Wednesday, January 1, 2025

Dilemma ng Bathala

Sa ating episode tungkol sa ontolohikal argumento, sinusubukan nating ipakita na kung ang Diyos ay kayang isipin ng tao, ito ay nagpapahiwatig ng ang diyos ay pwedeng umiirla o magexist sa labas ng ating isp. Ibig sabihin, kung ito ay umiiral sa utak, ang diyos ay nageexist sa realidad din. Pero ayon sa resulta ng ating personal na pageexperimento, kinontra natin ang konsepto o paniniwala na ito dahil ang information ay nagmumula sa Inang Kalikasan muna bago ito pumasok sa ating mga kaisipan .

Sa episode naman na ito paguusapan  natin ang argumento tungkol sa mga katangian ng diyos, sino ang asawa ng diyos, sino ang mga anak ng diyos, paano si El at Yahweh ay naging isa sa pamamagitan ng syncretismo.

Ayon sa Omni Argumento, ang diyos ay may limang pangunahing katangian na naglalahad na siya ay isang perpektong diyos. Ang mga katangian na ito ay ang mga sumusunod: 

  1. Omniscient: (all-knowing). Ang Diyos ay may kabuuang kaalaman sa lahat ng bagay — mula sa nakaraan, kasalukuyan, at hinaharap. Hindi pa siya lumilitaw alam na nya ang lahat.
  2. Omnipotent: (all-powerful). Ang Diyos ay makapangyarihan sa lahat. Ibig sabihin — walang bagay na hindi niya kayang gawin.
  3. Omnipresent: (everywhere). Ang Diyos ay naroroon sa lahat ng dako sa lahat ng oras. Ang Diyos ay nakikita ang lahat ng bagay dahil siya ay nasa lahat ng lugar ng magkakasabay.
  4. Omnibenevolent: (all-good/loving). Ang Diyos ay ganap na mabuti at mapagmahal. Ang Diyos ay ganap na mabait at mapagmahal sa lahat ng kanyang nilikha.
  5. Omniperfect: (all-perfect). Ang diyos ay may perfectong kaalaman, kapangyarihan, kabaitan, at pagmamahal. Siya ay isang perpektong nilalang. Dahil dito wala ng ibang nilalalang na may ganitong katangian kundi ang diyos. Kaya daw ang diyos ay umiiral.
Subalit, ang Dilemma ng Bathala o Argumento ng Pangangailangan [anagkinologikal] na ating nabalangkas ay isang argumento na kumokontra sa omni-argumento o limang katangian ng diyos.

Sa klasikal na pilosopiya, dalawang bagay lagi ang ginagamit na kontra argumento:

1. Kung ang diyos ay alam ang lahat, kaya nya ba gumawa ng isang parisukat na bilog o square circle o di kaya gawin ng tama ang 10 - 7 = 17 at hindi 3. Dahil ang isang square circle ay hindi pwedeng mangyari o 10-7=17, sa isip man o realidad, ibig sabihn ang diyos ay hindi alam ang lahat at di perpekto. 
 
2. Kung ang diyos ay makapangyarihan sa lahat, kaya nya bang gumawa ng malaking bato na hindi nya kayang buhatin. Ibig sabihin nito ay kung kaya niya ito, hindi siya makapangyarihan dahil hindi niya kayang buhatin ang bato. Kung hindi niya kaya, hindi siya makapangyarihan sa lahat dahil hindi niya kayang likhain ang malaking bato.

3. Ngayon, kung ang diyos ay mabait, mabuti at mapagmahal, dapat lahat ng tao ay masaya, lahat ay may sariling masaganang buhay, at walang naghihirap. Kaso bakit hindi nya ginawa ang mga tao na laging masaya, kung ang balak lang niya kaya tayo linikha ay sambahin siya.  Sa halip lumikha siya ng mga tao na nagdudusa, mga kabataan na walang makain, mga tao na walang kamuwang muwang na biktima ng gera at kalamidad, mga kabataan na may mga kapansanan at mga sakit na walang lunas. Bakit niya pinhihiuntulutan na ang iba ay magkaroon ng mga malubhang sakit gaya ng cancer, leukemia, at ibang mga sakit gaya ng covid. Bakit may mga sakuna, gera, at mga kalupitan na dulot ng mga tao. Kung ang diyos ay mabait, dapat walang pagdudusa sa mundo.

4. Kung ang diyos ay nasa lahat ng dako sa lahat ng oras, bakit niya hinahayaan ang mga kababaihan na ma-rape habang pinanonood niya ang mga ito, imbis na ihinto ang mga karumaldumal na mga pangyayari na ito. Bakit niya pinapayagan na ma molestiya ng mga pari ng mga kabataan na minor  sa loob ng kanyang simbahan mismo na pinaniniwalang bahay ng diyos. Bakit nya pinapayagan na magpatayan ang mga sundalo sa giyera at pumatay ng mga walang kamalay malay na mga kabataan, matatanda, kababaihan, at ibang inosenteng tao. Bakit hindi niya kaya ihinto ang mga ito kung siya ay naroon sa lahat ng lugar at makapangyarihan.

5. Kung umiiral ang kasamaan sa mundo, ibig sabihin na ang diyos na ito ay walang pagnanasa na pigilin o ihinto ang mga ito, o di nya kaya ihinto ang mga ito, o di niya alam paano ihinto ito. 

6. Kung alam nya ang mga mangyayari mula sa nakaraan, kasalukuyan, at hinaharap, bakit maraming beses nya pinatay ang mga tao na binuo nya at para bumuo uli ng bagong tao. Kung alam niya ang lahat, ibig sabihin, alam nya kung sino ang pupunta sa langit at sa impiyerno, sino ang papatayin ng isang kriminal, o pagsasamantalahan ng isang pedophile, o ano ang gagawin ni hitler sa sangkatauhan noon. Ano ang layunin bakit nya binuhay ang mga masasamang tao na ito. Hindi ko mainitindihan kung ang layunin ng diyos ay sambahin lang siya, bakit ang pagpatay, sakit, kalamidad ay may kaugnayan sa kanyang pangakong salvasiyon.

7. Kung moral syang diyos, kaya nya bang gumawa ng mga bagay na immoral o masama. Kung hindi nya kayang maging masama, ibig sabihin na hindi siya makapangyarihan.

8. Kung ang diyos ang gumawa ng mga natural laws, kaya nya bang labagin ang mga ito. Kung kaya nya, ibig sabihin ang mga natural laws na ginawa niya ay hindi perfecto. At dahil ito ay hindi mga perpekto, ibig sabihnin hindi rin siya perfecto. Ngayon, kung hindi nya kaya gawin ito, ibig sabihin hindi siya makapangyarihan.

9. Kung ang tao ay ginaya nya sa kanyang imahin o anyo, ibig sabihin ang tao ay isang perpektong linalang na linikha ng diyos.Subalit ito ay hindi totoo, dahil bakit ang tao ay  kailangan pa magdusa para lang sambahin siya.

10. Kung ang diyos ang lumikha ng lahat, linikha nya rin ang kasamaan at si satanas. Kung linikha nya ang kasamaan para bigyan ang tao ng kapangyarihan pumili ng tama o mali at para malaman nya kung sino ang totoong naniniwala sa kanya at hindi, ibig sabihin ang diyos ay hindi perpekto, kunmpleto, makapangyarihan, dahil siya ay may kailangan pa rin sa buhay nya.

11. Kung ang Diyos ay nais na pigilan ang kasamaan ngunit hindi kaya, siya ay hindi makapangyarihan.
Kung kaya niya ngunit hindi nais, siya ay masama.
Kung kaya niya at nais, saan galing ang kasamaan?
Kung hindi kaya at hindi nais, bakit tatawagin siyang Diyos?

12. Kung ang diyos ay makapangyarihan, perpekto, at nasa kanya nya na ang lahat, bakit nya pa kailangan na likhain ang tao at mundo. Dito pinapaki nya na may kulang pa sa kanyang buhay kaya ginawa nya ang tao. 

13. Kung ang diyos ay perpekto, alam ang lahat, at nasa lahat ng lugar, ibig sabihin ang pagdadasal ay walang bisa. Dahil kung alam na nya ang lahat, di mo pa iniisip, alam nya na agad ano ang laman ng iyong dasal. Alam nya na rin kung ano magiging buhay mo, kailan ka mamatay, at kung sa langit o impiyerno ka pupunta. Kung hindi nya alam ang mga ito, ibig sabihin hindi niya alam ang lahat.

14. Kung ang diyos ay alam ang lahat, ibig sabihin alam nya na si adan ay magkakasala dahil kay eba, Kundi niya alam ito hindi siya makapangyarihan. Kung alam niya ito hindi siya perpekto, dahil papatayin nya rin ang mga tao na galing sa lahi ni eba at adam. 

15. Kung ang diyos ay wala ng kailangan sa buhay, ibig sabihin perpekto ang buhay nya. Subalit bakit niya linikha sina eba at adan para lang magkasala, tapos buntisin si maria para maging tao siya bilang si jesus. Tapos papatayin rin niya ang kanyang sarili sa pamamagitan sa pagpako sa krus para linisin itong kasalanan. Tapos mabubuhay uli para lang bumalik bilang diyos at sambahin siya ng tao. 

Kung ang diyos ay wala ng kailangan sa buhay niya, bakit niya pa dapat likhain ang lahat ng bagay? Kung ito ay para ibahagi ang kanyang pagmamahal sa tao, bakit dapat nya pa likhain ang kasamaan, ang sakit, ang kalamidad, kapansanan, at giyera. Bakit nya pa dapat likhain ang bibliya para lang siya makilala? Bakit nya pa linikha ang tao para lang siya sambahin? 

Karamihan sa mga naniniwala ay hindi alam na ang diyos ay may asawa, may anak, at may ibang diyos at diyosa. Isang ebidensiya nito ay galing sa sampung utos ng diyos: " Huwag mong sambahain ang ibang diyos liban sa akin." Ang diyos na ito ay si yahweh.

Si El ay ang pinakamataas at pangunahing diyos at ama ng mga diyos at diyosa ng  lumang tipan at ng mga Canaanite, isang sinaunang kultura na sumasamba sa maraming diyos na nasa lugar ng Levant, na kinabibilangan ng modernong Jordan, Israel, Palestina, Lebanon, at Syria. Ang pangalan na "Israel" mismo ay nagmula sa salitang "El," na nagpapahiwatig na ito ang diyos na sinasamba nila mula mula.
  • Si El ang lumikha ng lahat ng bagay.
  • Si Asherah naman ang asawa ni El. Siya ang ina ng mga diyos at diyosa. Ang kanilang mga anak ay sina:
  • Baal: Diyos ng bagyo, ulan, kidlat, at agrikultura. (Zeus)
  • Anat: Diyosa ng digmaan at pangangaso. (Athena)
  • Astarte: Diyosa ng pag-ibig at pertilidad. (Aphrodite)
  • Mot: Diyos ng kamatayan at impiyerno. (Hades)
  • Yamm: Diyos ng dagat, (Poseidon)
  • Resheph: Diyos ng apoy. (Apollo)
  • Deber: Diyosa ng kalamidad. (Eris)
Sinabi natin na ang relihiyon ng mga Cananeo ay polytheistic, o pagsamba ng maraming diyos kung saan ang bawat isa ay may natatanging mga katangian at responsibilidad kagaya ng panteon ng griyego or romano. Ang tawag sa mga diyos at diyosa na mga ito ay Higher Gods.

So, saan naman galing si Yahweh? 

Si yahweh naman ay isang lesser god. Hindi siya big time na diyos. Si Yahweh ay isang mababang diyos sa panteon ng mga Cananeo, na inuugnay sa lupain ng Israel. Sa paglipas ng panahon, ng sumisibol na ang mga relihiyosong paniniwala ng mga Israelita, ang kanilang polynismo ay naging monoteismo, o ang paniniwala sa isang diyos (1200-586 BC). Dito nagsimulang itaas ng mga Israelita ang katayuan ni Yahweh at kalaunan si Yahweh at si El ay naging magkahalintulad na sa prosesong tinanatawag na syncronismo.

Sa paglipas ng panahon, ang pagsamba kay Yahweh ay naging eksklusibo, at ang pagsamba sa maraming diyos ay binasura noong monarchy period [Saul, David, Solomon]. Dito humantong ang pagkaproklama kay Yahweh bilang diyos na lumikha at ang tanging diyos na karapat-dapat sambahin.  [Exodus 15: Song of the Sea]. Ito ngayon ang diyos na sinasamba ng judaismo, christiyanismo, at islam (allah). Ang israel ang kapanganakan ng Judaismo. 

Ang Pantheon ni Bathala, ang pinakamataas na diyos sa mitolohiya ng Pilipino, ay kinabibilangan ng ilang mahahalagang diyos at diyosa na may iba't ibang papel sa kosmos. Narito ang ilan sa mga pangunahing tauhan:
  1. Amanikable: Ang diyos ng dagat at tagapangalaga ng mga marinero at mangingisda.
  2. Idiyanale: Ang diyosa ng paggawa at mabuting gawa.
  3. Lakampati: Ang androgynous na diyos ng kasaganaan at agrikultura, madalas na tinatawag para sa masaganang ani.
  4. Mayari: Ang diyosa ng buwan, na nauugnay sa digmaan at lakas.
  5. Tala: Ang diyosa ng mga bituin, na gumagabay at nagbibigay liwanag sa gabi.
  6. Apong Sinukuan: Ang diyos ng digmaan at kamatayan, nauugnay din sa araw.
  7. Anagolay: Ang diyosa ng mga nawawalang bagay at asawa ni Dumakulem.
  8. Dumakulem: Ang diyos ng mga bundok at tagapangalaga ng mga kagubatan.
  9. Sitan: Ang diyos ng underworld at tagapagbantay ng mga kaluluwa.
  10. Lakapati: Ang diyos ng kasaganaan at mga taniman.


The Voice of Philippine Atheism.
-----------------------------------------
Tungkol kay Atheista ng Pilipinas:
 
Ang pangalang Atheista ng Pilipinas ay isang simbolong pangalan o pen name ng may akda. Siya ay isang guro, inyehero, at manunulat. Isa siya sa mga sumulat ng libro sa physics na ginagamit ng mga estudyante sa pilipinas. Siya ang nagtatatag ng The Voice of Philippine Atheism (Boses ng Atheismo sa Pilipinas) noong 2000. Siya rin ay sumulat ng ibat ibang libro sa pilosopiya, relihiyon, teknolohiya, at siyensiya na makikita nyo sa amazon.
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Disclaimer: Ang mga artikulo sa The Voice of Philippine Atheism ay inilaan para sa balanseng edukasyon. Dahil ang site na ito ay patuloy na iniedit, inaupdate at pinagbubuti, inirerekumenda ko na bumalik madalas para sa mga bagong item. Kung nais nyong gamitin ang anumang bagay dito para sa layunin ng pantas na talakayan o di kaya sa malalim na pagreresearch, mangyaring ipagbigay-alam sa may-akda sa pamamagitan ng email o banggitin ang site sa format na ito: 
* In-text citation: (Atheista ng Pilipinas, 1975)
* Reference List: Atheista (1975). Bibliya: Ebidensya Laban Sa Diyos. Philippines.
* Website: Atheista (2000). Bakit Walang Diyos. https://voiceofphilippineatheism.blogspot.com

Tags: The Voice of Philippine Atheism, atheist, pinoy atheist, atheism, pinoy atheismo, Philippine Atheism, Filipino Atheists, Atheista ng Pilipinas



#atheists_of_the_philippines #trendvids #number_one #trend #positive_influencer #exposed #viral #dislike #atheista_ng_pilipinas #voice_of_philippine_atheism #atheism #god #jesus_christ #arguments_against_god 

----------------

Ang Argumento ng Nesesidad o Theianankosophical Argument ay nagpapahayag ng ideya na kung ang Diyos ay may mga pangangailangan, ito ay nagpapahiwatig na siya ay may limitasyon at hindi perpekto. Ito ay humahamon sa tradisyonal na pananaw ng Diyos bilang isang makapangyarihan sa lahat, may alam sa lahat, kumpleto, perpekto at walang pangangailangan.

Ang argumentong ito ay nagmumungkahi na ang isang tunay na makapangyarihan at perpektong nilalang ay hindi mangangailangan ng kahit ano, dahil ang mga pagnanasa, pangangailangan, o pangangailangan ay nagpapahiwatig ng isang depende o kakulangan. Samakatuwid, kung ang Diyos ay may mga pangangailangan o pangangailangan, lohikal na masasabi na ang Diyos ay hindi perpekto at makapangyarihan sa lahat.

Ang Argumentong Theianankosophical ay isang term na pinagsama ang mga salitang Griyego para sa "divine" (Theía) at "necessity" (anankaiótita) na may "sophy" (karunungan).

Sa linyang ito ng pangangatwiran, ang pagkakaroon ng mga pangangailangan o pangangailangan ay nagpapahiwatig na may mga aspeto ng pag-iral o realidad na kailangang hanapin o tuparin ng Diyos, na salungat sa ideya ng isang omnipotent, omniscient, at kumpletong diyos na walang mga pangangailangan.

- **Pakikisama**: Isang pangangailangan para sa mga relasyon, pakikipag-ugnayan, at pakikisalamuha sa mga nilikha, tulad ng mga tao, mga anghel, o iba pang mga banal na nilalang. Genesis 3:8.

- **Pagsamba**: Isang pagnanais para sa paggalang, papuri, at pagkilala mula sa paglikha, madalas na makikita sa mga relihiyosong gawain at ritwal. Juan 4:23-24.

- **Kaayusan**: Isang pangangailangan para mapanatili ang kaayusan, balanse, at katarungan sa uniberso, na maaaring mangailangan ng interbensyon at gabay. Isaias 9:7.

- **Paglikha**: Isang pangangailangan na lumikha at panatilihin ang buhay, ang kosmos, at iba pang mga nilalang, na hinihimok ng isang malikhaing pagsabog. Genesis 1:1.

- **Moral na Kabutihan**: Isang dedikasyon na itaguyod at panatilihin ang moral na kabutihan, katuwiran, at etikal na pag-uugali sa mga nilikha. Mikas 6:8.

Ang mga talatang ito ay nagpapakita ng mga bagay na hinahanap o hinahangad ng Diyos mula sa Kanyang mga nilikha.


*** kung tayo ay in the image of god and god is a male, ibig sabihin may bayag din siya. Ibig sabihin  tinuli din siya. 

god has a wife. he is not alone. there is a patheon of gods, 

one theory of everything ... causal theory ... why humans follow the emergent theory from cells to human body and not just exist without process just like god. 























No comments:

Post a Comment