
Pinagaralan din natin kung saan ng galing ang bibliya at paano nabuo ang bibliya mula sa lumang tipan at bagong tipan. Sino ba ang sumulat ng mga ito, saan bang parte ng mundo nangyari ang mga istorya sa bibliya. Saan ng galing ang lumang tipan, anong relihiyon ang bumuo ng lumang tipan? Saan naman galing ang bagong tipan at anong relihiyon ang gumawa ng bagong tipan. Sino ang nagsanib ng bagong tipan sa luman tipan? Ano ba ang tunay na bibliya ng diyos na sinasabi na banal na salita ng diyos? Bakit napakaraming bibliya ngayon at alin ang orihinal na banal na aklat ng diyos ngayon? Paano natin malalaman na ang bibilya na ginagamit mo ay ang orihinal na aklat ng diyos?
Pinagaralan din nating ang tatlong orihinal na simbahan ng diyos: Ang Judaismo, Katolismo, at Islam. Dito, napatunayan natin na si Abraham ang ngagumpisa ng mga relihiyon na ito na kinopya niya mula sa unang relihiyon na kinagisnan niya na isang paganismo. Dahil isa sa tatlong simbahan na ito ang masasabi nating tunay na simbahan ng diyos, ang lahat na simbahan ngayon at ng kanilang mga founders na pari o pastor ay masasabi nating pawang mga peke dahil ang apat na marka ng diyos at simbahan ay wala sa kanila. Dito pinakita din natin kung sino sa kanila ang anti-kristo.
Sa huli sinuri din natin ang pangunahing tauhan ng bibliya, si Hesus. Pinatunayan natin na ang pangalang Hesukristo ay wala sa bibliya. Pinanakita din natin na siya ay hindi anak ng diyos. Siya ay isang ordinaryong tao laman na isang rebelde o aktibista na hindi sumasangayon sa gobyerno at simbahan ng roma noon. Hindi siya kristiyano at hindi siya ang gumawa ng bibliya. Si satanas at si kristo ay magkapatid. Si krsito ay hindi ang mesisyas na sinasabi sa lumang tipan. Si hesus ay hindi amerikano kundi isang arabo. Walang nakakaalam ng pisikal na anyo ni hesus at ng diyos. Subalit magtataka ka kung bakit may larawan si hesus at diyos sa mga altar at simbahan ng mga naniniwala sa kanila. Sino ang mga tao na ito na kanilang pinagdadarasalan.
Sa lahat ng mga ebidensiya na ito, solidong pinatunayan natin na si hesus at ang diyos ay pawang mga hindi totoo. At ang mga simbahan, mga pastor nito, at ang mga bibliya na ginagamit ng mga ito ay pawang mga peke lamang na nglililang sa mga taong walang kamalay malay dahil sa kahirapan sa buhay.
Sa ikalawang yugto ng ating podcast, ang Pilosopiya, ipinakita ko sa inyo ang ibat ibang ebidensiya bakit walang diyos sa pamamagitan ng tamang pagiisip at karunungan (critical thinking) at matalas na pangangatwiran (deductive reasoning). Dito pinakita ko ang mga ibat ibang pamamaraan, mula noon at hanggang ngayon, paano mo mapapatunayan na walng diyos sa pamamgitan ng tamang pangangatwiran. Dito ipinakilala ko ang ibat ibang uri ng mga paraan paano magisip ng tama at paano mangatwiran ng tama sa pamamgitan ng lohikal na karunungan o argumento. Sa pamagitan nito, maiiwasan natin ang mapanlinglang at mapagnhikayat na konkusiyon na galing sa maling pagiisip o nakakaligaw na pahayag, isang stratehiya na ginagamit lagi ng mga taong manlilinglang gaya ng mga simbahan at mga pastor.
Sa ikatlong yugto naman, ang sayantipiko, ihahayag ko naman ang mga ebidensiya bakit walang diyso mula aking mga personal na experimento. Dito susuriin natin , paano ba nagkaroon ng isip ang tao. Paano ba nagkaroon sila ng inpormasiyon sa kanilang mga utak. Saan ba galing ang mga informasion o ideya sa kanaling utak. Sino ba ang nagbigay nito? Galing ba ito sa mga aliens, sa diyos, o sa inang kalikasan? Paano ba ang isang abstract na ideya ay nagiging phisikal na bagay? Paano ba ang ideya ng diyos ay naging isang pisikal na diyos? Paano ba linilikha ang mga bagay? Bakit lahat ng bagay ay may simula at katapusan? Totoo ba ang realidad natin ay katotohanan o ito ay isang ilusyon lamang? Ano ba ang layunin ng buhay? Ano ba ang mga pamantayan paano mo masasabi ang isang bagay ay buhay o maybuhay? Buhay ka ba o isa ka lang mekanikal na bagay?
At sa ika-apat na yugto, ang teknolohiya, ipapakita ko ang aking resulta sa mga experimento na ito sa pamagitan ng paggawa ng isang mekanikal na tao o insekto, na magpapahiwatig na ang buhay ay hindi biology, kundi ito ay chemistry. Dito ipapakita ko rin na bakit hindi mo kailangan ng diyos para gumawa ng isang bagay na buhay. Ipapakita ko rin dito ang mga palatuntunan kung paano gumawa ng isang bagay na buhay na hindi mo kalilangan ng kasangkapang biolohikal. Ipapakita ko rin na bakit hindi kailangan ng utak para magimbak ng inpormasiyon. At bakit ang tao ay may emosyon, consciouness, pagiisip, panaginip, kirot, at iba pang paguugali na hindi gawa ng ating kaisipan.
Tags: The Voice of Philippine Atheism, atheist, pinoy atheist, atheism, pinoy atheismo, Philippine Atheism, Filipino Atheists, Atheista ng Pilipinas
No comments:
Post a Comment