
Sa episode na ito, paguusapan naman natin ang Pasko. Ito ay ang kuwento ng Natividad, o ang pagsilang ni Hesus, isang celebrasyon na kinopya sa mga pagano.
Ang Argumento ng Pasko, o Natividad Argument, ay tumatalakay kung ang istorya ng natividad o kapanganakan ng diyos ay nangyari ba o ito ay simbolo lamang.
Ang pasko ay wala sa bibliya. Ito ay isang istorya na buhat sa paganong tradition na kinopya ng Romanong Simbahan para magbigay daan sa pagconvert ng mga dating pagano ng madalian sa romanong katoliko.
Tandaan na sa judaismo, wala silang pasko dahil di sila niniwala na si jesus ay ang messiya at diyos. Nang dinagdag ng romano katoliko ang bagong tipan sa lumang tipan, ipinakilala nila si Jesus na anak ng diyos at diyos mismo. Sila rin ang gumawa ng istorya tungkol sa kapanganak ni jesus, ng tatlong hari, ng mga disipulo, at mga sankap ng pasko gaya ng pagbibigay ng regalo, ang christmas tree, salo salo o noche buena, at carolings. Ito ay mga ebidensiya na nagpapatunay na ang natibidad ay galing sa mga unang paganong kultura.
Subalit, ang istorya ng natividad ay hindi nangyari dahil ito ay walang historical record o ebidensiya na ito ay naganap. Ang birheng kapanganakan ay isang paganong istorya din kung saan si Maria ay kinse anyos lamang ng siya ay binuntis ng diyos. Ang Pasko ay isang simbolo lamang na binuhay ni St Francis noong 1223.
May mga ilang iskolar na nagsasabi na walang arkeolohikal na ebidensya na sumusuporta sa tradisyunal na kuwento ng kapanganakan ni hesus. Halimbawa nito ay ang bayan ng Nazaret, kung saan sinasabing si Jesus ay lumaki, ay hindi man lang nababanggit sa anumang kontemporaryong tala noon hanggang namatay si Jesus. Ito ay nagsasad na ang Nazaret noong unang siglo ay hindi pa umiiral o nageexist.
Bukod dito, may mga argumento laban sa census na binanggit sa ebanghelyo ni Lucas, na nagsasaad na naglabas ng kautusan si Caesar Augusto para sa isang pambansang census habang si Quirinius ay gobernador ng Siria. Subalit walang historikal na ebidensya na nagsasabing naganap ang census na ito sa panahong iyon.
Ang kuwento ng Natividad, o ang pagsilang ni Hesus ay isang celebrasyon na kinopya sa mga pagano. dahil ang Kristiyanong at pagano ay may mga parehong elemento sa mga pinagmulan nito, kagaya ng:
Maraming maraming kultura noon ang nagdiriwang ng winter solstice noon, na nagaganap tuwing Disyembre, dahil ito ang pinakamaikling araw ng taon. Ang mga pagdiriwang na ito ay madalas na kasama ang piyesta, pamimigay ng mga regalo, at kasayahan.
Ang eksaktong petsa ng kapanganakan ni Jesus ay walang nakakaalam, ngunit pinili ng Kristiyanong Simbahan ang Disyembre 25 para sa kanyang kapanganakan. Subalit maraming mga skolars ang nagsasaad na si hesus ay inanganak ng spring at hindi winter base sa mga astronomical findings.
Ang paganong selebrasyon ng Saturnalia, gayun din ng Haring araw (Sun God) ng mga Romano, na ginaganap din sa kalagitnaan ng Disyembre, ay isang panahon ng piyesta, pamimigay ng mga regalo, at pagtitipon. Ito'y nagbibigay-pugay kay Saturn, ang diyos ng agrikultura. Ang ilang paganong kaugalian mula sa pista ng Saturnalia ay nakaimpluwensya sa mga tradisyon ng Pasko.
Sa Hilagang Europa naman, ang pagano na pista ng Yule, na ipinagdiriwang din ng disyembre, ay may kasamang mga piyesta, pagsunog ng puno, at iba't ibang kaugalian. Ang ilang mga tradisyon ng Yule ay naisama din sa mga pagdiriwang ng Pasko. Ang pagpapa-apoy ng mga troso o log ay pinaniniwalaan na ginagawa ay dahil ang araw ay maiksi lamang at hindi nila alam kung ang araw ay lalabas uli kinabukasan.
Noong lumaganap ang Kristiyanismo, ang pasko ay ginamit na Istratehiya ng Konbersyon o pagakit ng mga paganong miyembro sa simbahang katoliko. Ang pagsasamasama na ito ay naging sanhi upang maghalo ang mga elemento ng pagano at Kristiyano.
Ang Star of Bethlehem ay sinasabi ng ilangmga astronomer at mga iskolar na walang malinaw na astronomikal na pangyayari na tumutugma sa paglalarawan ng Star of Bethlehem sa panahon ng kapanganakan ni Jesus.
Ang Birhen na Pagsilang ay hindi natatangi sa Kristiyanismo lamang dahil ito at matatagpuan sa iba't ibang mitolohiya at relihiyon noon, na nagsasaad na ito'y higit na simboliko lamang at hindi historikal. Ang pagsilang ng isang messayah ng isang birhen ay pangkaraniwan na sa mg kultura noon katulad ni Mithra sa mga Persiano, Horus sa Ehipto, at Quetzalcoat sa Aztec. Ang salitang birhen sa griyego ay "almah" na ang ibig sabihin ay katorse o kinse anyos na dalaga, isang bata na walang kamuwang muwang na himalang binuntis ng diyos.
Ang Pagkakaiba sa Mga Ebanghelyo nina Mateo at Lucas ay nagbibigay ng magkaibang detalye tungkol sa kapanganakan ni Jesus. Halimbawa, ang ebanghelyo ni Mateo ay nagsasalaysay ng pagbisita ng tatlong hari, samantalang si Lucas ay nagsasabi ng pagbisita ng mga pastol. Ang mga pagkakaibang ito ay itinuturing bilang katibayan na ang pasko ay isang istorya lamang at hindi historikal.
Tulad ng nabanggit ko, ang census na inilarawan sa Lucas ay walang mga rekord ng kasaysayan na magkokonekta na si maria at joseph ay nagpunta sa bethlehem liban sa bibliya.
Ang mga Kakulangan ng Mga Kontemporanyong Sanggunian sa rekord ng mga Romano o mga Hudyo na nagbabanggit ng mga pangyayaring inilarawan sa kuwento ng Pasko ay nagdudulot ng pagdududa sa kanilang historikal na katotohanan.
Iminumungkahi ng ilang iskolar na ang kuwento ng Pasko ay mga Simbolikong Interpretasyon lamang o allegorical o theological, na nilalayon lamang na maghatid ng espirituwal na pangangaral halip na historikal na mga katotohanan. Halimbawa, ang mga pastol ay madalas na tinitingnan bilang mga simbolo ng kababaang-loob at ang tatlong hari ay kumakatawan sa pagkilala sa kahalagahan ni Jesus bilang hari ng buong mundo. Ang paggamit ng mga numero sa kuwento ng Pasko, tulad ng tatlong Mago at ang labingdalawang araw ng Pasko, ay mga simboliko din.
Ang Lugar ng Kapanganakan ni Jesus ay isang mahalagang elemento sa propesiya na ang Mesiyas ay ipapanganak sa sa Bethlehem o City of David. Ang kuwento ng kapanganakan ni Jesus sa Bethlehem ay hinubog upang tumugma sa propesiya ng lumang tipan.
Ang ibang ebanghelyo na sinulat ng mga apostoles, tulad ng mga epistula ni Pablo, ay hindi nagbabanggit ng mga detalye sa kapanganakan ni Jesus. Dahil dito pininiwalaan na ang kuwento ng Pasko ay nabuo lamang kinalaunan at ito ay binigyan lamang ng buhay ni St Francis noong 1223 sa Greccio, Italy.
Dahil sa mga kadahilan na mga ito, ang kuwento ng natividad o Pasko ay hindi totoo dahil ito ay mga simbolo lamang at hindi historikal na nangyari
Siyanga pala, si santa klaus at ang kanyang mga duwende ay hindi rin totoo. Paalala lamang.
Dito sa episode na ito, pinatunayan natin na ang pasko ay isang paganong tradition lamang na kinopya sa ibat ibang kultura noon para magbigay daan sa pagconvert ng mga pagano ng madali sa katoliko. Ang istorya ng natividad ay hindi nangyari dahil ito ay walang historical record o ebidensiya na ito ay nangyari. Ang ibig sabihin na salitang "almah" sa griyego ay kinse anyos na dalaga at hindi birhen o betulah sa griyego. Si Maria ay kinse anyos lamang ng siya ay binuntis ng diyos.
Sa susunod naman na episode paguusap naman natin ang argumento ng diyos, kung saan tatanungin natin kung totoo ba na ang diyos ay makapangyarihan sa lahat, alam ang lahat, mabait sa lahat, perpekto sa lahat, at nasa lahat ng dako o lugar. Kung mapapatunayan natin na ito ay hindi totoo, ibig sabihin ang diyos ay hindi rin totoo.
Paghahambing ng mga pangunahing pista na ipinagdiriwang sa Judaismo, Katolisismo, at Islam:
Mga Pista ng Hudyo:
- Shabbat - Lingguhang araw ng pahinga.
- Rosh Hashanah - Bagong Taon ng mga Hudyo.
- Yom Kippur - Araw ng Pagbabayad-sala.
- Sukkot - Pista ng mga Kubol.
- Shemini Atzeret - Pagtatapos ng Sukkot.
- Simchat Torah - Pagwawakas ng siklo ng pagbasa ng Torah.
- Hanukkah - Pista ng mga Ilaw.
- Tu Bishvat - Bagong Taon ng mga Puno.
- Purim - Paggunita sa pagliligtas mula sa plano ni Haman.
- Passover (Pesach) - Paggunita sa Exodus mula sa Ehipto.
- Shavuot - Pagbibigay ng Torah sa Bundok Sinai.
- Tisha B'Av - Pagdadalamhati sa pagkasira ng mga Templo.
Mga Pista ng Katoliko:
- Linggo - Lingguhang araw ng pahinga at pagsamba.
- Adbiyento - Panahon ng paghahanda para sa Pasko.
- Pasko - Kapanganakan ni Jesucristo.
- Epiphany - Pagpapakita ni Kristo sa mga Hentil.
- Kwaresma - Panahon ng pagsisisi at pag-aayuno.
- Pasko ng Pagkabuhay - Muling pagkabuhay ni Jesucristo.
- Pentekostes - Pagbaba ng Espiritu Santo.
- Assumption of Mary - Pag-akyat ng Birheng Maria sa Langit.
- Araw ng mga Santo - Paggunita sa lahat ng mga santo.
- Araw ng mga Kaluluwa - Paggunita sa lahat ng mga yumaong tapat.
- Immaculate Conception - Paglilihi ng Birheng Maria na walang orihinal na kasalanan.
Mga Pista ng Islam:
- Jumu'ah - Lingguhang pagdarasal tuwing Biyernes.
- Eid al-Fitr - Pista ng Pagwawakas ng Pag-aayuno, nagmamarka ng pagtatapos ng Ramadan.
- Eid al-Adha - Pista ng Sakripisyo, ginugunita ang kahandaan ni Ibrahim (Abraham) na isakripisyo ang kanyang anak bilang pagsunod sa Diyos.
- Ramadan - Banal na buwan ng pag-aayuno, pagdarasal, at pagninilay.
- Mawlid al-Nabi - Pagdiriwang ng kapanganakan ng Propeta Muhammad.
- Laylat al-Qadr - Gabi ng Decre, itinuturing na pinakabanal na gabi ng taon, ginugunita ang gabi na inihayag ang Quran kay Muhammad.
- Hijri New Year - Bagong Taon ng Islam, nagmamarka ng paglisan ni Propeta Muhammad mula sa Mecca patungong Medina.
- Ashura - Paggunita sa pagkabayani ni Husayn ibn Ali, isinasagawa ng pag-aayuno at paggunita.
Mga Highlight ng Paghahambing:
Lingguhang Pagdiriwang
- Ang Shabbat (Judaismo), Linggo (Katolisismo), at Jumu'ah (Islam) ay mga lingguhang araw ng pahinga at pagsamba, bawat isa ay may natatanging ritwal.
Mga Pangunahing Pista
- Ang Rosh Hashanah (Bagong Taon ng mga Hudyo) ay may katumbas na Hijri New Year (Bagong Taon ng Islam).
- Ang Yom Kippur (Araw ng Pagbabayad-sala) at Kwaresma (panahon ng pagsisisi ng Katoliko) ay parehong nagbibigay-diin sa pagsisisi, habang ang Ramadan (Islamic month ng pag-aayuno) ay tumutuon sa pag-aayuno, pagdarasal, at pagninilay.
- Ang Passover (paggunita sa Exodus) at Eid al-Adha (Pista ng Sakripisyo) ay parehong may mahalagang kasaysayan at relihiyosong kuwento, na may tema ng kalayaan at sakripisyo.
Mga Pista at Pagdiriwang
- Ang Sukkot, Shemini Atzeret, at Simchat Torah sa Judaismo ay naiiba sa Pentekostes at Araw ng mga Santo sa Katolisismo, at Eid al-Fitr at Eid al-Adha sa Islam, bawat isa ay may sariling kaugalian at pagdiriwang.
Natatanging Paggunita
- Ang Hanukkah sa Judaismo ay nagdiriwang ng milagro ng langis at muling pagkadeklara ng Templo, na walang direktang katumbas sa Katolisismo o Islam.
- Ang Purim ay naggunita sa pagliligtas ng mga Hudyo mula sa isang balak na wasakin sila, habang ang Ashura sa Islam ay naggunita sa pagkabayani ni Husayn ibn Ali.
Kung ang tatlong relihiyong ito ay naniniwala sa iisang Diyos, bakit ang Pasko ay ipinagdiriwang lamang ng mga Katoliko?
Ang pagdiriwang ng Pasko ay natatangi sa Kristiyanismo, at narito kung bakit:
Kristiyanismo at si Jesucristo
Ang Kristiyanismo ay batay sa paniniwala na si Jesucristo ang Anak ng Diyos at ang Tagapagligtas ng sangkatauhan. Ang Pasko ay ipinagdiriwang upang gunitain ang kapanganakan ni Jesus, na sentral sa teolohiya ng Kristiyano at ang kwento ng kaligtasan.
Ang mga Ebanghelyo sa Bagong Tipan ay naglalarawan ng kapanganakan ni Jesus, at ang kaganapang ito ay itinuturing na mahalagang sandali sa kasaysayan ng Kristiyano.
Judaismo
Ang Judaismo ay hindi kinikilala si Jesus bilang Mesiyas o isang banal na pigura. Si Jesus ay itinuturing bilang isang makasaysayang pigura, ngunit hindi bilang Anak ng Diyos o Mesiyas sa teolohiya ng Hudyo. Kaya, ang mga pista ng Hudyo ay hindi nakasentro sa mga kaganapan mula sa buhay ni Jesus. Sa halip, ang mga pista ng Hudyo ay nakaugat sa kasaysayan at karanasan ng mga Hudyo at ang kanilang tipan sa Diyos.
Islam
Ang Islam ay nagpaparangal kay Muhammad bilang huling propeta, ngunit hindi siya itinuturing na Diyos. Si Muhammad ay isang mensahero ng Diyos (Allah), katulad ng iba pang mga propeta tulad ni Moises at Jesus. Ang Islam ay kinikilala si Jesus (kilala bilang Isa sa Arabic) bilang isang propeta at iginagalang ang kanyang kahalagahan. Gayunpaman, ang Islam ay hindi nagdiriwang ng kanyang kapanganakan bilang isang relihiyosong pista. Sa halip, ang mga pista ng Islam ay batay sa mga aral at buhay ni Propeta Muhammad at mga mahalagang kaganapan sa kasaysayan ng Islam.
Disclaimer:
Palaging suriin ang impormasyon mula sa maraming mapagkakatiwalaang mga mapagkukunan. Ito ay tumutulong upang matiyak ang katumpakan at nagbibigay ng mas kumprehensibong pag-unawa. Gamitin ang kritikal na pag-iisip upang suriin ang impormasyon. Gumamit ng mga mapagkakatiwalaang mga website ng pagsuri ng katotohanan at mga tool upang mapatunayan ang mga pahayag at datos.

#
The Voice of Philippine Atheism.-----------------------------------------
Tungkol kay Atheista ng Pilipinas:
Ang pangalang Atheista ng Pilipinas ay isang simbolong pangalan o pen name ng may akda. Siya ay isang guro, inyehero, at manunulat. Isa siya sa mga sumulat ng libro sa physics na ginagamit ng mga estudyante sa pilipinas. Siya ang nagtatatag ng The Voice of Philippine Atheism (Boses ng Atheismo sa Pilipinas) noong 2000. Siya rin ay sumulat ng ibat ibang libro sa pilosopiya, relihiyon, teknolohiya, at siyensiya na makikita nyo sa amazon.
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Disclaimer: Ang mga artikulo sa The Voice of Philippine Atheism ay inilaan para sa balanseng edukasyon. Dahil ang site na ito ay patuloy na iniedit, inaupdate at pinagbubuti, inirerekumenda ko na bumalik madalas para sa mga bagong item. Kung nais nyong gamitin ang anumang bagay dito para sa layunin ng pantas na talakayan o di kaya sa malalim na pagreresearch, mangyaring ipagbigay-alam sa may-akda sa pamamagitan ng email o banggitin ang site sa format na ito: * In-text citation: (Atheista ng Pilipinas, 1975)
* Reference List: Atheista (1975). Bibliya: Ebidensya Laban Sa Diyos. Philippines.
* Website: Atheista (2000). Bakit Walang Diyos. https://voiceofphilippineatheism.blogspot.com
Tags: The Voice of Philippine Atheism, atheist, pinoy atheist, atheism, pinoy atheismo, Philippine Atheism, Filipino Atheists, Atheista ng Pilipinas

#atheists_of_the_philippines #trendvids #number_one #trend #positive_influencer #exposed #viral #dislike #atheista_ng_pilipinas #voice_of_philippine_atheism #atheism #god #jesus_christ #arguments_against_god
No comments:
Post a Comment