang matanto ang realidad, hindi siya makikilala kailan pa man.
Ibig sabihin, kung:
1. Ang Diyos ang lumikha ng isip.
2. Subalit, ang isip ay hindi kayang umunawa ng katotohanan o trealidad.
3. Samakatuwid, ang Diyos ay hindi kailanman makikilala.

Tags: The Voice of Philippine Atheism, atheist, pinoy atheist, atheism, pinoy atheismo, Philippine Atheism, Filipino Atheists, Atheista ng Pilipinas

No comments:
Post a Comment