Sa episode na ito, paguusapan naman natin ang Argumento ng Moralidad o Ethical Argument. Ito ay isang pilosopikal na argumento na nagsasaad na ang tao ay mayroong moralidad dahil pinapaniwalaang na ang diyos na may moral ang nagbigay ng mga ito.
Kabilang sa mga moralidad na bibigay ng diyos ay ang Sampung Kautusan o ang Ten Commandments (Exodo 20:1-17), kagaya ng huwag magnanakaw, huwag magsisinungaling, huwag maniwala sa ibang diyos, igalang ang iyong mga magulang, gamitin mo ang tamang bibilya.
Isa pa rito ay ang Ginintuang Batas (Golden Rule) - "Huwag mong gawin sa iba ang ayaw mong gawin nila sa iyo; at ibigin mo ang iyong kapwa tulad ng iyong sarili." (Mateo 7:12), (Mateo 22:37-40).
Ang Parabula ng Mabuting Samaritano (The Good Samaritan) - Nagtuturo na tayo ay mahabag at tulungan ang iba lalo na sa mga taong nangangailangan, kahit na ang mga taong ito ay may ibang paniniwala, ibang lahi, o nasa ibang katayuan (Lucas 10:25-37).
Kaso ang ideya ng mga moralidad na ito ay hindi unibersal dahil may mga kultura na may kani kanilang moralidad na maaring masama sa mata ng ibang tao pero para sa kanila ito ay tama.
Dahil maraming bansa na may ibat ibang kultura na non-religious kagaya ng Japan, Vietnam, Sweden na di naniniwala sa diyos na may sariling batsa tungkol sa moralidad. May mga kultura na religious naman na hindi naniniwala sa diyos gaya ng Buddhismo, Taoismo, Jainismo, at confusianismo na may kanya ring batas ng moralidad. May mga bansa din na tinatawag na sekular, o mga bansa na walang opisyal na relihiyon, na neutral pagdating sa relihiyon o ang pagtangap ng ibat ibang relihiyon sa kanilang bansa, kagaya ng US, Canada, China, New Zealand, Singapore, Colombia, Indonesia, at Pilipinas. Kaso dito sa pilipinas maraming mga opisyal sa gobyerno ang hindi nakakaintindi na sekular din tayo. Ang Pilipinas ay hindi lang katolikong bansa. Ito ay kristiyanong bansa din, muslim na bansa din, at bansa ng ibat ibang relihiyon.
Ngayon ano ano ang mga moralidad na ito na ok sa isang bansa pero di ok sa ibang bansa.
Kagaya sa bibliya, sa lumang tipan, sina Abraham, Jacob, David, at Solomon ay mayroong maraming asawa. Ngayon mga panahon na ito, may mga kultura din na ito ay pinapayagan pa rin. May mga kultura rin ngayon na pumapayag sa pagaasawa ng magpipinsan, magtiyo, o magkamaganak para umusbong pa ang kanilang pamilya dahil sa yaman. Ang pagpatay sa sarili upang manatili ang karangalan ng pamilya. Ang pagtuli sa mga babae. Ang kanibalismo, o ang pagpatay at pagkain sa tao ay hindi masama sa ibang kultura din.
Dito, makikita na natin na ang moralidad ay dipende sa kultura ng tao at hindi dahil sa may diyos, May mga kultura na non-religious o hindi naniniwala diyos na may sarling batas din tungkol sa moralidad. Kaya ang ideya na ang moralidad ay galing sa diyos ay isang malaking maling akala.
Ngayon, kung ang diyos, na makapangyarihan sa lahat, may alam sa lahat, at isang moral na diyos ay pinagmulan ng moralidad, bakit napakaraming kawalanghiyaan, kasamaan, at immoralidad sa mundo pa rin hanggang ngayon. Dahil ito ay kagagawan ng bibliya. Ang bibliya ang nagbigay ng kasamaan sa mundo dahil ang bibliya mismo ay punong puno ng mga immoralidad, kagaya ng:
2. Adultery - Pakikiapid (Exodus 20:14).
3. Theft - pagnanakaw (Exodus 20:15).
4. Lying - pagsisinungaling (Exodus 20:16).
5. Coveting - Pagnanasa (Exodus 20:17).
6. Murder - pagpatay (Exodus 20:13).
7. Dishonoring Parents - pagsuway sa magulang (Exodus 20:12).
8. Greed - kasakiman (1 Timothy 6:10).
9. Drunkenness - paglalasing (Ephesians 5:18).
3. Pride - kayabangan (Proverbs 16:18).
4. Gluttony - katakawan (Proverbs 23:20-21).
6. Sloth - katamaran (Proverbs 19:15).
7. Gossip - tsismis (Proverbs 20:19).
8. Sorcery - pangagaway (Galatians 5:20).
2. Envy - inggit (Galatians 5:21).
5. Anger - galit (Matthew 5:22).
9. Deceit - panloloko (Jeremiah 9:5).
10. Injustice - Kawalang katarungan (Isaiah 10:1-2).
Ang pagsuway nina Adam at Eba sa diyos. (Genesis 3).
Ang pagpatay ni Cain sa kanyang kapatid na si Abel (Genesis 4:1-16).
Ang pagpatay ng diyos sa lahat ng tao maliban kay Noah (Genesis 6-9).
Ang pagpatay sa lahat ng sanggol sa bethlehem (Matthew 2:16-18).
Ang pagwasak ni Moses sa isang tribo (Midianites) sa utos ng diyos (Numbers 31), (1 Samuel 15).
Ang pagkanulo ni Pedro kay Hesus (Luke 22:54-62).
Ang pagputol ng ulo ni John the Baptist (Mark 6:17-29).
Ang pakikipagtalik ng mga anak na babae sa kanilang tatay na si Lot (Genesis 19:30-38).
Ang pagsakripisyo ni Abraham sa anak na si Isaac dahil ito ay utos ng diyos (Genesis 22).
Ang sampung salot at pagpatay sa mga panganay na sanggol dahil sa utos ng diyos (Exodus 7-12).
Ang pagubos sa mga tao sa Canaan dahil sa utos ng diyos(Deuteronomy 20:16-18).
Ang pagmumura ni Hesus sa isang puno dahil ito ay di namumunga (Mark 11:12-14, 20-21).
Ang pagkaroon ng bulutong ni Job na ginawa ni satanas dahil utos ito ng diyos (Job 1-2).
Sa bibliya makikita natin na bilyong bilyong mga tao, hayop, halaman, ang pinatay ng diyos. Samantala si santanas ay hindi man lang pumatay ni kahit isang tao sa bibliya. Kung meron man, ito ay ang pagpinsala nya kay job na utos ng kanyang diyos.
Hindi ninyo ba naisip kung ang langit ay maganda, bakit si lucifer ay umalis sa langit. Hindi kaya, hindi siya naniniwala sa kagalingan ng diyos. Hindi ko alam na ang langit pala ay may awayan din. Akala ko ito ay isang paraiso.
Kaya kung paguusapan natin ang tungkol sa moralidad, ang moralidad ay hindi galing sa diyos. Ang moralidad ay galing sa ating mga nanay dahil sila ang una nating kinagisnan ng tayo ay ipinanganak . Ang ating mga nanay ay ang orihinal o ang kauna unahang na nagbigay ng moralidad sa ating lahat. Ang unang moralidad na nakuha natin sa ating mga ina ay ang pagmamahal. Ito ay una nating naramdaman ng tayo ay nakakalong sa kanilang mga bisig. Ang pangalawa ay pagaasikaso o pangangalaga. Dito, inalagaan tayo ng buong puso, iningatan tayo ng lubusan, inasikaso tayo ng busilak, at ginabayan tayo patungo sa mabuting asal; kung ano ang tama o mali. Ito ang mga unang aral ng moralidad na natutuhan natin sa ating mga nanay: ang pagmamahal (o Love) at pangagngalaga (o Care). Ang Love at Care ay galing sa ating mga nanay at hindi mula sa diyos.
Ito po ay akin rin nadiskubre sa aking mga personal na pagaaral, kung saan ang dalawang aso na magkaiba ay kakayahan na maging isang mabuting aso na hindi kailangan na may diyos.

Tags: The Voice of Philippine Atheism, atheist, pinoy atheist, atheism, pinoy atheismo, Philippine Atheism, Filipino Atheists, Atheista ng Pilipinas

No comments:
Post a Comment