Sunday, July 27, 2008

Kabastusan ni Jesus



Ang Bibliya ay laging itinatanghal bilang banal na libro. Subalit, may dalawang panig ng katotohanan sa likod ng librong ito. Nakasulat dito ang magandang imahen ng Diyos at ni Jesus, at hindi alam ng nakakaraming mananampalataya na ito rin ay naglalahad ng mga kasamaang ginawa ng Diyos at ni Jesus sa tao.Gayunpaman, dahil ang maluwalhating asal ng dalawang pangunahing karakter ay alam na ng maraming namamanampalataya, hindi ko na talakayin ang kanilang mga magagandang paguugali dito. Sa halip, pagtutuunan na lang natin ng pansin ang ilan sa kanilang mga masasamang intensiyon at paguugali.Unahin muna natin ang mga kabastusang ginawa ni Jesus sa kanyang magulang at pakatapos iprepresenta ko kung ilang tao ang pinatay ng Diyos at kung meron nga ilan ang pinatay din ni Satanas? 

A} Ang pagdisrespekto ni Jesus sa kanyang ina, ama at sa namatayan:

1.1) Lucas 9: 59-60: Ang pagdisrespekto ni Jesus sa kamatayan ng isang ama
Ang alagad dito ay humihingi ng pahintulot kay Jesus kung siya ay pwedeng pumunta sa kanyang bahay upang bayaran ng paggalang ang kanyang patay na ama. Subalit si Jesus ay tumanggi sa kanyang kahilingan at mabagsik na sumagot pabalik at sinabi: “Hayaan mo ang maypatay ilibing ang kanilang mga patay, humayo ka at ipangaral mo ang salita ng diyos”.

1.2) John 2: 1-5: Ang pagdisrespekto ni Jesus sa kanyang ina sa maraming tao
1 Sa ikatlong araw nagkaroon ng isang kasal sa Cana ng Galilee, at ang ina ni Jesus ay nandoon. 2 Si Jesus at ang kanyang mga alagad ay iniimbitahan din sa kasal. 3 Nang ang alak sa banga ay naubos na, ang ina ni Jesus ay nagsabi sa kanya, “Anak wala na tayong alak.” 4 At si Jesus ay sumagot, “Babae, ano ang magagawa ko? Ang aking oras ay hindi pa dumating.” 5 Ang sabi ng kanyang ina sa mga katulong, “Kung ano ang sinabi niya gawin nyo na lang”.

1.3) Matthew 10: 35-37: Si Jesus ay nagtuturo ng dibisyon sa pamilya
35 “Dumating ako para ipakita ang pagkakaiba ng tao laban sa kanyang ama, at ng anak na babae laban sa kanyang ina, at ng anak na babae laban sa kanyang biyanan. 36 At ang kaaway ng isang tao ay dapat maging miyembro ng kanyang sariling sambahayan. 37 Kung sino sa inyo ay nagmamahal ng labis sa inyong ama o ina higit pa kaysa sa akin ay hindi karapat-dapat sa akin: at siya na labis na nagmamahal sa kanyang anak na lalaki o anak na babae higit pa kaysa sa akin ay hindi karapat-dapat sa akin “

1.4) Luke 2: 48-49: Ang pagdisrespekto ni Jesus sa kanyang mga magulang
48 Nang makita si Jesus ng kanyang magulang, sila ay nagulat, at kanyang ina ay nagsabi, “Anak, bakit mo itinuturing kami sa ganitong paraan, ang iyong ama at ako ay balisang naghahanap sa iyo?” 49 At sumagot si Jesus sa kanila, “Bakit ninyo ako hinahanap? Hindi mo ba alam na ako ay dapat sa bahay ng Aking (tunay na) Ama?”

Kung si Hesus ang tunay na makapangyarihan at maawaing diyos, bakit niya pinahintulutan ang mga karumal-dumal na pagpaslang o pagpatay sa kanyang labindalawang apostoles. 



Kung si Hesukristo ay busilak na mabait na tao, bakit kaya niyang bastusin ang kanyang mga magulang at ibang tao na walang kapandungan. Kung siya ay makapangyarihan at maawain, bakit niya pinayagang mamatay ang kanyang mga disipulo na mamatay ng karumal-dumal.

Sa kabuodan ng ating mga tinalakay, mula noon unang episode hanggang ngayon, pinatunayan natin na ang diyos ay hindi totoo base sa ating mga sumusunod na ebidensiya:

1. Ang Pagkabuo ng bibliya at ang mga laman nito na makikita sa episode #4
2. Ang tunay na simbahan ng diyos at ang mga founders nito na makikita sa episode #5
3. Ang Doktrina ng Katoliko laban sa Judaismo nito na makikita sa #6,7,8
4. Ang mga mali, dagdag, at kasinungalingan sa bibliya nito na makikita sa episode #9
5. Ang pangalang Jesu Kristo ay wala sa bibliya, ang paliwanag ay nasa episode #10.
6. Si jesus ay hindi ang tunay mesiyas, ang paliwanag ay nasa episode 11.
7. Ang kabastusan ni Jesus ay makikita sa episode #12

Sa susunod na episode tatalakayin naman natin ang mga masamang ugali ng diyos, sino ang mas maraming pinatay, diyos ba o si satanas, at kung sino ang lumikha sa diyos?



The Voice of Philippine Atheism.
-----------------------------------------
Tungkol kay Atheista ng Pilipinas:
 
Ang pangalang Atheista ng Pilipinas ay isang simbolong pangalan o pen name ng may akda. Siya ay isang guro, inyehero, at manunulat. Isa siya sa mga sumulat ng libro sa physics na ginagamit ng mga estudyante sa pilipinas. Siya ang nagtatatag ng The Voice of Philippine Atheism (Boses ng Atheismo sa Pilipinas) noong 2000. Siya rin ay sumulat ng ibat ibang libro sa pilosopiya, relihiyon, teknolohiya, at siyensiya na makikita nyo sa amazon.
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Disclaimer: Ang mga artikulo sa The Voice of Philippine Atheism ay inilaan para sa balanseng edukasyon. Dahil ang site na ito ay patuloy na iniedit, inaupdate at pinagbubuti, inirerekumenda ko na bumalik madalas para sa mga bagong item. Kung nais nyong gamitin ang anumang bagay dito para sa layunin ng pantas na talakayan o di kaya sa malalim na pagreresearch, mangyaring ipagbigay-alam sa may-akda sa pamamagitan ng email o banggitin ang site sa format na ito: 
* In-text citation: (Atheista ng Pilipinas, 1975)
* Reference List: Atheista (1975). Bibliya: Ebidensya Bakit Walang Diyos. Philippines.
* Website: Atheista (2000). Bakit Walang Diyos. https://voiceofphilippineatheism.blogspot.com

Tags: The Voice of Philippine Atheism, atheist, pinoy atheist, atheism, pinoy atheismo, Philippine Atheism, Filipino Atheists, Atheista ng Pilipinas

#atheists_of_the_philippines #trendvids #number_one #trend #positive_influencer #exposed #viral #dislike #atheista_ng_pilipinas #voice_of_philippine_atheism #atheism #god #jesus_christ #arguments_against_god 


No comments:

Post a Comment