Friday, August 16, 2024

Diyos: Lalaki o Babae

Sa episode naman na ito, tatalakayin natin kung paano nabuo ang idea na may diyos. Paguusap din natin kung ang diyos ba ay lalaki, babae, tomboy, o bakla. 

Bago natin patunayan kung ang diyos ba ay lalaki o babae pagukulan muna natin ng pansin kung saan ba nang galing ang ideya o konsepto na may diyos.

Sa aking mga personal na eksperimento, napatunayan ko na lahat ng ideya na nabuo ng tao ay may orihinal na pinagmulan. Ang mga ideya na ito ay makukuha lamang sa dalawa at dalawang paraan, sa pamamagitan ng pagaaral o sa pagdiskubre. Subalit sa kabuuan, ang mga ideya ay orihinal na ng gagaling sa ating kapaligiran o environment, partikular na sa ating inang kalikasan.

Kagaya ng ideya na may diyos, ito ay galing din sa ating kalikasan.

Noong mga unang panahon, ang mga sina-unang tao ay naniniwala na ang kalikasan ay namumugaran ng mga espiritu na nangangasiwa ng buong sanlibutan. Ang konsepto ng mga espiritu ng kalikasan ay nagsimula nang ang tao ay tumingin sa langit at nadiskubre ang haring araw, ang ulan, ang kulog, at kidlat. Gayun din ang buwan at bituin na nagbibigay daan kung kailan ang taglamig at tag-ani. Pati rin ang puot ng bulkan at lindol sa lupa na kinakatakutan ng nakakarami.

Itong mga kapangyarihan ng kalikasan ay ang daan na nagbigay sa ibat ibang uri ng diyos at diyosa noon. Para payapain ang mga diyos na ito kung sila ay galit, ang mga unang tao noon ay nagsasakripisyo ng mga hayop o nang birheng bata o babae para lang hindi magalit ang mga diyos at diyosa ng kalikasan sa kanila.

Ng naging sibilisado na ang mga tao, ang mga diyos at diyosa na ito ay nagkaroon na kanya kanyang mga pangalan.  Ang diyos ng kulog, kidlat, at ulan ay pinangalanan na Zeus ng mga griyego.  Ang diyos ng dagat ay si Poseidon. Si Hades naman ay ang diyos ng kadiliman. Si Demeter, ang diyosa ng anihan, Poseidon ang diyos ng dagat at lindol, at si Apollo ang anak ng diyos.

Nang naging matalino at makapangyarihan na ang mga tao noon, ang mga diyos at diyosa na ito ay naging inspirasyon ng mga pari at hari at sa paglipas ng maraming panahon sila ay naging mga diyos din. Subalit kahit sila ay makapangyarihan, ang kapangyarihan ng kalikasan ay hindi nila makontrol. Dito nagmula ang ideya na may isang uri na nilalang na mayroong supernatural na kapangyarihan mas higit pa sa kanila. Dito nabuo ang ideya na may diyos.

Ngayon, ang tanong: ang Diyos ba ay lalaki o babae? 

Sa Katoliko, ang Diyos ay isang lalaki. Kaya makikita ninyo na ang litrato o imahin ng diyos sa kani- kanilang mga altar sa bahay o simbahan ay isang lalaki. Sa bibliya, itinuturo nito na wala kasarian ang Diyos dahil wala itong pisikal na katawan. Ang paggamit na ang diyos ay lalaki ay simbolikong pagsasalarawan lamang at hindi ito nagpapahiwatig ng biyolohikal na kasarian. Pero, ito ay hindi totoo, dahil sa bibliya makikita mo na ang diyos ay isang babae din.

Sa mga unang panahon ng klasikal na relihiyon, ang diyos ay walang kasarian dahil imposible para sa Diyos na magkaroon ng pisikal na katawan. Subalit, ang Diyos ay tinaguriang lalaki sa kadahilanan na ang mga sumulat ng bibliya noon ay nasasakop ng kultura na kung saan ang kalalakihan ay ang  nagdodomina sa mga babae at sa pamamalakad ng buhay.

Sa kabuodan, bagamat pahayaw na sinabi sa Bibliya na ang diyos ay isang babae, ito ay hindi tumugma sa pananaw na ang diyos ay walang kasarian. Dahil dito, pinapatunayan lamang na wala talagang nakaka-alam kung ang diyos ba ay babae o lalaki. Subalit 100 percent ng mga namamalampalataya sa diyos ay naniniwala na ito ay lalaki base sa litrato na nakikita nila sa kanilang mga altar.

Sa episode na ito, napatunayan natin, na ang ideya ng diyos ay galing sa inang kalikasan. Ang kulog, kidlat, lindol, araw, buwan ay tinaguriang mga diyos noong unang mga panahon. Nang ang tao ay naging matalino at makapangyarihan, siya ay naging diyos din. Subalit ng hindi nya ma-kontrol ang kapangyarihan ng  kalikasan, napag-isip isip nya na may isang uri na nilalang na mas makapangyarihan pa sa kanya. Dito na buo ang konsepto ng diyos. 

Ang kasarian ng diyos ay itinukoy sa bibliya na ito ayisang  babae. Subalit dahil ang relihiyon noong mga panahon na yon ay dominado ng mga kalalakihan, pininita nila ang diyos na isang lalaki. Dahil dito, ang pagsasalarawan na ang diyos na isang lalaki, ay isang malaking pangungutya at kasinungalingan na dumaraya sa kaisipan sa maraming nating mananampalataya na ang akala ang diyos ay isang lalaki.

Sa susunod na episode tatalakayin naman natin kung bakit ang “Pitong Araw ng Paglikha” ay isang istorya na puno ng kamalian at hindi umaangkop sa pagaaral ng siyensiya at tamang pagiisip.



The Voice of Philippine Atheism.
-----------------------------------------
Tungkol kay Atheista ng Pilipinas:
 
Ang pangalang Atheista ng Pilipinas ay isang simbolong pangalan o pen name ng may akda. Siya ay isang guro, inyehero, at manunulat. Isa siya sa mga sumulat ng libro sa physics na ginagamit ng mga estudyante sa pilipinas. Siya ang nagtatatag ng The Voice of Philippine Atheism (Boses ng Atheismo sa Pilipinas) noong 2000. Siya rin ay sumulat ng ibat ibang libro sa pilosopiya, relihiyon, teknolohiya, at siyensiya na makikita nyo sa amazon.
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Disclaimer: Ang mga artikulo sa The Voice of Philippine Atheism ay inilaan para sa balanseng edukasyon. Dahil ang site na ito ay patuloy na iniedit, inaupdate at pinagbubuti, inirerekumenda ko na bumalik madalas para sa mga bagong item. Kung nais nyong gamitin ang anumang bagay dito para sa layunin ng pantas na talakayan o di kaya sa malalim na pagreresearch, mangyaring ipagbigay-alam sa may-akda sa pamamagitan ng email o banggitin ang site sa format na ito: 
* In-text citation: (Atheista ng Pilipinas, 1975)
* Reference List: Atheista (1975). Bibliya: Ebidensya Bakit Walang Diyos. Philippines.
* Website: Atheista (2000). Bakit Walang Diyos. https://voiceofphilippineatheism.blogspot.com

Tags: The Voice of Philippine Atheism, atheist, pinoy atheist, atheism, pinoy atheismo, Philippine Atheism, Filipino Atheists, Atheista ng Pilipinas



#atheists_of_the_philippines #trendvids #number_one #trend #positive_influencer #exposed #viral #dislike #atheista_ng_pilipinas #voice_of_philippine_atheism #atheism #god #jesus_christ #arguments_against_god 



No comments:

Post a Comment