Sunday, September 29, 2024

Katoliko Paganong Mitraismo

Sa mga naunang mga episodes, pinatunayan natin na ang bibliya ay galing sa Judaismo, dinagdagan ito ng mga katoliko, at kinopya naman ng mga Islam. Itong tatlong sinaunang grupo na ito ay ang kauna unahanag tunay na mga relihiyon na sumasamba sa diyos ni abraham, jacob, at moses dahil taglay nito ang apat na marka ng tunay na simbahan ng diyos: una, ang founder nito ay si Jesus, tinatag ito sa jerusalem, noong 33 hanggang 100 AD lamang, at si kristo lang ang pwedeng magtatag ng simbahan at wala ng iba pang tao.

Kaya kung ang relihiyon mo ay hindi isa dito sa tatlo, malaking posibilidad na ikaw ay pupunta sa impiyerno, kasi ang sabi sa Galatians 1:8-9: "Ang mga tao o simbahan na nangangaral sa inyo ng anomang ebanghelyo na naiiba sa aming ipinangaral (ibig sabihin ang bibliya ng katoliko), ay susumpain ng diyos.  Kaya yung mga kristiyano na hindi katoliko ay malamang na susumapain ng diyos habang buhay. Kaya magisipisp tayo bago tayo sumali sa mga simbahang na walang kaugnayan sa  tatlong simbahan na tinukoy ko.

Sa episode naman na ito, tatalakayin naman natin ang doktrina ng Mitraismo, ang isang paganong misteryosong relihiyon na naging popular sa mga sundalong romano noon at mga iilang emperador sa kaharian tulad ni Commodus. Kung hindi sa pagusbong ng Katoliko at naging opisyal na relihiyon ng mga Romano, ang bansa na superpower noon, malamang ang mitraismo ang naging relihiyon mo ngayon.

Ano ba ang Mitraismo?

Ang orihinal na relihiyon ng Imperyal na Roma ay may mga paniniwala sa maraming diyos at diyosa kagaya ni Jupiter, Mars, Venus, Hermes, Diana, at Luna, na ginaya sa mytholohiya ng griyego. Nang dumaan ang mga panahon, ng lumawak ang kanilang kaharian at sinasakupan, ang roma ay nainfluensyahan ng ibat ibang paganong relihiyon. Dalawa sa paganong relihiyon na ito ay ang mitraismo at kristiyanismo.

Ang Mithraismo ay isang relihiyong na nakasentro sa diyos na si Mithras, na naging popular sa mga sundalong Romano at mataas na opisyales ng roma noon. Ang Mithraismo ay isang paganong kulto na  nagmula posible sa Iran o Persia. Si Mithra ay ang diyos na sinasamba ng Mitraismo.

Ang mga Kristologists o Kristiyano noon ay tinaguriang mga kaaway ng Roma, pati na ang Judaismo, sa kadahilanan ang mga ito ay tumatangging sambahin ang mga diyos ng Roma, na itinuturing na  kawalan ng pagagalang at loyalidad sa kaharian ng roma.

Sa kabilang dako, ang mga grupo naman ng mga Hudyo ay tinagurian ang mga Kristiyano bilang mga traydor o heretics dahil marami din sa kanila ay dating mga miyembro ng Judaismo kung saan nagmula ang katolismo ay tumiwalag.

Dahil dito sa pagiging subersibo, ito ay humantong sa mga panahon ng pag-uusig at pagpatay sa maraming Kristiyano, na naakusahan bilang mga atheista (dahil sa kanilang pagtanggi na sambahin ang mga diyos ng Roma) at ng iba pang mga krimen.

Bagamat ang Mithraismo noon ay ang prominenteng relihiyon sa roma, ito ay unti-unting humina ng ang Katolismo ay naging opisyal na relihiyon nito sa kamay ng romanong emperador na si Theodosius I noong 380 AD. (council of nicea 325AD, constantinople 300AD)

Dahil kinupkop ng roma ang mitraismo bago ito naging katoliko, karamihan sa mga paganong paniniwala, ritual, at kultura nito ay naisama sa bagong tipan sa utos ni kostantino, ang unang paganong emperador na tumiwalag sa paniniwala ng mitraismo.

Dahil sa utos nito at sa mga paganong obispo, kaparian na sumulat ng pangalawang parte ng bibilya na may impluwensiyahan ng mitraismo, ang Mithraismo at Katolisismo ay may maraming pagkakahawig, kagaya ng:

Pareho nila ipinagdiriwang ang kapanganakan ng kanilang tagapagligtas tuwing Disyembre 25.

Pareho nila itinuturing na banal ang araw ang Linggo sa utos no Konstantino ay hindi na ang sabado.

Pareho nila sinasagawa ang pagbibinyag at komunyon (matthew 26, mark 14, luke 22).

Si Mithras ay tinutukoy bilang ang mabuting pastol, ang daan, ang katotohanan, ang liwanag, at tagapagligtas. Itong mga titulo na ito ay mga titulo rin na ginagamit kay Jesus ng Katoliko.

Ang Mithraism ay nagtuturo sa paglalaban sa pagitan ng liwanag at kadiliman, at ang Kristiyanismo naman sa labanan sa pagitan ng Diyos at Satanas.

Ang parehong relihiyon ay nangangako ng kaligtasan at ng buhay na walang hanggan sa langit kung mananatili silang tapat sa diyos.

Ang parehong relihiyon ay gumagamit ng magkatulad na mga simbolo, tulad ng leon at tupa.

Ang muling pagsilang o born-again sa mga converts o bagong kasapi ay isa sa mga parehong ritual (John 3:3, Titus 3:5, Romans 6:3-4)

Ang konsepto ng Langit at Lupa bilang magasawa; at ang Karagatan bilang kanilang anak ay kaparehas sa tatlong bumuo ng pinakamataas na triad, ang banal na trinidad.

Ang paniniwala sa kaluluwa na walang kamatayan at ang pansamantalang pananatili nito sa katawan kung saan pagkatapos ng kamatayan, ang kaluluwa ay pupunta sa langit.

Ang pagbibinyag upang hugasan ang mga kasalanan. Ang ritwal na ito ay isinasagawa sa pamamagitan ng pagwiwisik ng banal na tubig, o sa aktwal na paglulubog ng sanggol sa tubig at ang pagtatak ng simbolikong marka sa noo.

Ang serbisyong komunyon at pagkain ng tinapay at alak na nagiging banal sa komunal na misa (luke 22:19-20, Cor 10 and 11).

Ang kanilang pagsamba ay isinasagawa sa mga kapilya. Kagaya ng simbahan, ito ay meron mga silya, awitan, rebulto, altar, at pari na nagmimisa.

Sa episode na ito, pinakita natin na ang mga paganong obispo, mga konsehales ng imperial na roma ay nagdagdag ng kani kanilang mga paganong doktrina at seremonya sa simbahan katoliko base sa doktrina ng mitraismo ay nagpapatunay lang na ang bibilya ay hindi na ang orihinal na salita ng diyos. Dahil dito, nagpapatunay lang na ang bibliya ay kontaminado na, hindi na tunay, at wala ng kabanalan.


Sa susunod na episode tatalakayin naman natin ang mga sumulat ng lumang tipan, mga ibat ibang bersiyon ng bibilya, at ang ibat ibang argumento bakit ang bagong tipan, ang libro na dinagdag ng mga romano sa lumang tipan ng mga judaismo, ay pawang mga gawa lamang ng simbahang ng imperial romano, na kalaunan ay naging Romano Katoliko. Paguusap din natin ang mga kadahilan bakit ang griyegong Orthodox Catholic Church ay tutol sa latinong Roman Catholic Church


Disclaimer:

Tandaan nyo po na rinirespeto ko ang inyong mga paniniwala, ito po ay inyong karapatan, subalit may karapatan din tayo na ibahagi ang mga ibat ibang konsepto o pagaaral sa relihiyon sa buong mundo, upang sagayon ay magkaroon tayo at ang ating mga kabataan ng balanseng kaalaman at magkaroon sila ng sariling desisyon sa kanilang sariling mga paniniwala. Dahil ang mga aralin na ito ay hindi itinuturo sa mga eskweklahan sa pilipinas, ang radio podcast na ito ay naglalayong magsilbing daan na magkukunan ng edulasyon para doon sa mga taong nagnanais na palawakin ang kanilang kaalaman o pananaw upang matagpuan nila sa kanilang buhay ang tamang katotohanan at kaalaman.



The Voice of Philippine Atheism.
-----------------------------------------
Tungkol kay Atheista ng Pilipinas:
 
Ang pangalang Atheista ng Pilipinas ay isang simbolong pangalan o pen name ng may akda. Siya ay isang guro, inyehero, at manunulat. Isa siya sa mga sumulat ng libro sa physics na ginagamit ng mga estudyante sa pilipinas. Siya ang nagtatatag ng The Voice of Philippine Atheism (Boses ng Atheismo sa Pilipinas) noong 2000. Siya rin ay sumulat ng ibat ibang libro sa pilosopiya, relihiyon, teknolohiya, at siyensiya na makikita nyo sa amazon.
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Disclaimer: Ang mga artikulo sa The Voice of Philippine Atheism ay inilaan para sa balanseng edukasyon. Dahil ang site na ito ay patuloy na iniedit, inaupdate at pinagbubuti, inirerekumenda ko na bumalik madalas para sa mga bagong item. Kung nais nyong gamitin ang anumang bagay dito para sa layunin ng pantas na talakayan o di kaya sa malalim na pagreresearch, mangyaring ipagbigay-alam sa may-akda sa pamamagitan ng email o banggitin ang site sa format na ito: 
* In-text citation: (Atheista ng Pilipinas, 1975)
* Reference List: Atheista (1975). Bibliya: Ebidensya Bakit Walang Diyos. Philippines.
* Website: Atheista (2000). Bakit Walang Diyos. https://voiceofphilippineatheism.blogspot.com

Tags: The Voice of Philippine Atheism, atheist, pinoy atheist, atheism, pinoy atheismo, Philippine Atheism, Filipino Atheists, Atheista ng Pilipinas



#atheists_of_the_philippines #trendvids #number_one #trend #positive_influencer #exposed #viral #dislike #atheista_ng_pilipinas #voice_of_philippine_atheism #atheism #god #jesus_christ #arguments_against_god 







No comments:

Post a Comment