Saturday, November 30, 2024

Argumento ng Sampung Utos

Sa episode na ito, paguusapan natin ang orihinal na utos ng diyos na binigay kay Moses na makikita lamang sa Lumang tipan ay nabago kung saan ang (1) pangalawang utos ay tinanggal at ang ikasampung utos ay hinati. (2) Dito makikita din natin na may ibang diyos na tinutukoy sa sampung utos. (3) Ang araw ng pagsamba ay nabago rin (4) Ang Prokinesis o ang ritual sa pagsamba sa pamamagitan ng paghalik, pagluhod, o pagyuko kay Jesus at ibang imahen sa altar ay isang maling gawain na kinopya sa paganismo na kumokontra sa utos ng diyos. (5) Ang pagmumura, kalapastanganan, pagsusumpa ay laban sa utos ng diyos. (6) at pagbibigay ng pera sa simbahan sa pangalan ng diyos ay isang malaking kasalanan na kumokontra sa utos ng diyos.

Ang Argumento ng Dekaentolaikal, na kilala rin bilang Ten Commandments Argument, ay isang pilosopikal na argumento na orihinal na gawa ng atheista ng pilipinas na tumutukoy sa mga pagbabago sa Sampung Utos at ang paglabag ng diyos sa kanyang mga batas.mento na tumutukoy sa mga pagdadagdag, pagbabawas, o pagbabago sa Sampung Utos ng diyos. Sabi sa bibliya, kung ang "ebanghelyo" ay binago, inaayos, binawasan, o dinagdagan, ng sinuman sa anumang kadahilanan, hindi na ito ang tunay na ebanghelyo. Hindi na ito ang katotohanan. At ang mga tao na gumagamit ng maling ebanghelyo y mamalasin habang buhay, lalamunin ng apoy ng impiyerno,, at susumpain ng diyos habang buhay (galatian 1:8-9).

Ang salitang Griyego para sa "Sampung Utos" ay Δέκα Εντολές (Dekalogos Entolai). Ang parirala na ito ay pinagsama ang δέκα (deka), na nangangahulugang "sampu," at ἐντολές (entolai), na nangangahulugang "mga utos." 

Ang argumento ay linalahad ng ganito:

  • 1. Kung ang sampung utos ay mga moral na batas na galing sa diyos.
  • 2. Subalit, ang diyos mismo ang lumalabag nito na isang kasalanan
  • 3. Samakatuwid, ang Diyos ay walang moralidad
  • 4. At dahil dito, siya ay isang makasalanan na linalang din."

Judaismo:

- Sa Hudaismo, ang Sampung Utos ay sentral sa Torah at matatagpuan sa parehong Exodus 20 at Deuteronomio 5. Ang orihinal na utos ng diyos na binigay kay moses:

  •   1. Ako ang PANGINOON mong Diyos.
  •   2. Huwag kang magkakaroon ng ibang diyos liban sa akin. [sinama sa una, may ibang diyos]
  •   3. Huwag mong babanggitin ang pangalan ng PANGINOON sa walang kabuluhan. [abuloy]
  •   4. Alalahanin mo ang araw ng Sabbath, upang gawing banal ito. [Dito ang araw ng sabado ay nabago sa pamamagitan ni Constantino na gawin ang Linggo na araw ng pahinga]. 
  •   5. Igalang mo ang iyong ama at ina [ito ay naging number 4 sa New Testament].
  •   6. Huwag kang papatay.
  •   7. Huwag kang mangangalunya.
  •   8. Huwag kang magnanakaw.
  •   9. Huwag kang sasaksi ng kasinungalingan laban sa iyong kapwa.
  •   10. Huwag kang magnanasa sa asawa at pag-aari ng iba. [hinati sa dalawa].

Katolismo:

- Ang Simbahang Katoliko ay may mataas na pagpapahalaga sa Sampung Utos, at nakalista ang mga ito sa Catechism of the Catholic Church. Gayunpaman, bahagyang iba ang pagkakaayos:

  •   1. Ako ang PANGINOON mong Diyos. Huwag kang magkakaroon ng ibang diyos liban sa akin.
  •   2. Huwag mong babanggitin ang pangalan ng PANGINOON sa walang kabuluhan.
  •   3. Alalahanin mo ang araw ng Sabbath, upang gawing banal ito.
  •   4. Igalang mo ang iyong ama at ina.
  •   5. Huwag kang papatay.
  •   6. Huwag kang mangangalunya.
  •   7. Huwag kang magnanakaw.
  •   8. Huwag kang sasaksi ng kasinungalingan laban sa iyong kapwa.
  •   9. Huwag kang magnanasa sa asawa ng iyong kapwa.
  •   10. Huwag kang magnanasa sa pag-aari ng iyong kapwa.

Protestante:

- Karamihan sa mga denominasyong Protestante ay sumusunod sa isang pagkakahati na katulad sa tradisyon ng Hudyo ngunit may bahagyang pagbabago sa mga salita:

  •   1. Huwag kang magkakaroon ng ibang diyos liban sa akin..
  •   2. Huwag kang gagawa para sa iyong sarili ng inukit na larawan [idolatry].
  •   3. Huwag mong babanggitin ang pangalan ng PANGINOON mong Diyos sa walang kabuluhan.
  •   4. Alalahanin mo ang araw ng Sabbath, upang gawing banal ito.
  •   5. Igalang mo ang iyong ama at ina.
  •   6. Huwag kang papatay.
  •   7. Huwag kang mangangalunya.
  •   8. Huwag kang magnanakaw.
  •   9. Huwag kang sasaksi ng kasinungalingan laban sa iyong kapwa.
  •   10. Huwag kang magnanasa.

Paliwanag:

(1) *Pangalawang Utos tungkol sa Idolatrya: Sa ilang tradisyon ng Kristiyanismo, lalo na sa Simbahang Katoliko, ang mga utos ay pinaggrupo at binilang nang bahagya na iba kumpara sa tradisyon ng Hudyo at Protestante. Ang utos laban sa paggawa ng mga inukit na larawan at idolatrya ay pinagsama sa unang utos tungkol sa pagkakaroon ng ibang diyos. Maaaring magbigay ito ng impresyon na ang pangalawang utos ay tinanggal, ngunit sa katunayan, nandun pa rin ang nilalaman, pinaggrupo lang nang iba.

  *Paghahati ng mga Utos tungkol sa Pagkagusto: Upang mapanatili ang bilang ng sampung utos, ang utos tungkol sa pagkagusto ay madalas na hinahati sa dalawang magkahiwalay na utos sa mga tradisyong ito:

    - Huwag kang magnanasa sa asawa ng iyong kapwa.

    - Huwag kang magnanasa sa pag-aari ng iyong kapwa.

(4) Ang utos laban sa paggawa ng mga inukit na larawan ay naging punto ng pagtatalo, lalo na sa panahon ng iconoclasm kung saan pinag-usapan ang paggamit ng mga relihiyosong imahe.

(5) Mga sumpa ng diyos:

  • 1. **Adan at Eba**:  isinumpa ng diyos sina Adan at Eba na magkaroon ng iba't ibang paghihirap, gaya ang hirap sa panganganak, matapos nila suwayin ang utos ng Diyos sa pagkain ng ipinagbabawal na bunga, (Genesis 3:16-19).
  • 4. **Ang Ahas**: Ang ahas na nagtukso kay Eba ay isinumpa ng diyos na gumapang sa kanyang tiyan at kumain ng alikabok (Genesis 3:14).
  • Ang Sumpa sa Lupa: Matapos ang kasalanan nina Adan at Eba, isinumpa ng Diyos ang lupa na maglalabas ng mga tinik at mga dawag, na magpapahirap sa pagsasaka (Genesis 3:17-18).
  • Ang Sumpa kay Cain: Matapos patayin ni Cain ang kanyang kapatid na si Abel, isinumpa siya ng Diyos na maging isang palaboy sa lupa (Genesis 4:11-12).
  • 10. **Ang Puno ng Igos (Fig Tree): Isinumpa ni Jesus ang puno ng igos dahil hindi ito namunga, at ito ay natuyo (Marcos 11:12-14, 20-21).

(6) Mga talata sa Bibliya na nagdidiin sa hindi pagbabago sa salita ng Diyos:

  • 1. Deuteronomio 4:2:  > "Huwag ninyong daragdagan o babawasan ang mga utos na ibinibigay ko sa inyo. Sundin ninyong mabuti ang mga utos ng PANGINOON ninyong Diyos na ibinibigay ko sa inyo."
  • 2. Deuteronomio 12:32: > "Sundin ninyong mabuti ang lahat ng iniuutos ko sa inyo. Huwag ninyong daragdagan o bawasan."
  • 3. Kawikaan 30:5-6 : > "Ang bawat salita ng Diyos ay walang kapintasan; siya ang kalasag ng mga taong kumakanlong sa kanya. Huwag mong daragdagan ang kanyang mga salita, baka siya'y iyong suwayin at mapatunayang ikaw ay sinungaling."
  • 4. Pahayag 22:18-19 : > "Nagbabala ako sa bawat nakakarinig ng mga salita ng hula sa aklat na ito: Ang sinumang magdagdag sa mga ito, idadagdag ng Diyos sa kanya ang mga salot na nakasulat sa aklat na ito. At kung ang sinuman ay mag-alis ng anuman sa mga salita ng aklat ng hula na ito, aalisin ng Diyos ang kanyang bahagi sa punong kahoy ng buhay at sa banal na lungsod, na nakasulat sa aklat na ito."
  • 5. Galacia 1:8-9 :  > "Ngunit kahit kami o isang anghel mula sa langit ang mangaral sa inyo ng ebanghelyo na iba sa aming ipinangaral sa inyo, siya'y isumpa ng Diyos! Inuulit ko, kung ang sinuman ay mangaral sa inyo ng ebanghelyo na iba sa inyong tinanggap, siya'y isumpa ng Diyos!"

Ang mga talatang ito ay nagbibigay-diin sa kahalagahan ng pagpapanatili ng integridad ng salita ng Diyos ayon sa ipinakita sa mga kasulatan.

(7) Galatians 1:8-9 (NIV)

  • "Ngunit kahit kami o isang anghel mula sa langit ay mangaral sa inyo ng ebanghelyo na iba sa ipinangaral namin sa inyo, siya'y mapasa ilalim ng sumpa ng Diyos! Inuulit ko, kung sinuman ang nangangaral sa inyo ng ibang ebanghelyo kaysa sa tinanggap ninyo, siya'y mapasa ilalim ng sumpa ng Diyos!"
Dito sa episode na ito, pinatunayan natin na ang sampung utos ng diyos kung saan ito ay binago, inaayos, binawasan, o dinagdagan, ng sinuman sa anumang kadahilanan ay hindi na ang tunay na ebanghelyo. Hindi na ito ang katotohanan. Dahil dito sabi sa bibliya na ang mga nagnangaral sa inyo ng ebanghelyo na iba sa ipinangaral ng diyos, siya'y mapapasa ilalim sa sumpa ng Diyos! Inuulit ko, kung sinuman ang nangangaral sa inyo ng ibang ebanghelyo kaysa sa tbinigay ng diyos, siya'y mapasa ilalim ng sumpa ng Diyos!"(galatian 1:8-9).
  
Sa susunod naman na episode paguusap naman natin ang argumento ng diyos, kung saan tatanungin natin kung totoo ba na ang diyos ay makapangyarihan sa lahat, alam ang lahat, mabait sa lahat, perpekto sa lahat, at nasa lahat ng dako o lugar. Kung mapapatunayan natin na ito ay hindi totoo, ibig sabihin ang diyos ay hindi rin totoo.



The Voice of Philippine Atheism.
-----------------------------------------
Tungkol kay Atheista ng Pilipinas:
 
Ang pangalang Atheista ng Pilipinas ay isang simbolong pangalan o pen name ng may akda. Siya ay isang guro, inyehero, at manunulat. Isa siya sa mga sumulat ng libro sa physics na ginagamit ng mga estudyante sa pilipinas. Siya ang nagtatatag ng The Voice of Philippine Atheism (Boses ng Atheismo sa Pilipinas) noong 2000. Siya rin ay sumulat ng ibat ibang libro sa pilosopiya, relihiyon, teknolohiya, at siyensiya na makikita nyo sa amazon.
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Disclaimer: Ang mga artikulo sa The Voice of Philippine Atheism ay inilaan para sa balanseng edukasyon. Dahil ang site na ito ay patuloy na iniedit, inaupdate at pinagbubuti, inirerekumenda ko na bumalik madalas para sa mga bagong item. Kung nais nyong gamitin ang anumang bagay dito para sa layunin ng pantas na talakayan o di kaya sa malalim na pagreresearch, mangyaring ipagbigay-alam sa may-akda sa pamamagitan ng email o banggitin ang site sa format na ito: 
* In-text citation: (Atheista ng Pilipinas, 1975)
* Reference List: Atheista (1975). Bibliya: Ebidensya Laban Sa Diyos. Philippines.
* Website: Atheista (2000). Bakit Walang Diyos. https://voiceofphilippineatheism.blogspot.com

Tags: The Voice of Philippine Atheism, atheist, pinoy atheist, atheism, pinoy atheismo, Philippine Atheism, Filipino Atheists, Atheista ng Pilipinas



#atheists_of_the_philippines #trendvids #number_one #trend #positive_influencer #exposed #viral #dislike #atheista_ng_pilipinas #voice_of_philippine_atheism #atheism #god #jesus_christ #arguments_against_god 











No comments:

Post a Comment