Monday, June 5, 2000

The Voice of Philippine Atheism

Maraming nagtatanong kung ano ba ang adbokasiya o adhikain ng Atheista ng Pilipinas.

Una, maging boses ng atheismo sa pilipinas sa pamamagitan ng pagsasama sama sa isang kilusan na pinangalanang SIKAP (Samahang Internasiyonal Koalisiyon ng mga Atheista ng Pilipinas)

Ikalawa, itinutuwid natin ang maling paniniwala na may diyos upang ang ating mga kababayan ay maiahon sa kahirapan sa pamamagitan ng pagtatrabaho sa halip na umasa lang sa diyos.

Binubuwag din natin ang indoktrinasyon na unti-unting inilalagay sa isip ng ating mga kababayan na walang kamalay-malay sa kasinungalingan at panglilinlang ng mga organisadong simbahan.

Pinaglalaban din natin na maging pantay sa pagtuturo sa mga usaping tungkol sa ibat ibang klase ng pananampalataya para bigyan daan ang karapatan ng isang tao na sundin ang kanyang sariling paniniwala na walang hadlang mula sa institusyon ng edukasyon, ng gobyerno, o kahit ng simbahan.

Pinaglalaban din natin na di dapat pagkikitaan ng mga simbolong konektado sa relihiyon kagaya ng krus, rosaryo o bibliya ang lahat ng sangay ng gobyerno at publikong pagaari ng pamahalaan. Kung ito ay pahihintulutan dapat lahat ng ibat ibang relihiyon sa pilipinas ay may karapatan din isama ang simbulo ng kanilang pananampalataya at gayun din sa perang ating ginagamit.

Kinukumbinsi natin  na baguhin at maglimbag ng isang standard na libro na magtuturo ng historiya at ideyolohiya ng ibat ibang relihiyon kagaya ng kristiyanismo, Judaism, at Islam na gagamitan ng iskuwelahan sa buong pilipinas upang mapagaral ng bawat Pilipino ang tama at mali ng paniniwala at bigyan daan ang karapatan ng estudyante sa paniniwala.

Kinukumbinsi rin natin na gamitin ng ating mga talentong guro ang kanilang karunungan at ekperto na gumawa ng mga libro sunod sa ating kultura at pananaw at iwasan ang anumang pagaaral na maybahid banyaga upang ang Kritikal na Pagiisip ay maisalin ng tama sa ating mga kababayan. Ang gobyerno ng edukasyon at ng pamahalaan ay dapat maglaan ng budget para sa mga librong ito na isusulat ng ating mga guro.

Pinaglalaban natin na maging mandatoriya ang “Research and Development” sa bawat institusyon ng edukasyon upang sa ganuon ang ating bansa ay hindi dumipende sa kalakalan ng ibang bansa. Kung mangyari ang specialization na ito sa mga kolehiyo at unibersidad, ang kababayan natin ang makikinabang sa mga produkto at serbisyo naginawa natin. Ang pagunlad ng Pilipinas ay mapapadali.

Ang wikang Tagalog ay dapat maging pangunahing wika na tinuturo sa iskuelahan sa buong bansa at hindi Ingles. Pumapangalawa lamang ang katutubong dialekt ng isang probinsiya. Ang wikang Ingles at ibang banyagang linguahe o dayalekt ay dapat ituro lamang sa mataas na antas ng edukasyon kagaya ng bokasiyonal at kolehiyo. Kung may isang sariling wika, ang pagkakaintidihan ay malilinawagan, ang produksiyon ay mapapabilis, at ang paguunlad ay mapapadali.

Ang pinakaimportante sa lahat, ang pagiging self-reliant at paghubog ng Critical Thinking sa ating mga kabataan ang dapat bigyan pansin ng ating gobyerno ng sa ganuon ang ating bayan ay umunlad. Ang edukasyon na balanse at bukas sa anumang pananaw ay magbibigay daan sa katotohanan at kagalingan ng pagiisip ng ating kabataan at mamamayan.

Ang walang kwentang pagubos ng panahon at oras ng ating mga kababayan dahil sa maling paniniwala ay dapat masugpo at ibaon na sa limot. Mas masaya at mabilis ang pagunlad ng ating bansa kung ang paniniwala sa diyos na humahati sa ating mamayan ay ating maiisang tabi, sa kadahilanang:

a) Una, imbis na ang tao ay maging isang self-reliant, mas minabubuti pa niya na ilagay lahat ng kanyang talino at kakayahan sa kamay ng isang diyos. Pag hindi siya umasenso sa kanyang buhay, ang katwiran nya ay laging:  ”Ito ang gusto ng diyos para sa akin, wala akong magagawa”.

b) Pangalawa, imbis ang pilipino ay magsumikap upang ihaon nya ang sarili sa kahirap, ano ang kanyang laging sinsambit: “Kung ito ang gusto ng diyos para sa akin, sino ba ako para di sumunod”.

k) Pangatlo, imbis na ang pilipino ay maging isang mahusay na indibidual sa larangan ng kanyang sining,  pasiyon o industriya, ito ay naiisang tabi sa kadahilan na: “Hmmm…kung ito ay hindi para sa akin, alam ko ang diyos ay may mas magandang laan para sa akin”.

d) Pangapat. kung walang relihiyon, ang bansang pilipinas ay hindi mahahati dahil lamang sa isang paniniwala.

e) Panlima, kung ang simbahan ay hindi makikialam sa gobyerno at ang gobyerno ay hindi makikialam sa simbahan, ang kultura ng politiko sa pilipinas ay mapapaganda at mababago.

Tandaan, ang Buhay ay napakaganda at napakasaya. Lahat ng gusto mo sa buhay ay mapapasaiyo kung magiisip at kikilos ka lang ng tama. Kung hinihintay mo ang diyos upang maranasan lamang ang buhay na walang kahirapan, di ito totoo kapatid. Ang buhay ng kasaganahan at kasayahan ay nasa iyong mga kamay! 

Maging masipag ka lang, masikap, at madunong sa buhay, makakamtam mo ang kasaganahan at kaligayahan na inaasam asam mo sa iyong buhay !


Salamat Kaibigan!

Atheista Ng Pilipinas


" Let us change the Philippines one person at a time." 
~ Atheista ng Pilipinas




The Voice of Philippine Atheism.
-----------------------------------------
Tungkol kay Atheista ng Pilipinas:
 
Ang pangalang Atheista ng Pilipinas ay isang simbolong pangalan o pen name ng may akda. Siya ay isang guro, inyehero, at manunulat. Isa siya sa mga sumulat ng libro sa physics na ginagamit ng mga estudyante sa pilipinas. Siya ang nagtatatag ng The Voice of Philippine Atheism (Boses ng Atheismo sa Pilipinas) noong 2000. Siya rin ay sumulat ng ibat ibang libro sa pilosopiya, relihiyon, teknolohiya, at siyensiya na makikita nyo sa amazon.
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Disclaimer: Ang mga artikulo sa The Voice of Philippine Atheism ay inilaan para sa balanseng edukasyon. Dahil ang site na ito ay patuloy na iniedit, inaupdate at pinagbubuti, inirerekumenda ko na bumalik madalas para sa mga bagong item. Kung nais nyong gamitin ang anumang bagay dito para sa layunin ng pantas na talakayan o di kaya sa malalim na pagreresearch, mangyaring ipagbigay-alam sa may-akda sa pamamagitan ng email o banggitin ang site sa format na ito: 
* In-text citation: (Atheista ng Pilipinas, 1975)
* Reference List: Atheista (1975). Bibliya: Ebidensya Bakit Walang Diyos. Philippines.
* Website: Atheista (2000). Bakit Walang Diyos. https://voiceofphilippineatheism.blogspot.com

Tags: The Voice of Philippine Atheism, atheist, pinoy atheist, atheism, pinoy atheismo, Philippine Atheism, Filipino Atheists, Atheista ng Pilipinas


#atheists_of_the_philippines #trendvids #number_one #trend #positive_influencer #exposed #viral #dislike #atheista_ng_pilipinas #voice_of_philippine_atheism #atheism #god #jesus_christ #arguments_against_god 

No comments:

Post a Comment