Sa mga naunang mga episodes, pinatunayan natin na ang bibliya ay galing sa Judaismo, dinagdagan ito ng mga katoliko, at kinopya naman ng mga Islam. Itong tatlong sinaunang grupo na ito ay ang kauna unahanag tunay na mga relihiyon na sumasamba sa diyos ni abraham, jacob, at moses noon. Kung ang relihiyon mo ay hindi isa dito sa tatlo, malaking posibilidad na peke ang relihiyon mo, peke ang simbahan mo, at peke ang diyos na sinasamba mo. Kung wala naman sa listahan ang simbahan mo na makikita sa episode #5, malamang hindi lang peke ang simbahan mo , naiskam ka rin ng pastor mo. Tandaan ang kristiyano at katoliko ay magkaiba. Kaya lahat ng kristiyano na hindi katoliko ay malamang na isusumpa ng diyos.
Kaya kung ikaw ay naniniwala sa diyos siguraduhin mo na isa sa tatlong relihiyon na ito ay ang iyong sinasambahan at kundi malaking posibilidad na ikaw ang pupunta sa impiyerno. Magisip ka kabayan.
Sa episode na ito tatalakayin naman natin kung si hesukristo ba ay talagang anak ng diyos?
Sinabi natin na ang bibliya ng katoliko ay dinagdag mula sa orihinal na bibliya ng Judiasmo. Isa sa maraming dinagdag ng katoliko sa bibliya ay ang konspeto na si kristo ay ang messiah at anak ng diyos.
Kaso nakapagtataka, sa tatlong relihiyon kung saan nagmula ang bibliya, ang judaismo at islam ay hindi naniniwala na si kristo ay ang messiah at anak ng diyos. Dahil sa dalawang ebidensiya na ito, na parehong namumuhay sa parehong panahon noon ay nagpapatunay lamang na si kristo ay hindi ang messiah at anak ng diyos. Ang katoliko lamang ang naniniwala dito dahil sila ang nagdagdag kay kristo sa bibliya.
Subalit, kahit sila ang nagdadag kay kristo sa bibliya, hindi nila sinabi na si kristo ay anak ng diyos dahil hindi papayag ang hari noon na may mas mataas pa sa kanya.
Kaya kung babasahin ninyo ng maigi ang bibilya ng kabuuan, makikita nyo na ang mga tao lamang noon sa paligid ni kristo ang nagsasabi na siya ay anak ng diyos at hindi si kristo mismo.
Tignan natin ang mga ebidensiya sa bibliya:,
Sa Mateo 26:64, inamin ni Jesus na siya ang Anak ng Tao. At sa Juan 10:29-30, inamin ni Jesus na siya mismo ang Diyos. Pero, walang talata sa Bibliya na nagsasabing inamin ni Jesus na siya ay ang Anak ng Diyos.
Sa Mateo 3:17 at Marcos 1:11, hindi ipinahayag ni Jesus na siya ang Anak ng Diyos, kundi isang "tinig mula sa langit" (isang bagay na supernatural) ang nagbigay ng titulo na ito sa kanya
Sa Hebreo 7:3 naman, hindi si Jesus ang tinutukoy dito kundi si Melquisedec na pinaniniwalaang anak din ng Diyos.
Sa Mateo 26:63 -- "sinabi ng mataas na pari kay kristo, na sabihin niya sa lahat kung siya ba ang Cristo, ang Anak ng Diyos." - dito, tinanong siya ng mataas na pari kung siya ang anak ng Diyos. Dito, akala ko sasagot si Jesus na siya ang anak ng Diyos, ngunit sa susunod na talata, HINDI NIYA SINABI ITO!
Sa Mateo 26:64 -- Sinabi ni Jesus sa kanya: Sinabi mo yan. Gayunpaman, sinasabi ko sa inyo, mula ngayon makikita ninyo ang Anak ng tao na nakaupo sa kanang kamay ng kapangyarihan ng Diyos at dumarating sa mga ulap ng langit. - Dito, simpleng sinabi ni Jesus, "Ikaw ang nagsabi nyan, hindi ako".
Sa Juan 3:16 "Sapagkat gayon na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sanlibutan, ibinigay Niya ang Kanyang bugtong na Anak, upang ang sinumang sumampalataya sa Kanya ay hindi mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan."
Dito hindi sinasabi na si Jesus ay ang anak ng Diyos. Ang kwento ay isang pag-uusap sa pagitan ni Jesus at Nicodemos kung saan ipinapahayag ni Jesus na ang Diyos ay magpapadala ng Kanyang anak upang iligtas ang mundo. Pero hindi niya sinabi na sino ang anak ng diyos.
Sa Juan 10:22-42, dito, si Jesus ay simpleng nagtatanong lamang tungkol sa sinasabi ng ibang tao tungkol sa kanya. Hindi sinabi ni Jesus na siya ay anak ng Diyos, ngunit inulit lamang niya ang iniisip ng ibang tao tungkol sa kanya sa pamamagitan ng pagtatanong kung "Ikaw ba'y anak ng Diyos?
Sa episode na ito, pinatunayan natin na si kristo ay hindi ang anak ng diyos sa kadahilanan na may dalawang simbahan noon na di naniniwala na si kisto ay anak ng diyos. Ito ang judaismo kung saan nagmula ang orihinal na bibliya at ang Islam kung saan hindi naniniwala na may anak ang diyos. Pinakita rin natin sa pamamagitan ng mga berisuklo sa bibilya na hindi inamin ni kristo na siya ay ang anak ng diyos.
Sa susunod na episode tatalakayin naman natin: Kung puwede bang likhain ang isang bagay na walang lumilikha o bumubuo nito. Posible bang likhain ang batas na walang lumikha o sumulat nito. Puwedeng bang likhain ang isang bagay ng isang bagay na walang namamagitan na pisikal na linalang o tao?
Sa kabuodan ng ating mga tinalakay sa podcast na ito, mula noon unang episode hanggang ngayon, pinatunayan natin na walang diyos base sa ating mga tinalakay na ebidensiya, kagaya ng
1. Ang pagkabuo ng bibliya na makikita sa episode #4
2. Ang tunay na simbahan ng diyos at ang mga pekeng simbahan ay makikita sa episode #5
3. Ang orihinal na bibliya at ang orihinal na pagtuturo nito ay makikita sa #6,7,8
4. Ang mga mali, dagdag, at kasinungalingan sa bibliya nito na makikita sa episode #9
5. Ang pangalang Jesu Kristo ay wala sa bibliya, ang paliwanag ay nasa episode #10.
6. Si jesus ay hindi ang tunay mesiyas, ang paliwanag ay nasa episode 11.
7. Ang kabastusan ni Jesus ay makikita sa episode #12
8. Ang tunay na anyo ni kristo ay makikita sa episode #13
9. Ang mga kasamaan ng diyos ay tinatalakay sa episode #14.
10. Sino o Ano ang lumikha sa diyos ay matutunghayan sa episode #15.
11. Ang diyos ba ay babae o lalaki ay na nasa episode #16.
12. Ang mundo daw ay sentro ng universe ay nasa episode #17.
13. Bakit ang tao ay walang kaluluwa ay nasa episode #18.
14. Bakit walang langit ay nasa episode #19.
15. Saan nakalagay ang marka ng diyos ay nasa episode #20.
16. UFO papunta sa langit ay nasa episode #21.
17. Kristo hindi anaka ng diyos ay nasa episode #22.

#
The Voice of Philippine Atheism.-----------------------------------------
Tungkol kay Atheista ng Pilipinas:
Ang pangalang Atheista ng Pilipinas ay isang simbolong pangalan o pen name ng may akda. Siya ay isang guro, inyehero, at manunulat. Isa siya sa mga sumulat ng libro sa physics na ginagamit ng mga estudyante sa pilipinas. Siya ang nagtatatag ng The Voice of Philippine Atheism (Boses ng Atheismo sa Pilipinas) noong 2000. Siya rin ay sumulat ng ibat ibang libro sa pilosopiya, relihiyon, teknolohiya, at siyensiya na makikita nyo sa amazon.
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Disclaimer: Ang mga artikulo sa The Voice of Philippine Atheism ay inilaan para sa balanseng edukasyon. Dahil ang site na ito ay patuloy na iniedit, inaupdate at pinagbubuti, inirerekumenda ko na bumalik madalas para sa mga bagong item. Kung nais nyong gamitin ang anumang bagay dito para sa layunin ng pantas na talakayan o di kaya sa malalim na pagreresearch, mangyaring ipagbigay-alam sa may-akda sa pamamagitan ng email o banggitin ang site sa format na ito: * In-text citation: (Atheista ng Pilipinas, 1975)
* Reference List: Atheista (1975). Bibliya: Ebidensya Bakit Walang Diyos. Philippines.
* Website: Atheista (2000). Bakit Walang Diyos. https://voiceofphilippineatheism.blogspot.com
Tags: The Voice of Philippine Atheism, atheist, pinoy atheist, atheism, pinoy atheismo, Philippine Atheism, Filipino Atheists, Atheista ng Pilipinas

#atheists_of_the_philippines #trendvids #number_one #trend #positive_influencer #exposed #viral #dislike #atheista_ng_pilipinas #voice_of_philippine_atheism #atheism #god #jesus_christ #arguments_against_god
No comments:
Post a Comment