Ang Lumang Tipan kumpara sa Bagong Tipan:
Mga aklat ng Lumang Tipan:
Genesis, Exodus, Levitico, Mga Numero, Deuteronomio, Josue, Hukom, Ruth, 1 Samuel, 2 Samuel, 1 Kings, 2 Kings, 1 Chronicles, 2 Chronicles, Ezra, Nehemias, Esther, Job, Awit, Kawikaan, Ecclesiastes, Song ng Solomon, Isaias, Jeremiah, pagpipighati, Ezekiel, Daniel, Hosea, Joel, Amos, Obadiah, Jonah, Micah, Nahum, Habakkuk, Zephaniah, Haggai, Zacarias, Malachi.
Mga aklat ng Bagong Tipan:
Mateo, Mark, Luke, John, Gawa, Roma, 1 Corinto, 2 Corinto, Galacia, Efeso, Filipos, Colossians, 1 Thessalonians, 2 Thessalonians, 1 Timothy, 2 Timothy, Titus, Hebreo, Philemon, James, 1 Pedro, 2 Pedro, 1 Juan, 2 Juan, 3 Juan, Jude, Apocalipsis.
Ang Biblia ay hindi isang solong libro. Kung titignan natin ang luma at bagong tipan, ang banal na libro ay binubuo ng maraming libro na pinagsama sa ilalim ng isang solong pamagat “Ang Bibliya”. Ito ay isang koleksyon ng mga iba’t-ibang mga libro na sinusalat ng ibat-ibang mga may-akda sa Hebrew, Griyego at Arameik.
Ang lumang tipan, na kung saan ay binubuo ng 46 na mga libro, ay sinulat sa Hebrew. Ang ilang mga bahagi nito ay orihinal na nakasulat sa Arameik. Samantala, ang mga libro sa bagong tipan ay binubuo ng 27 libro at ito ay sinulat sa Griyego.
Ang mga Hebrew, lalo na ang mga Hudyo na naniniwala sa Hudaismo, ay kumukilala lamang sa 39 libro na kung saan ay hinati sa tatlong pangunahing mga kategorya: Ang Batas, Ang mga Propeta at ang Kasulatan. Ang unang limang libro, na ang tawag ay Pentatyuk o Torah, ay sa pangkalahatan kinikilala upang isama ang mga materyales mula sa hindi bababa sa apat na iba’t ibang pinagmulan; ang Yahwist, Elohist, Deuteronomist at Priestley. Ang Torah ay isang prophetik na libro na kagaya ng Koran ng Islam, Avesta ng Zoroastrians, Adi ng Sikhs, at iba pang mga sinaunang panunulat na pinagsama-sama bilang isang solong kasulatan at naging bahagi ng Lumang Tipan.
Sa kabilang banda, ang Romano Katoliko at Simbahang Orthodox ay may dinagdag pang pitong libro sa kanilang mga Biblia. Ang mga libro na ito ay: Judith, Wisdom, Ecclesiasticus, Baruch, Tobit at Maccabbes 1 & 2. Samantala, ang Protestante ay may ikapitong libro na sinama, ang “Apokripiko”. Ang Katoliko Iglesia naman ay kinikilala ang oral na tradisyon at banal na paghahayag o mga kasulatan ng mga tao noong panahon noon. Sa kabilang banda, ang mga Repormistang Protestante ay gusto lamang sundin kung ano na mismo ang nakasulat sa Bibliya at isangtabi ang oral na tradisyon.
Ang Bagong Tipan ay hindi bahagi ng Jewish Bibliya o ng Lumang Tipan. Ang bagong tipan ay dinagdag laman sa lumang tipan ng mga Romano sa ilalim ni Constantino. Si Constantine, na isang Mithraist bago siya naging Kristiyanismo, ang nagdesisyon kung aling mga libro ang dapat ilagay sa Bibliya. Hindi ang Diyos o si Jesu Kristo o kahit sinong disipulo ang nagpanukala sa paggawa ng bibliya. Ang kaganapan ng pagsasama sama ng luma at bagong tipan, namaybahid pulitika, ay naganap sa Konseho ng Nicea noong 325 AD.
Dalawang pamantayan ang sinunod ng konseho sa paglimbag ng bibliya:
1. Ang konteksto ng libro ay dapat na isang pagpapatuloy ng mga paniniwala ng mga Jewish at dapat isulong ang mga aral ng Lumang Tipan.
2. Ang Bagong Tipan ay isinama sa lumang tipan para ilagay ang istorya ni Jesus na anak ng diyos. (Tandaan na ang mga Hudyo ay hindi naniniwala na si Jesus ay ang anak ng diyos). Dapat din nakatala sa bibliya ng Katoliko ay ang mga libro na sinulat kuno ng apat na apostoles. Dito, si Kristo mismo ay walang sinulat na kahit na isang kataga sa buong bibliya.
Narito ang mga pagkakaiba sa pagitan ng Lumang Tipan at ang Bagong Testamento:
Ang Lumang Tipan, ang orihinal na Banal na Kasulatan at ang bibliyang ginagamit ng mga Jewish, ay kinikilala ang mgs sumusunod na paniniwala:
1. Iisa lang ang Diyos. Wala ng ibang diyos. Si Jesus, si Maria o kahit na sinong santo o santa ay linihka lamang sa sa bagong Tipan. Di sila talaga kasama sa lumang tipan.
2. Ang pangunahing moral virtues ng Judaism ay hustisya, pagkakapantay-pantay at katuwiran.
3. Ang libro ay kumikilla din sa pagdating ng isang Mesiyas bilang isang tao at hindi banal.
4. Ito rin ay nagtuturo sa pagtubos ng kasalanan ngunit hindi kaligtasan mula sa isang Jesus.
5. Ito rin ay nagtuturo na ang Diyos ay hindi maaaring matarok o malalarawan ng sino mang nilalang.
6. Nagtuturo din ito ibahagi ang malaking parte ng oras sa paggawa ng mga mahusay na gawain.
7. Ang mabuting gawa ay katumbas ng kabanalan. Hindi sila naniniwala na ang tao ay makasalanan.
Sa Bagong Tipan, isang hiwalay na libro na dinagdag ng Kristianismo sa lumang testamento, ay pinaniniwalaan ang mga sumusunod:
1. Si Jesus Cristo ay kinikilang diyos din. Pati si Santa Maria, San Jose at iba pang mga reliyosong martir.
2. Ito ay nagtuturo ng kaligtasan, kung saan ang mga Kristiyano ay masasalba mula sa kanilang mga kasalanan sa pamamagitan ng sa pagdating ng “Anak ng Diyos” sa lupa.
3. Kinikilala ang Anak ng Diyos bilang parehong tao at banal.
4. Sila rin ay naniniwala sa Apocalipsis na kung saan ang anak ng diyos lang ang masasalba
5. Ang Kristiyanismo ay palaging inaaalay ang malaking oras sa pagkolekta ng mga abuloy at pangaakit ng mga bagong miyembro ng simbahan
6. Ang Kristiyanismo ay naniniwala sa pag-asa ng mga gantimpala at takot sa parusa at sa afterlife na ipinangako sa kanila ni Jesus.
7. Sa kabilang banda, ang mga Katoliko Iglesia ay naniniwala sa “pitong masasamang kasalanan” na sa totoo lang ay di galing sa bibliya kundi sinulat lamang ng kampo ni Konstantino. Ito ang “seven deadliest sins”:
1. Katakawan
2. Pagmamataas
3. Inggit
4. Galit
5. Libog
6. Katakawan
7. Kupad
Bubusisiin ko rin dito ang mga sumusunod:
1. Kung bakit ang “Pitong Araw ng Paglikha” ay isang istorya na maraming kamalian.
2. Isasawalat ko rin dito ang mga hayop na di totoong nanirahan sa lupa.
3. Ang pitong diyos na sinasamba sa bibliya.
4. Ang kasamaan ng Diyos at ni Jesus.
5. At bakit ang Kristiano ang totoong anti-kristo at di si satanas.

Tags: atheist, pinoy atheist, atheism, pinoy atheismo, Philippine Atheism, Filipino Atheists
# The Voice of Philippine Atheism.
-----------------------------------------
Tungkol kay Atheista ng Pilipinas:
Ang pangalang Atheista ng Pilipinas ay isang simbolong pangalan o pen name ng may akda. Siya ay isang guro, inyehero, at manunulat. Isa siya sa mga sumulat ng libro sa physics na ginagamit ng mga estudyante sa pilipinas. Siya ang nagtatatag ng The Voice of Philippine Atheism (Boses ng Atheismo sa Pilipinas) noong 2000. Siya rin ay sumulat ng ibat ibang libro sa pilosopiya, relihiyon, teknolohiya, at siyensiya na makikita nyo sa amazon.
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
* In-text citation: (Atheista ng Pilipinas, 1975)
* Reference List: Atheista (1975). Bibliya: Ebidensya Bakit Walang Diyos. Philippines.
* Website: Atheista (2000). Bakit Walang Diyos. https://voiceofphilippineatheism.blogspot.com
Tags: The Voice of Philippine Atheism, atheist, pinoy atheist, atheism, pinoy atheismo, Philippine Atheism, Filipino Atheists, Atheista ng Pilipinas

#atheists_of_the_philippines #trendvids #number_one #trend #positive_influencer #exposed #viral #dislike #atheista_ng_pilipinas #voice_of_philippine_atheism #atheism #god #jesus_christ #arguments_against_god
No comments:
Post a Comment