Thursday, August 10, 2000

Bakit walang diyos?

Bakit walang diyos?

Sa artikulo na ito ilalahad natin ang mga ebidensiya na nagpapatunay kung bakit walang diyos.

Iimbistigahan natin unang-una ang pangunahing karakter sa bibliya kagaya ni Jesus, ang mukha nito, ang lahi nito, ang tunay na pangalan nito, kung anak ba siya ng diyos, kung siya ba ang tunay na messiah na nakasaad sa lumang tipan, kung siya ba ay isang tao na mapagkumbaba, at kung ang istorya niya sa bibliya ay totoo. Pangalawa, susuriin nating mabuti kung ang bibliya ba ay may mga pagkakamali, mga kotradiksiyons, at mga maling pagsalin mula sa ibat ibang salita. At panghuli, bubusisiin natin kung ang diyos ba ay makapangyarihan, matalino, perpekto, at di masamang diyos. Ang diyos ba ay maykasarian, may mukha ba, may simula, at may katpusan ba.

Bukod sa mga ito, ilalahad ko rin ang mga ibat ibang argumento tungkol sa diyos, kagaya ng:
1. The Ontological Argument
2. The teleological arguments 
3. The Cosmological Argument
4. The problem of evil
5. Argument from Ignorance

At sa huli, ibabahagi ko rin sa inyo ang aking mga personal na experimento sa siyensiya, matimatika, philisopiya, at teknolohiya na magpapatunay kung bakit walang diyos. Sa mga pananaliksik na ito ibabahagi ko kung paaano ang inpormasiyon ay naisasalin  mula sa isang species patungo sa isa pang species. Ipapakita ko rin bakit na ang lahat ng mga bagay ay may likas na informasiyon na nakabaon sa kanilang mga sarili base sa kanilang disenyo at oryentasyon. Patutunayan ko rin kung paano ang isang bagay ay buhay, nabubuhay, at may buhay sa pamamagitan ng teknolohiya. At sa huli, paguusapan natin kung bakit ang materyales at instruksioyon ay pangunahing kailangan para ang isang bagay ay mabuo.

Sa kabuuan, ang mga ebidensiya na aking nabanggit dito ay ang aking gabay na magpapatunay kung bakit walang diyos. Mula sa unang artikulo hanggang sa huli, pinatunayan natin na ang diyos ay hindi totoo base sa mga sumusunod na ebidensiya:

1. Ang Pagkabuo ng bibliya at ang mga laman nito na makikita sa artikulo #4
2. Ang tunay na simbahan ng diyos at ang mga founders nito na makikita sa artikulo #5
3. Ang Doktrina ng Katoliko laban sa Judaismo nito na makikita sa #6,7,8
4. Ang mga mali, dagdag, at kasinungalingan sa bibliya nito na makikita sa artikulo #9
5. Ang pangalang Jesu Kristo ay wala sa bibliya, ang paliwanag ay nasa artikulo #10.
6. Si jesus ay hindi ang tunay mesiyas, ang paliwanag ay nasa artikulo 11.
7. Ang kabastusan ni Jesus ay makikita sa artikulo #12
8. Ang tunay na anyo ni kristo ay makikita sa artikulo #13
9. Ang mga kasamaan ng diyos ay tinatalakay sa artikulo #14
10. Ang lumikha sa diyos ay matutunghayan sa artikulo #15.



The Voice of Philippine Atheism.
-----------------------------------------
Tungkol kay Atheista ng Pilipinas:
 
Ang pangalang Atheista ng Pilipinas ay isang simbolong pangalan o pen name ng may akda. Siya ay isang guro, inyehero, at manunulat. Isa siya sa mga sumulat ng libro sa physics na ginagamit ng mga estudyante sa pilipinas. Siya ang nagtatatag ng The Voice of Philippine Atheism (Boses ng Atheismo sa Pilipinas) noong 2000. Siya rin ay sumulat ng ibat ibang libro sa pilosopiya, relihiyon, teknolohiya, at siyensiya na makikita nyo sa amazon.
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Disclaimer: Ang mga artikulo sa The Voice of Philippine Atheism ay inilaan para sa balanseng edukasyon. Dahil ang site na ito ay patuloy na iniedit, inaupdate at pinagbubuti, inirerekumenda ko na bumalik madalas para sa mga bagong item. Kung nais nyong gamitin ang anumang bagay dito para sa layunin ng pantas na talakayan o di kaya sa malalim na pagreresearch, mangyaring ipagbigay-alam sa may-akda sa pamamagitan ng email o banggitin ang site sa format na ito: 
* In-text citation: (Atheista ng Pilipinas, 1975)
* Reference List: Atheista (1975). Bibliya: Ebidensya Bakit Walang Diyos. Philippines.
* Website: Atheista (2000). Bakit Walang Diyos. https://voiceofphilippineatheism.blogspot.com

Tags: The Voice of Philippine Atheism, atheist, pinoy atheist, atheism, pinoy atheismo, Philippine Atheism, Filipino Atheists, Atheista ng Pilipinas

#atheists_of_the_philippines #trendvids #number_one #trend #positive_influencer #exposed #viral #dislike #atheista_ng_pilipinas #voice_of_philippine_atheism #atheism #god #jesus_christ #arguments_against_god 



No comments:

Post a Comment