Paano ba nagsimula ang simbahan? Alin ba ang simbahan ng diyos? Alin ba ang simbahan ng katoliko? Alin ba ang simbahan ng kristiyano? Paano natin malalaman ang tunay na simbahan ng diyos? Ano ano ba ang mga marka ng simbahan ng diyos? Ano ano ba ang simbahan ang tumiwalag sa katoliko? Ang iyo bang simbahan ay isa sa tumiwalag sa katoliko at nagtayo ng kanyang simbahan? Ang iyo bang simbahan ay binasbasan ng diyos sa pamagitan ng papa o pope? Nakarehistro ba ang simbahan mo sa Vatican, kung saan si San Pedro ang unang papa na iniluluk ng diyos? Ang Kristiyano ba at Katoliko ay iisa?
Ang kauna- unahang simbahan at relihiyon ay pinaniniwalaang itinatag ng diyos sa pamamagitan ni Jesus. Subalit ito ay hindi totoo sa kadahilanang may mga naunang ibat ibang simbahan sa ibat ibang parte ng mundo bago ang romano katoliko ay itinatag ng diyos. So hindi na bago ang simbahan noon.
Bago ang panahon ni jesus, may limang major na relihiyon na ang nauna. Ang unang relihiyon ay ang:
Hinduism -- Unknown, 3000 BC, India
Zoroastrianism - Zarathustra, BC Iran ?
Judaism – Abraham, 2085 BC, Middle East*
Buddhism – Sidhartha Gautama – 560 BC, India
Taoism – Lao Tzu – 550 BC, China
Take note na tinatag sila noong BC. Ang ibig sabihin ng BC ay before christ. Dito pinapatunayan na hindi na bago ang relihiyon noon wala pa ang simbahang romano katoliko.
So kailan itinatag ang Katoliko?
Roman Catholic – Constantine, 590 AD, Rome*
Islam – Mohammed - 610 AD, Saudi Arabia*
Orthodox- Michael Cerularius, 1054, Judea
Protestants, Martin Luther, 1517, Germany
Paano nangyari ito?
Pagtuunan natin ang panahon na BC (before christ) at AD (after christ). Ang 1AD ay ang panahon na pinanganak si jesus. Samantala, pinako at namatay si Jesus ng siya ay 33 taon,so 33AD. Ang Romano Katoliko ay itinatag noong 590AD. Ibig sabihin kung ibabawas natin ang 33 sa 590, 557 ang nakaraan bago natatag ang Romano katoliko.
Subalit, si Abraham , ang tinaguriang Ama ng Judaismo, Katoliko, at Islam, ay itinatag ang relihiyong Judaismo ng 2085 BC. Dito makikita natin na may mali sa istorya ng simbahan dahil mula 2085 BC to 590 AD, may 2675 na taon bago tinatag ng diyos ang kanyang simbahan. Bakit ang diyos naghantay ng ganun katagal? Gusto kasi ng diyos ng ganun! Tignan natin kung totoo ito!.
Kung ipagpapatuloy natin ang historiya ng relihiyon, makikita natin ang Islam ay umusbong 610 yrs ng isilang si jesus. Tapos ang katoliko ay nahati sa dalawa, ang dating Romano Katoliko at Eastern Orthodox. Ito ay sa kadahilanan ng kanilang ibat ibang pananaw sa doktrina ng bibliya at politikal. Ang paghihiwalay ng dalawa ay tinagurian na Ang Great Schism ng greek east at latin west.
Si Martin Luther, isang pari ng Romanong Katoliko na laban sa paniniwala ng Katoliko, ay nagtatag ng din kanyang sariling relihiyon at simbahan na kanyang pinangalanan Protestante.
Ang mga protestante at katoliko ay naniniwala na ang simbahan na tinatag ni Jesus ay ang "Catholic Church" at hindi ang "Christian Church". Ng na-uso na itong pag rerebelde ng ibat ibang katolikong relihiyon, ang mga grupo na ito ay tinawag na kristendom o kristiyano, upang ihawalay ang katoliko sa mga kristiyano na ito.
Kaya ng mga unang Hudyo na nag-convert sa kristiyanismo ay tinawag na Jewish Christians at ang mga repormistang Kristiyano ay Protestante. Maliban sa mga pangunahing grupo ng mga Kristiyano, nabuo rin ang iba’t ibang bagong grupo ng mga Kristiyano: ang gnostic christians, pauline christians, orthodox christian, ebionites christians, at ang muslim christians.
Noong panahon na yon, ang mga repormistang grupong na ito ay kinilala bilang “traditors” (isang salitang na may magkasing-kahulugan sa salitang traydor). Sila ang mga Kristiyano na tumalikod sa Katoliko.
Sa paglipas ng maraming panahon, dahil sa ibat ibang interpretasiyon ng bibliya at paniniwala, unti-unti nagsulputan ang iba’t ibang relihiyosong grupo at organisadong relihiyon na di naniniwala sa kaoliko pero naniniwala kay Kristo sa bawat dako ng mundo. Ang mga grupo na ito ay ang mga Kritiyano, na ang ibig sabihin ay tagasunod ni Jesu Kristo.
Ang mga pangunahing kritiyanoing relihiyon sa buong mundo, kasama ang kanilang mga founders, at kung kailan sila itinatag, at saang bansa, ay ang mga sumusunod:
Swiss Reformed - Zwingli, 1523, Switzerland
Anglicanism - Henry VIII, 1534, England
Calvinism - Calvin, 1536, Switzerland
Presbyterians – John Knox, 1560, Scotland
Baptists - John Smith, 1605, Holland
Episcopalians - Seabury, 1620
Quakers – George Fox, 1647
Freemasonry – Albert Pike, 1700, Scotland
Shakers - Ann Lee, 1784
Methodists – John Wesley, 1739, England
Unitarians - Lindsay, 1774
Mormons - Joseph Smith, Jr. 1830, USA
Christian Church - Campbell and Stone, 1832
Seventh Day Adventists – Ellen White, 1860, USA
Jehovah's Witnesses – Charles Russell, 1870, USA
Salvation Army - William Booth, 1865, England
Christian Science - Mary Baker Eddy, 1879, USA
Unity School of Christianity - Fillmore, 1889
Pentecostals – Charles Parham, 1906, USA
Iglesia ni Kristo – Felix Manalo, 1914, Philippines
Church of God – H. W. Armstrong,1934, USA
Unification Church – Sun Myung Moon, 1954, Korea
Scientology – Ron Hubbard, 1955, USA
Church of Satan – Anton LaVey, 1966, USA
Hare Krishna – Swami Prabhupada, 1968, USA
Base sa listahan ng orihinemolohiya ng relihiyon, maliban sa Simbahang Romano Katoliko, ang lahat ng grupo na ito AY HINDI itinalaga ng Diyos. Bakit? Dahil, tanging ang Romano Katolikong Simbahan lamang, sa pamamagitan ni apostol Simon Pedro, ang binigyan ng Diyos ng tanging awtoridad na bumuo ng mga relihiyon, magtayo ng mga simbahan, at mangaral ng Salita ng Diyos (Mateo 16:18). Ang namanang awtoridad na ito ay pinasa pasa sa bawat henerasyon ng katoliko sa pamamagitan ng Obispo ng Roma, ang pinakamataas na pinuno ng Simbahang Romano Katoliko, na sa kasalukuyan ay kinatawan ng PAPA o pope. Kaya tandaan, na ang Romano Katoliko lamang ang binigyan ng diyos ng karapatan ng magtayo ng simbahan.
Mula dito, mapapatunayan natin na ang lahat ng mga organisadong simbahang sa nasabing listahan ay hindi kinilala Diyos at ng Pope na lehitimo. Sila ay mag pekeng simbahan, impostor na mga pastor, at adulteradong na bibliya .
Kaya kabayan, kung ang relihiyon mo ay wala sa listahan, isa lang ang ibig sabihin nito: ang iyong simbahan ay hindi lang peke, ang pastor mo ay hindi lang impostor, lahat kayo ay pawang mga ilehitimo o ilegal sa mata ng diyos.
So, paano natin mapapatunay kung ang simbahan mo ang tunay na simbahan?
1. universal
2. apostoliko
3. iisa
4. banal
Paano naman ang relihiyon ni abraham kung saan nagmula ang 10 kautusan ng diyos, lehitimo ba ang kanyang simbahan? Tatalakayin nating itong paksa sa podcast episode na: Kritiyano vs Judaismo.
-----------------------------------------
# The Voice of Philippine Atheism.--------------------------------------------------------------------------------------------
Ang simbahan ay isang lugar kung saan ang mga naniniwala sa diyos ay nagdadasal, nagpapabaptismo, nagkukumpisal, nagpapakasal, at iba pa. Ito ay isang business organisasiyon na hindi nagbabayad ng tamang taxes sa gobyerno. Ang korporation na ito ay nagtatalaga ng board of direktors, na nagmumunkahi ng kandidato bilang presidente, treasurer, sekretarya, at iba pang posisyon sa kanilang "kumpanya".
Ang simbahan ay may ibat ibang pangalan. Ang mosque ay simbahan ng mga islam. Ang templo o synagog ay simbahan ng mga hudyo (jews).
Ang lahat ng Kristiyano na hindi Katoliko ay gumagamit ng pekeng bibliya, sumasamba sa pekeng simbahan at naniniwala sa mga pekeng pastor o pari.
Lahat na ito ay hindi kasinungalinan !!!!
Kung hindi ka naninawala, tanungin mo ang iyong sarili kung:
1. Ang bibliya mo ba ay may Imprimatur na logo? .... kung wala ... ang bibliya mo ay peke.
Ang tunay na Bibliya ay minarkahan ng simbolo ng Imprimatur na nagpapatunay na ito ay lehitimong banal na kasulatan. Ang King James Version o KJV, ang bibliya ng protestante, ay walang Imprimatur na logo. At ang lahat ng mga bibliya na sumusunod pagkatapos ng Bibliya ng Katoliko ay pawang mga peke at gawa ng demonyo.
2. Ang simbahan mo ba ay universal, apostolic, one and holy? ... kung hindi ... ang iyong simbahan ay peke.
Batay sa bibliya ng unang Katoliko, ang tunay na simbahan ay itinatag ng Diyos sa pamamagitan ni Peter, ang unang Pope, at itinayo sa Vatican. Ang tunay na simbahan ay dapat universal ... na ang ibig sabihin ay sa bawat bansa, sa bawat siyudad, at sa bawat kasuksulukan ng mundo ... may nakatayong simbahan.
Kung ang iyong relihiyon ay walang simbahan sa Asya, Africa, Europa, America, Australia at ang Polinesyan at Micronesian Islands ng Pacific, ito ay nagpapatunay na ang simbahan mo ay isang kulto at gawa ng demonyo.
3. Ngayon tignan naman natin kung impostor ang iyong pastor .... Sino ang awtoridad na nagbigay pahintulot na mangaral siya ng salita ng diyos? ... at ... Sino ang awtoridad na nagbigay pahintulot na mangaral ang iyong simbahan ng salita ng diyos?
Kung ang iyong pastor ay magsabi na ang Diyos ang nagbigay sa kanya ang kapangyarihan upang mangaral ... ang iyong pastor ay delusional ...
kung ang iyong simbahan ay itinatag sa pamamagitan ng iyong pastor na walang anumang awtorisasyon mula sa Vatican ..... ang iyong simbahan ay pekeng simbahan...
at dahil dito ... ang iyong pekeng pastor at pekeng simbahan ay ginagamit lamang ni Satanas para linlangin ang mga tao na naniniwala sa diyos.
# The Voice of Philippine Atheism.
-----------------------------------------
Tungkol kay Atheista ng Pilipinas:
Ang pangalang Atheista ng Pilipinas ay isang simbolong pangalan o pen name ng may akda. Siya ay isang guro, inyehero, at manunulat. Isa siya sa mga sumulat ng libro sa physics na ginagamit ng mga estudyante sa pilipinas. Siya ang nagtatatag ng The Voice of Philippine Atheism (Boses ng Atheismo sa Pilipinas). Siya rin ay sumulat ng ibat ibang libro sa pilosopiya, relihiyon, teknolohiya, at siyensiya na makikita nyo sa amazon.
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Tags: The Voice of Philippine Atheism, atheist, pinoy atheist, atheism, pinoy atheismo, Philippine Atheism, Filipino Atheists, Atheista ng Pilipinas

#atheists_of_the_philippines #trendvids #number_one #trend #positive_influencer #exposed #viral #dislike #atheista_ng_pilipinas #voice_of_philippine_atheism #atheism #god #jesus_christ #arguments_against_god
No comments:
Post a Comment