Sunday, November 10, 2024

Argumento ng Lumikha

Sa loob ng maraming siglo, maraming mga matatalinong tao noon na gumawa ng kani-kanilang depensa tungkol sa katungang kung may diyos ba o wala. "At ang unang katanungan ay lagi "Kung walang diyos, paano na likha ang lahat, ang mundo, ang araw, at buong sanlibutan? Paano nalikha ang mga hayop, halaman at tao, paano nalikha ang lahat na ito kung walang isang matalinong lumalang o lumikha ng mga ito? 

Ang tawag sa argumento na ito ay ang Argumento ng Lumikha, o ang Kosmological Argument. Ang argumentong kosmolohikal ay isang klasikong pilosopiya na naglalayong patunayan kung may Diyos ba. Ang argumneto na ito ay nagsasabi na ang lahat ng bagay sa sanlibutan ay may unang pinagmulan. Ang pinagmulan na ito ay pinapaniwalaan na ang Diyos. 

Ilan sa mga kilalang tao  na nag-ambag kung bakit may diyos ay si aristotle at Aquinas. Kabilang naman sa mga kilalang kritiko na ito ay si Epicurus, Hume, at Russell. Ihahanay ko na rin dito ang atheista ng Pilipinas bilang isa sa mga kritiko, dahil tayo ay may mga orihinal na pagaaral din na kumokontra laban sa diyos. Ang tawag dito ay ang Bathala Cosmological Argument. Hindi ito hakahaka o ideya na galing lamang sa hangin. Itong mga prinsipyo na ito ay base sa mga gawain natin ng maraming taon.

Isa sa mga personal na aking pagaaral, napatunayan ko na pwedeng likhain ang mga bagay na hindi nangangailangan ng tao o ng diyos. Sa pamamagitan ng Bathala Kosmologikal base sa prinsipyo ng The Genie Effect kung saan ang unang parte ng prinsipyo na ito ay nagsasaad na ang lahat ng bagay ay nabubuo o nalilikha dahil may mga ibang bagay ang lumilikha o bumubuo nito. Ang pangalawang parte naman ng prinsipyo na ito ay ipapahayag ko sa ikatlong serye ng ating podcast.

Ang Argumento ng Genie ay madaling intindihin sa pamamagitan ng Bahay Kubo Kreasiyon Analogy. Kunyari lilikha tayo o bubuo tayo ng isang  silya, o di kaya kabinet, o isang bahay. Paano ba natin ito ginagaw. Siempre,  kailangan natin ng plywood, kahoy, haligi, pako, martilyo, lagare, at ng karpintero. Ang tawag sa lahat ng mga elemento na ito ay materyales. 

Liban sa materyales, kailangan din natin ng mga instruksiyones o paraan para buuin ito. Ito ay parang manual kung saan ang lahat ng alituntunin sa pagbuo ng isang bagay ay nakalagay. Halimbawa, sa paggawa ng bahay, kailangan umpisahan muna natin ang pundasyon nito. Tapos ang mga haligi o  frame nito ang susunod. Pagkatapos lilagay na natin ang plywood at kisame nito. at sa huli ang mga bintana, pintuan, at hagdan naman. Pagkatapos pipinturahan natin at papaggandahin ang lahat. Ang tawag sa mga sunod sunod na alintuntunin na mga ito ay paraan o instruksiyon.

Kaya para lumikha ng isang bagay, dalawang elemento ang dapat naddodoon: Materiyales at instruksiyones. Tandaan na  para makabuo ng isang bagay may proseso na lagi sinusunod.  

Ngayon kailangan ba ng tao o diyos para bumuo ng isang bagay? Kalingan ba ng isang tao o diyos para makabuo ng apoy? Kailangan ba ng tao o diyos para makabuo ng musika? Kaliangang ba ng tao o diyos, para makabuo ng dagat, kalawakan, at ng planeta?

Tandaan sabi sa Genie Effect, para makabuo ang isang bagay, may mga ibang bagay ang dapat naroroon para bumuo nito. Ang mga bagay na ito ay pwedeng hatiin o uriin bilang: materyales at instruksiyones.

Suriin natin paano nalilikha ang apoy. Para mabuo ang apoy may apat na elemeto ang dapat naroon: oxygen, init(heat), panggatong(fuel), at processo (chemical reactions). Kung isa sa mga elemento na ito ay wala, hindi ka makaabuo ng apoy. Ang mundo ay may kakayahan na lumikha ng apoy. Hindi ito tao o diyos pero may kakayahan ito na lumikha ng apoy dahil ang mundo ay may oxygen, may panggatong, may init, at may abilidad na mag processo ng mga ito para maging apoy. Ang oxygen, init, at pang-gatong ay ang mga materyales nakailangan para bumubuo ng apoy. At para maganap naman ito, ang mga instruksiyon na nakaloob at nasa paligid ng mga materyales nito ay siyang lilikha ng apoy. Dito makikita natin na di kailangan ng tao o ng diyos para lumikha ng apoy.

Ang musika ay hindi rin kailangan ng tao para likhain ang isang maganda kanta. Maraming mga bagay ang nagproproduce ng musika, kagaya ng alon, hangin, ulan, waterfalls, mga dahon, mga ibon at ingay ng mga insekto. Ang mga ito ay mga materyales na may kanya kanyang likas na instruksiyon sa kanilang sarili para gumawa ng kani kanilang tono at lumikha ng musika.

Ang pagbuo ng dagat ay hindi rin kailangan ng tao o ng diyos dahil ang Inang kalikasan ay may mga materyales at insrtuctions para makabuo ng dagat, planeta, at ng kalawakan.

Dito pinapakita natin, sa papamagitan ng prinsipyo ng The Genie Theory, ang lahat ng bagay ay pwedeng likhain o buuin na walang intervension mula sa tao o diyos. Ang lindol, bagyo, o pagsabog ng bulkan ay hindi gawa ng diyos o tao, kundi gawa ng mga elemento nito para mabuo o mangyari ang mga sakuna na ito.

Ang isa pang prinsipyo na ginamit ko dito ay ang The Marble Paradigm o ang Holen Effect. Ito ay nadikubre rin natin kung saan sa papamagitan ng ating dalawang elemento: materyales at instruksiyones, ang mundo, kalawakan, at ikaw mismo ay ang bumuo ng buong sanlibutan. Nakapagtataka di ba?

Halimbawa, mag-imagine tayo na may dalawang bagay lang ang umiiral noon bago nalikha ang lahat ng bagay: isang holen (ang materyal) at isang batas (ang instruksiyon). 

Para dumami ang holen, ito ay may likas na instruksiyon na nakaloob sa kanya. Ang instruksiyon na ito ay may directiba na sa bawat segundo, ang holen ay dapat bumuo ng isa pang holen.

Kung susundin nito ang instruksiyon, makikita natin na pagkatapos ng isang segundo, ang holen ay maggiging dalawa. Pagkatapos ng dalawang segundo, ang holen ay magiging apat. Pagkatapos ng tatlong segundo, ang apat ay magiging walo. At ang walo ay nagiging 16 and so forth and so on. Ngayon, pagkatapos ng isang bilyon bilyong taon, ang buong kalawakan o universe ay puno na ng mga holen kung saan ang mga holen na ito ay ang humubog o humigis ng buong kalawakan.

Dito makikita natin na ang buong universe ay nahubog ng walang nag disenyo. Ang hugis ng uniberse ay nabuo ng mga indibidwal na holen. Ang mga holen ang siyang nagdisenyo ng uniberse. Sila ang sanhi sa paghubog ng perimeter o palibot ng uniberse. Pero hindi sila ang nagdisenyo ng uniberso. At siyempre, hindi rin ang unang holen ang nagdisenyo ng uniberso.

Ang bawat holen ay sanhi kung bakit nabuo ang universe. Kung ang planetang Earth ay isa sa mga holen na ito, at ikaw ay produkto din ng mga holen  na ito, tama bang sabihin na ikaw rin ang humubog sa universe dahil naging bahagi ka ng proseso ng paglikha ng universe. Kung ganun, masasabi natin na ikaw ay isa sa mga lumikha ng kalawakan din natin.

Kaso, ang tanong: saan galing ang kaunaunahang holen at ang instruksiyon na dala dala nito?

Dito bibitinin ko muna kayo. Pero, paguusapan natin ang mga kasugatan nito at ang kalawang prinsipyo ng the Genie Effect sa ikatlong serye pagkatapos ko ilahad ang ibat ibang argumento laban sa diyos. Kaya ko gagawin ito, para maintindihan ninyo muna ang mga ibat ibang prinsipyo at proseso na natuklasan ko para maintindihan ninyo mabuti ang konsepto ng the Genie Effect at bago tayo pumunta sa Theory of Everything . Ibabahagi ko rin sa inyo ang mga resulta at theoriya ng aking mga nadiskrobre sa aking mga personal na experimento para makita ninyo na lahat na sinsabi ko dito ay hindi gawagawa lamang. Ito lahat ay  mga orihinal na sariling atin, gawang pilipinas!

Dito, napatunayan natin na ang isang bagay ay pwedeng likhain o mabuo na hindi nangangailanagn ng diyos o ng tao. Dalawang elemento lamang ang kailangan para lumikha ng isang bagay: ang materyales at ang instruksiyones. Dahil dito ang diyos ay puwedeng mabuo ng ibang bagay ayon sa Genie Effect. Itong mga ibang bagay na ito ay binubuo ng mga materyales at instruksiyones, at ang lahat na ito ay dadaan sa isang proseso para mabuo.

Dahil sa prinsipyo na ito, para mabuo ang diyos, may mga bagay ang dapat nauna sa kanya: ang materyales, ang mga instruksiyones, at ang proseso para buuin siya. Kung may magic naman ang diyos, kagaya ng panininwala ng maraming fanatiko ng relihiyon, kailangan nya pa rin ng diyos ang tatlong mga bagay na ito. Kung isa sa mga elemento na nasabi ay wala, ang diyos ay di pwedeng likhain.
 
Sa susunod naman na episode paguusapan naman natin ang argumento ng disenyo o fine tuning kung saan sinasabi na ang mga batas ng kalikasan at ng kalawakan ay maayos na linikha na nagsilbing gabay para magkaraon ng buhay. Dahil sa ideya na ito, ang batas at mga kondition na ito ay may lumikha. At ang lumikha nito ay ang diyos.

 Ito'y nakaugat sa prinsipyo ng sapat na dahilan, na nagsasabing ang lahat ay dapat may paliwanag o dahilan para sa pag-iral nito. Ang argumentong ito ay may malalim na kasaysayan, kasama ang mga tulad nina Aristotle, Thomas Aquinas, at kamakailan lamang, William Lane Craig, na nag-ambag sa pag-unlad nito. 

Ang mga kritiko ng cosmological argument ay madalas na nagtuturo ng ilang mga pagtutol, tulad ng pagtanong sa pagtalon mula sa pagtukoy ng isang unang sanhi patungo sa pagtukoy sa sanhi na ito bilang Diyos, o hinahamon ang pangangailangan ng isang unang sanhi. Ang iba ay nagsasabi na maaaring ang uniberso ay self-causing o na ang konsepto ng pagdudulot mismo ay maaaring hindi angkop sa uniberso sa kabuuan. Sa kabila ng mga kritikong ito, ang cosmological argument ay nananatiling isang sentral na paksa ng talakayan, na naglalarawan ng walang hanggang pagsisikap ng tao na maunawaan ang pinagmulan ng pag-iral at ang posibilidad ng isang mataas na kapangyarihan.

Mga Kritiko ng Bibliya:

Ang bersyon ni Aristotle ng cosmological argument ay nakatuon sa konsepto ng "Unmoved Mover." Sinabi niya na ang lahat ng nasa galaw ay kailangang mapagalaw ng ibang bagay, at upang maiwasan ang walang katapusang kadena ng mga tagapagpagalaw, kailangang mayroong isang unang, hindi naigagalaw na tagapagpagalaw na nagsimula ng lahat. Ang pangunahing tagapagpagalaw na ito, ayon kay Aristotle, ay walang hanggan, hindi nagbabago, at kinakailangan para sa pag-iral ng kosmos.

Aristotle: Ipinanukala niya ang ideya ng isang "unang nagpaandar" o "walang sanhi na sanhi" na nagpasimula sa paglikha ng uniberso.

Si Thomas Aquinas ay pinalawak ang mga ideya ni Aristotle sa kanyang "Five Ways," na limang patunay para sa pag-iral ng Diyos. Ang unang tatlong paraan niya ay cosmological. Ang una ay nagpapakita ng pangangailangan ng isang pangunahing tagapagpagalaw (katulad ng unmoved mover ni Aristotle), ang ikalawa para sa isang unang sanhi (ang bawat epekto ay may sanhi, at kailangang may isang unang walang sanhi na sanhi), at ang ikatlo para sa isang kinakailangang nilalang (isang nilalang na ang pag-iral ay hindi nakadepende sa kahit ano pa at dahil dito’y kailangang mag-iral). Naniniwala si Aquinas na ang kinakailangang nilalang na ito ay Diyos.

St. Thomas Aquinas: Pinaunlad niya ang mga ideya ni Aristotle at ipinresenta ang tanyag na "Limang Paraan" upang ipakita ang pag-iral ng Diyos, kabilang ang kosmolohikal na argumento.

Sa mas kontemporaryong talakayan, ang Kalam cosmological argument, na pinalaganap ni William Lane Craig, ay nagdaragdag ng temporal na dimensyon sa argumentong ito. Ito ay nagsasaad na ang uniberso ay may simula at dahil dito ay dapat magkaroon ng sanhi. Ang Kalam argument ay nakabalangkas ng ganito: 1) Ang lahat ng nagsisimulang mag-iral ay may sanhi. 2) Ang uniberso ay nagsimula ng pag-iral. 3) Samakatuwid, ang uniberso ay may sanhi. Ang sanhi na ito, ayon kay Craig, ay dapat lampas sa espasyo at oras, napakamakapangyarihan, at personal upang piliin na likhain ang uniberso.

Avicenna (Ib Sina): Isang pilosopong Islamiko na nagdebelop din ng bersyon ng kosmolohikal na argumento para sa pag-iral ng Diyos.

Epicurus: Kilala sa problema ng kasamaan, tinanong niya kung paano maaaring pahintulutan ng isang makapangyarihan at mabait na Diyos ang kasamaan na umiral.

David Hume: Kinritiko niya ang kosmolohikal na argumento sa pamamagitan ng pagtatanong sa pangangailangan ng isang sanhi para sa uniberso.

Bertrand Russell: Tinanggihan niya ang pangangailangan ng isang lumikha, na nagmumungkahi na ang uniberso ay maaaring magtaguyod ng sarili.

Mga ibang Kontra-Argumento:

1. Argumento ng Walang Katapusang Pagkakasunod-sunod: Ang mga kritiko ay nag-aargyumento na kung ang bawat epekto ay dapat may dahilan, ito rin ay dapat na ilapat sa Unang Sanhi, na humahantong sa isang walang katapusang pagkakasunod-sunod na walang panghuli ng pinagmulan.

2. Quantum Mechanics: Ang quantum physics ay nagpapahiwatig na ang ilang mga kaganapan sa antas ng quantum ay tila nagaganap nang walang tiyak na dahilan, na nagpapahirap sa paniwala na ang lahat ay dapat may dahilan.

3. Paradox ng Pagkakaroon ng Sarili: Kung ang uniberso ay nangangailangan ng isang paliwanag para sa pag-iral nito, bakit hindi nangangailangan ang Unang Sanhi (hal., Diyos) ng paliwanag para sa sariling pag-iral nito? Ang argumento ay tinitingnan bilang pagpili na inilalapat ang prinsipyo ng sanhi-at-bunga.

4. Ibang Paliwanag: Ang iba ay nagmumungkahi na ang uniberso ay maaaring walang hanggan o may ibang uri ng pinagmulan na hindi nangangailangan ng Unang Sanhi, tulad ng teorya ng multiverse.

5. Logical Fallacy: Ang ilang mga pilosopo ay nag-aargyumento na ang cosmological argument ay nagsasagawa ng isang pagkakamali sa kategorya sa pamamagitan ng paglalapat ng sanhi-at-bunga, na napansin sa loob ng uniberso, sa uniberso bilang isang kabuuan.

6. Anthropic Principle: Ang prinsipyong ito ay nagsasabi na ang mga kondisyon ng uniberso ay tulad ng mga ito sapagkat kung hindi, hindi tayo naririto upang mapansin ito. Hindi ito kinakailangang nagpapahiwatig ng Unang Sanhi.



The Voice of Philippine Atheism.
-----------------------------------------
Tungkol kay Atheista ng Pilipinas:
 
Ang pangalang Atheista ng Pilipinas ay isang simbolong pangalan o pen name ng may akda. Siya ay isang guro, inyehero, at manunulat. Isa siya sa mga sumulat ng libro sa physics na ginagamit ng mga estudyante sa pilipinas. Siya ang nagtatatag ng The Voice of Philippine Atheism (Boses ng Atheismo sa Pilipinas) noong 2000. Siya rin ay sumulat ng ibat ibang libro sa pilosopiya, relihiyon, teknolohiya, at siyensiya na makikita nyo sa amazon.
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Disclaimer: Ang mga artikulo sa The Voice of Philippine Atheism ay inilaan para sa balanseng edukasyon. Dahil ang site na ito ay patuloy na iniedit, inaupdate at pinagbubuti, inirerekumenda ko na bumalik madalas para sa mga bagong item. Kung nais nyong gamitin ang anumang bagay dito para sa layunin ng pantas na talakayan o di kaya sa malalim na pagreresearch, mangyaring ipagbigay-alam sa may-akda sa pamamagitan ng email o banggitin ang site sa format na ito: 
* In-text citation: (Atheista ng Pilipinas, 1975)
* Reference List: Atheista (1975). Bibliya: Ebidensya Laban Sa Diyos. Philippines.
* Website: Atheista (2000). Bakit Walang Diyos. https://voiceofphilippineatheism.blogspot.com

Tags: The Voice of Philippine Atheism, atheist, pinoy atheist, atheism, pinoy atheismo, Philippine Atheism, Filipino Atheists, Atheista ng Pilipinas



#atheists_of_the_philippines #trendvids #number_one #trend #positive_influencer #exposed #viral #dislike #atheista_ng_pilipinas #voice_of_philippine_atheism #atheism #god #jesus_christ #arguments_against_god 


"Huwag mong ihalintulad ang iyong mga paniniwala sa kaalaman, maliban kung mayroon ka talagang kaalaman sa iyong mga paniniwala." (Dont confuse your beliefs with knowledge, unless you have knowledge of your beliefs).


No comments:

Post a Comment