Saturday, November 9, 2024

Ebidensiya Laban Sa Diyos

Ng dinidevelop ko ang aking pagaaral tungkol saan orihinal nagmula ang mga information, ideya o konsepto na binuo ng tao, isa sa aking mga inimbistigahan ay kung saan nagmula ang ideya na may diyos. At dahil walang ibang mapagkukunan ng ebidensiya tungkol sa kanya kung hindi ang bibilya lang, ito ang aking ginamit para panunayan kung may diyos ba.

Dito, hinati ko ang aking pananaliksik sa apat na bahagi base sa apat na personalidad ng relihiyon: Si kristo, bibliya, simbahan, at ang diyos. Itong pananaliksik na ito ay ginagabayan din ng mga kritikal na katanungan kagaya ng:
1.  Paano natin malalaman kung ang bibilya ay gawa ng diyos o di kaya ng dimonyo?
2.  Kung ang diyos ay perfecto, may kamalian kaya sa Bibliya? 
3.  Saan ba galing si Kristo; Sino ba siya, saan ba siya lumaki; ano ba ang anyo niya?
4. Ano ano ba ang mga kaunaunahang simbahan noon na sumasamba sa diyos?
5. Paano ba nabuo ang konsepto ng diyos; Sino ang nagumpisa nito? 
6. Kung ang mukha ng diyos at ni kristo ay hindi pa nakita ninuman, kanino ang mga litrato sa altar ng na pinagdarasalan ng mga  nanampalatay?
7. Kung ang diyos ay banal, mabuti, perpekto, matalino, at makapangyarihan, bakit niya pa kailangan likhain ang demonyo?

Bukod sa mga katanungan na ito, na nag-gabay sa akin para patunayan ang layunin natin ay matatagpuan sa episode #2.

Sa unang serye, nabinuo ng halos mga 25 episodes, ilinahad natin ang mga ibat ibang ebidensyang na nagpatunay kung bakit walang diyos base sa ating pagaaral kay kristo, sa bibliya, sa simbahan, at sa diyos mismo. Ginamit natin ang apat na elemento na ito para makakuha ng kahit isang mali mula sa kanila na pawang pinaniniwala na mga banal, walang bahid na pagkakamali, at gawa ng isang diyos na alam ang lahat, makapangyarihan sa lahat, naroroon sa anumang dako, at mabait sa lahat ng bagay. Dahil lang sa isang mali sa bibliya, mapapatunayan natin na ang diyos ay hindi totoo at kathang isip lamang.

Ang uang mga ebidensiya na nakuha natin ay mula sa Katauhan ni Hesus Kristo:

Nakita natin na ang pangalan ni "Hesus Kristo" ay hindi isang pangalan kundi isang titulo. Ang Hesus ay hindi firstname at ang Kristo ay hindi lastname. Ang titulo ay isang paglalarawan(adjective) lamang at hindi pangngalan(noun). Hindi siya and tinutukoy na messiah sa lumang tipan. Hindi siya anak ng diyos. Hindi siya puti o amerikano kundi arabo. Walang sinoman ang nakakaalam tungkol sa anyo nya subalit sa altar ng mga naniniwala may litrato siya na kanilang pinagdarasalan at sinasamba. Pinakita din natin ang mga kabastusan niya sa kanyang mga magulang at ibang tao.

Ang kwento ng kanyang kapanganakan, ministeryo, kamatayan, at pagkabuhay ay kasintulad din sa mga alamat mula sa iba pang sinaunang kultura, tulad ni Horus sa mitolohiyang Ehipto at ni Mithras sa Persian, na nagpapahiwatig na ang katuahan ni krito ay kinopya mula sa mga paganong alamat.

Ang pangalawang mga ebidensiya ay galing sa mga kamalian sa Bibliya: 

Napatunayan natin na ang Biblia ay naglalaman ng maraming kamalian, kontradiksyon, at mga walang kabuluhang mga kwentong hindi kapanipaniwala. Sinabi rin natin kung ang Diyos ay perpekto, ang mga pagkakamaling ito ay hindi dapat naroroon. Kung ginabayan naman ito ng Banal na Espiritu, dapat ang bibiliya ay isang sagradong na walang bahid ng pagkakamali. 

Pinakita din natin ang mga panahon bago nalimbag ang NT at idinagdag ito sa OT. Ang mga taong nagdagdag sa mga doktrina nito at ano ang mga dinagdag sa bibilya. Ang mga ibat ibang version ng bibliya na may kanya kanyang interpretasiyon. At ang katanungan na kung makapangyarihan ang diyos, bakit hindi siya gumawa ng isang version lamang ng bibliya na maiintidihan ng mga tao sa buong mundo kahit ibat iba ang mga linguahe nito.

Ang mga kuwento din sa Bibliya ay may mga pagkakatulad mula sa iba mga sinaunang kultura, tulad ng ang malaking baha, ang genesis o paglikha, ang tore ng babel, kuwento ni moses, birhen na kapanganakan, at muling pagkabuhay ay nagpapahiwatig na kinopya lang ang mga ito sa mga paganong alamat.

Ang pangatlong mga ebidensiya ay galing naman sa Papel ng Simbahan:

Pinatunayan natin na ang mga Simbahan noon at ngayon ay madalas ang humuhubog ng kani kanilang sariling doktrina at ritwal, base sa mga desisyon ng kanilang lider. Ang paiba-iba ng mga Paniniwala noon hanggang ngayon ay kadalasan nangyayari bilang tugon sa mga pagbabago sa lipunan, politika, at kultura, na makikita bilang ebidensya ng impluwensya ng tao sa bibliya at hindi ng diyos.

Ang mga Pagkakahati at Repormasyon sa mga simbahan noon, tulad ng katoliko  na naghiwalay bilang (romano, Orhtodox, Coptic, Syriac, and Greek catholic churches) at ang Islam (Sunni at Shia) at Judaismo (Orthodox, Conservative, Reform) ay nagpapatunay lamang na ang mga simbahan noon ay isang mga matibay na ebidensiya at saksi kung bakit ang doktrina ng diyos ay hindi banal, gawa lang ng tao, at ang mga tradition at ritual ng mga ito ay may mga pagkakatulad din mula sa ibang sinaunang paganong kultura.

Ang huling ebidensiya ay ang Katangian ng Diyos:

Bukod sa mga ebidensiyang na nasabi natin laban kay Hesus, sa bibliya, at sa simbahan, maaari na nating masabi ngayon na ang diyos ay isang ideya na kinopya din mula sa mga unang paganong kultura.

Bukod sa mga ebidensiya na ito, ang pagkakaroon ng kasamaan at pagdurusa sa mundo ay hindi tugma sa isang Diyos na mabait, alam-ang-lahat, makapangyarihan-sa-lahat, at nasa lahat ng dako.

Kung alam niya ang lahat, dapat alam niya ang lahat ng kasamaan at pagdurusa na mangyayari. Kung mabait siya, dapat alam niya na mali ang ginagawa niya. At kung makapangyarihan siya, dapat kaya niyang itigil ang mga ito. Pero, makikita natin na patuloy pa rin ang kasamaan at pagdurusa ng tao.

Pero dahil may malayang kalooban (free-will) daw ang tao, ang kasamaan at pagdurusa ay linikha  niya. Subalit ang freewill ay hindi sapat na paliwanag dahil ang tao ay nagdurusa kung may sakit o dahil sa natural na kalamidad na hindi resulta ng free will.

Bilang karagdagan, ang ideya o konsepto ng diyos ay may mga pagkakatulad din mula sa ibat ibang mga sinaunang paganong kultura, tulad ni Zeus (greek), Odin (norse), Ra (egypt), Jupiter (roman), Indra (hindu), Anu(sumerian), Dagda (celtic) na nagpapatunay na mitolohikang pagano din ang pinagmulan ng konsepto ng diyos.

Mula sa mga ebidensiya na nito base sa mga ebidensiya mula sa apat na importanteng elemento ng relihiyon: Si Jesus, ang bibliya, ang simbahan, at ang diyos mismo ay nagpapatunay lang  na walang diyos . Napatunayan natin kung ang diyos ay perpekto, dapat ang bibliya at ang kanyang mga nilikha ay wala ni kahit isang mali o depekto, kung siya ay mabuti dapat walang nagdudusa na tao sa mundo at hindi ninya pinagpapatay ang bilyong bilyong mga tao, sanggol, matatanda, hayop, at halaman mula noon hangang ngayon sa mundo. At kung makapangyarihan siya, dapat lahat ng kasamaan na ito ay hindi nangyari. 
 
Sa pangalawang yugto naman ng podcast na ito, paguusapan naman natin ang mga argumento at kontra argumento na pinagisipan ng malalim ng mga matatalinong tao sa siyensiya at pilosopiya noon at ngayon na magpapatunay kung may diyos ba o wala. Kagaya ng kung walang diyos, bakit ang galaw ng  mundo at kalikasan ay perfekto? Kung walang diyos, paano linikha ang lahat? Kung walang diyos, paano nagsimula ang lahat?

Isasama ko na rin dito ang mga argumento na nadiskobre ko sa aking mga experimento na nagpapatunay na bakit walang diyos. 

At, sa ikatlong yugto naman ng podcast na ito, ibabahagi ko sa inyo ang mga resulta ng aking mga personal na mga experimento na maghahayag kung bakit walang diyos.

Kung gusto ninyo uli pakinggan ang mga ebidensiya laban kay kristo, sa bibliya, sa diyos at sa simbahan, puntahan ninyo lang po ang mga ibat ibat episodes na nakalista  sa Youtube:
  1. Ang pangalang Jesu Kristo ay wala sa bibliya, ang paliwanag ay nasa episode #10.
  2. Si jesus ay hindi ang tunay mesiyas, ang paliwanag ay nasa episode 11.
  3. Ang kabastusan ni Jesus ay makikita sa episode #12
  4. Ang tunay na anyo ni kristo ay makikita sa episode #13
  5. Ang mga kasamaan ng diyos ay tinatalakay sa episode #14.
  6. Ang diyos ba ay babae o lalaki ay na nasa episode #16.
  7. Bakit ang tao ay walang kaluluwa ay nasa episode #18.
  8. Bakit walang langit ay nasa episode #19.
  9. Saan nakalagay ang malaswang marka ng diyos ay nasa episode #20.
  10. Bakit si Kristo ay hindi anak ng diyos ay nasa episode #22.
  11. Ang listahan ng mga pekeng simbahan ay makikita sa episode #5
  12. Ang mga mali, dagdag, at kasinungalingan sa bibliya nito na makikita sa episode #9
  13. Ang pagkabuo ng bibliya na makikita sa episode #4
  14. Ang orihinal na bibliya at ang orihinal na pagtuturo nito ay makikita sa #6,7,8
  15. Sino o Ano ang lumikha sa diyos ay matutunghayan sa episode #15.
  16. Ang mundo daw ay sentro ng universe ay nasa episode #17.
  17. UFO sasakyan papunta sa langit ay nasa episode #21.
  18. Ang dakilang apostasiya ay nasa episode #23.
  19. Mitraismo vs Katolismo ay nasa episode #25.
  20. Kalupitan ng Simbahang Katoliko ay nasa episode #24.
  21. Mga Paganong Ritual ng Kaoliko ay nasa episode #26.
  22. Bagong Tipan Gawagawa Lamang ay nasa episode #27.
  23. Simbahang Katoliko laban sa Katoliko ay nasa episode #28.

Disclaimer:

Tandaan nyo po na rinirespeto ko ang inyong mga paniniwala, ito po ay inyong karapatan, subalit may karapatan din tayo na ibahagi ang mga ibat ibang konsepto o pagaaral sa relihiyon sa buong mundo, upang sagayon ay magkaroon tayo at ang ating mga kabataan ng balanseng kaalaman at magkaroon sila ng sariling desisyon sa kanilang sariling mga paniniwala. Dahil ang mga aralin na ito ay hindi itinuturo sa mga eskweklahan sa pilipinas, ang radio podcast na ito ay naglalayong magsilbing daan na magkukunan ng edulasyon para doon sa mga taong nagnanais na palawakin ang kanilang kaalaman o pananaw upang matagpuan nila sa kanilang buhay ang tamang katotohanan at kaalaman.



The Voice of Philippine Atheism.
-----------------------------------------
Tungkol kay Atheista ng Pilipinas:
 
Ang pangalang Atheista ng Pilipinas ay isang simbolong pangalan o pen name ng may akda. Siya ay isang guro, inyehero, at manunulat. Isa siya sa mga sumulat ng libro sa physics na ginagamit ng mga estudyante sa pilipinas. Siya ang nagtatatag ng The Voice of Philippine Atheism (Boses ng Atheismo sa Pilipinas) noong 2000. Siya rin ay sumulat ng ibat ibang libro sa pilosopiya, relihiyon, teknolohiya, at siyensiya na makikita nyo sa amazon.
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Disclaimer: Ang mga artikulo sa The Voice of Philippine Atheism ay inilaan para sa balanseng edukasyon. Dahil ang site na ito ay patuloy na iniedit, inaupdate at pinagbubuti, inirerekumenda ko na bumalik madalas para sa mga bagong item. Kung nais nyong gamitin ang anumang bagay dito para sa layunin ng pantas na talakayan o di kaya sa malalim na pagreresearch, mangyaring ipagbigay-alam sa may-akda sa pamamagitan ng email o banggitin ang site sa format na ito: 
* In-text citation: (Atheista ng Pilipinas, 1975)
* Reference List: Atheista (1975). Bibliya: Ebidensya Laban Sa Diyos. Philippines.
* Website: Atheista (2000). Bakit Walang Diyos. https://voiceofphilippineatheism.blogspot.com

Tags: The Voice of Philippine Atheism, atheist, pinoy atheist, atheism, pinoy atheismo, Philippine Atheism, Filipino Atheists, Atheista ng Pilipinas



#atheists_of_the_philippines #trendvids #number_one #trend #positive_influencer #exposed #viral #dislike #atheista_ng_pilipinas #voice_of_philippine_atheism #atheism #god #jesus_christ #arguments_against_god 


"Huwag mong ihalintulad ang iyong mga paniniwala sa kaalaman, maliban kung mayroon ka talagang kaalaman sa iyong mga paniniwala." (Dont confuse your beliefs with knowledge, unless you have knowledge of your beliefs).


No comments:

Post a Comment