Saturday, September 28, 2024

Doktrina ng Judaismo vs Katolismo

Sa huling episode, tinalakay natin na si Abraham ay ang ama ng judaismo, katoliko, at islam. Ang judaismo ang unang relihiyon ng diyos na si yahweh, kinopya ito ng katoliko, at ginaya naman ng islam. Pinagusapan din natin nakaraan bakit ang katoliko at kristiyano ay magkaiba, bakit ang bibliya ng katoliko ay ang tunay na libro ng diyos na binasbasan ng pope ng roma base sa bagong tipan at bakit ng mga Kristiyano ay ang mga organisadong relihiyon na tumiwalag o di naniniwala sa doktrina ng katoliko.

Ngayon, para maging patas naman ako sa mga taong naniniwala sa diyos at sa mga taong di naniniwala sa diyos, ibabahagi ko sa inyo ang mga ibedensiya na magpapatunay na ang baging tipan ay gawa gawa lamang ng katoliko, kinopya ito ng mga kristiyano, at hindi mula sa diyos. Ito ay base sa mga doktrina ng Judaismo.

1. *sa Judaismo, naniniwala sila na ang utos ng diyos sa kanila ay gumawa ng mabuti sa sarili at sa kapwa tao - maging mabait sa lahat ng oras. yun lang.
~sa katoliko naman, naniniwala sila na ang utos ng diyos sa kanila -ay mahalin siya at wala ng ibang diyos.

***ito ay nakasaad sa mark 12:30-31 "love the lord your god and worship only him" ... tipong may pagkamasarili o selfish ang diyos na ito

2. *Judaismo ay Naniniwala sa pagkakaroon ng isang Diyos na hindi mo mako-conceived, described,  pictured, or anthropomorphized, or qualified in terms of gender.
~sa katoliko naman  ang kanilang Diyos ay kayang  ilalarawan na isang diyos na makikita mo kahit saang dako (omnipresent), makapangyarihan sa lahat ng bagay(omnipotent), alam ang lahat na ginagawa o gagawin  ng isang tao (omniscient), at ito ay lalaki na puti at may blue eyes.
* Pero sa John 1 sinasabi na " no one has ever seen god"!

3. ang Judaismo ay Hindi naniniwala kay Jesus Christ. Si jesus ay never naging parte ng jew-wish theology.
- ang katoliko ay na niniwala kay Jesus Christ. Sila ang nagdadag ng pangalang jesus sa bibliya

4. *Judaismo ay Naniniwala na mahal na mahal ng Diyos ang mundo, kaya ibinigay niya ang "Ang Salita" (at hindi si Jesus o kahit ang bagong tipan) sa tao.
~Ang katoliko ay Naniniwala na mahal ng Diyos ang mundo, kaya "ibinigay niya ang kanyang bugtong na anak".

5. *Ang judaismo ay sumasamba sa iisang Diyos at tanging Diyos lamang,
~Ang katoliko ay abala, hindi lang sa kanilang diyos, kundi pati rin sa mga dogma ng bibliya , politika sa simbahan nila, at iba pa.

6. Kapag tinanong mo ang Hudyo, kung sino sila, sasabihin lang nilang sila ang mga taong sumusunod sa pananampalataya ng Judaismo at naniniwala sa iisang Diyos lang
~Kapag tinanong mo ang catoliko kung sino sila....sasabihin nilang sila ay naniniwala sa diyos, naniniwala kay Kristo, sumusunod sa mga aral ng Banal na Bibliya, naniniwala sa tatlong Diyos, ang Ama, Ang Anak, at ang Espiritu Santo. kay mother teresa, kay san pedro, sa mga angel, kay satanas, si buddha, at kay san lorenzo ruiz.

Sa huling episode, tinalakay natin na si Abraham ay ang ama ng judaismo, katolismo, at islam. Ang judaismo ay itinatag ni Abraham. Ang katolismo ay itinatag ni Napoleon the great ng roma at hindi ni kristo. Ang judaismo ay sumasamba lamang sa iisang diyos at di naniniwala kay kristo. Ang katoliko naman ay sumasamba sa maraming diyos at kay jesus. Sa judaismo, mabait ka lang ok na kahit di mo sambahin ang diyos. Sa katoliko, kahit maraming beses ka maging salbahe  basta magsisisi ka lang sa huli at isuko mo ang yong sarili sa diyos ok na yun, patatawarin ka ng diyos. 

Ngayon, itutuloy natin ang part 2 ng ating usapin tungkol sa doktrina ng Katoliko vs Judaismo.

7. *Ang Hudaismo ay naniniwala sa pagdating ng messiah na isang ordinaryong tao. gaya mo o ako, hindi ito banal
~Sa  Kristiyanismo angMesiyas. ang messiah ay banal.  Ito ay si Jesus.

Ang salitang mesiyas ay mula sa katumbas na Hebreo na anointed ( pinahiran). Itong pagpapahid ay bibibigay lang sa mga monarchs o mga sinaunang mesiyas. 

Sa Hudaismo, ang Mesiyas ay kumakatawan sa isang tao na may mga espesyal na talento o may kalooban ng kabutihan ng Diyos. Ang mesiyas ay inilalarawan din bilang isang taong tumutulong sa ibang tao, nagboluntaryo, at gumagawa ng mabubuting gawa. Anuman ang mga personalidad ng mesiyas, isang bagaylang  ang tiyak - siya ay isang tao, hindi banal. 

Sa  Kristiyanismo naman, ang mesiyas ay isang banal na tao, na magmumula sa langit, naging tao sa lupa sa anyo ni Jesu-Kristo.

8. *Ang Hudaismo ay laging nagaalala sa ikabubuti ng mundo at sa susunod nitong mga henerasyon.
~Ang Kristiyanismo ay laging nagaalala ng gantimpala mula sa diyos, gaya ng pagpunta sa langit kung sila ay mabuti o sa impiyerno kung sila ay masama.

Ang kristiyano ay naniniwala na kung magbigay ka ng malaking abuloy sa simbahan pupunta ka sa langit. Kaya maramimg tayong mga fundamentalist christians na humihingi ng abuloy sa mga bus at kalye dahil akala nila na kung marami silang malilikom na limos,  papaboran sila ng diyos at pupunta sila sa langit.

9. *Ang Kristiyanismo ay naniniwala sa kaligtasan o salvation . Nangangahulugan, ang mga Kristiyano ay maliligtas mula sa kanilang mga kasalanan sa pagdating ni Hesus sa lupa. akala ko dumating na siya.

~ang Hudaismo Walang ganoong paniniwala . Hindi sila naniniwala sa kaligtasan o rebelasyon. Naniniwala sila sa pagtubos o redemption. Naniniwala sila na patatwarin sila ng Diyos at ng kanilang mga kasalanan kung babalik lang sila sa Diyos nang may taimtim na paghingi ng tawad. ganun lang.

10 *Ang judaismo ay hindi naniniwala sa langit at impiyerno.
~ ang Kristiyanismo ay naniniwala sa langit at impiyerno. Kaya pa nilang ilarawan ang pisikal na langit at impiyerno.

11. *Ang judaismo ay naniniwala na si Satanas ay isang simbolo lamang ng kasamaan at iyon lang.
~ang Kristiyanismo ay naniniwala na si Satanas ay "pisikal" na tao tulad ng Diyos.

Ang Judaismo ay hindi naniniwala  na si Satanas ay may kapangyarihan sa tao, dahil ang lahat ng bagay ay nasa ilalim ng kontrol ng Diyos at wala ng iba. Tanging ang kapangyarihan ng Diyos lamang ang umiiral at wala nang iba pa. 

12. Kung ang Bagong Tipan ay hindi idinagdag sa Lumang Tipan, ang ideya ng kasalanan ay hindi iiral.  ang Judaismo ay naniniwala na ang tao ay maaaring maging mabuti o masama. Pero, hindi sila naniniwala na ang tao ay makasalanan. Naniniwala sila na kung ang isang tao ay gumawa ng masama laban sa ibang tao, siya ay pinatawad ng Diyos kung siya ay pinatawad ng mga taong nagkasala. Kung gagawa siya ng masasamang bagay laban sa Diyos, tulad ng paniniwala kay Jesu-Kristo o sa iba pang mga diyos, pinatatawad siya ng Diyos sa pamamagitan lamang ng pagbabalik sa diyos nang may tapat na budhi at taimtim na paniniwala. 

Tandaan, ang lumang tipan ay idinagdag lamang sa bagong tipan upang makumpleto ang kwenta ng pagdating ng messiah na pinangalang Jesus. Si jesus ay di kinikilala ng judaismo na iang messiah.

13. * Ang Judaismo ay hindi naniniwala sa konsepto ng Diyos na nagkatawang tao at ang pagkilala sa Bagong Tipan ng Kristiyano.
~ ang Kristiyanismo ay kinikila ang Bibliyang Hebreo (tinatawag na Lumang Tipan ng mga Kristiyano) bilang bahagi ng kanilang banal na kasulatan.

14. Si Jesu-Kristo ay tinuli bilang isang Hudyo noong ika-8 araw pagkatapos ng kanyang kapanganakan. Hanggang 1960 ay ipinagdiwang ng simbahang Katoliko ang araw bilang Araw ng Pagtutuli. Noong panahon ng medieval, ang holy foreskin ay sinasamba ng maraming simbahan sa Europa.

Sa mga huling episode, tinalakay natin na si Abraham ay ang ama ng judaismo, katolismo, at islam. Ang judaismo ay itinatag ni Abraham. Ang judaismo ay sumasamba lamang sa iisang diyos at di naniniwala kay kristo. Sa judaismo, mabait ka lang ok na kahit di mo sambahin ang diyos. Sa judaismo ang messsiah ay isang ordinaryong tao at hindi banal. Ang Judaismo ay laging nagiisip paano maging mapaya ang tao at mundo. Ang judaismo ay hinid naniniwala sa salvasyon, langit, impiyerno, at satanas. Sa judaismo, ang mukha ng diyos ay hindi maarok, ma ihahambing, ma isasalarawan, o makikita.

Ang katolismo ay itinatag ni Napoleon the great ng roma at hindi ni kristo. Ang katoliko ay sumasamba sa maraming diyos kagaya ng diyos ama, diyos anak at diyos espirito. Sa katoliko, kahit paulit ulit ka magkasal ok lang ito basta pagkatapos ng kasmaan mo, magsisisi ka lang sa pari, ok na yun, patatawarin ka ng diyos. Sa katolismo ang messsiah ay isang taong banal sa katauhan ni Jesus. Ang kaoliko ay laging nagiisip paano mabigyan nga malaking favor para lang makapunta sa langit. Ang judaismo ay naniniwala sa salbasyon o rupture, sa langit, impiyerno, at satanas. Sa kaoliko, ang mukha ng diyos ay maarok, ma ihahambing, ma isasalarawan, o makikita.

Ngayon, itutuloy natin ang ikatlong yugto ng ating usapin tungkol sa ideolohiya ng Katoliko vs Judaismo.

13. *Ang Hudaismo ay naglalaan ng malaking oras sa paggawa ng mabubuting bagay. Para sa kanila ito ay espirituwalidad.
~Ang Kristiyanismo ay naglalaan ng malaking oras sa pagkolekta ng mga donasyon at pag-akit ng mga magiging bagong miyembro ng kanilang simbahan. Para sa kanila ito ay pangkawangawa na may maitim na kapalit: para pagpalain sila ng diyos. Kaya mahilig sila mag abuloy ng pera sa simbahan para tumbasan ito ng diyos na maging maginhawa ang kanilang pamilya o buhay.

14.*Naniniwala ang Hudaismo sa "mga gawa" (works).
~Naniniwala ang mga Christiano sa "mga himala" (miracles).

15. *Ang pinakamataas na halaga ng Hudaismo ay Buhay. Kapag nag-salo salo ang mga Hudyo, itinataas nila ang kanilang mga baso at sinasabing "To Life" (para sa masaganang buhay).
~sa Kristiyanismo naman, ang mahalaga sa kanila ay ang kabilang buhay sa langit dahil ito ay ipinangako ni Hesus sa kanila. Kapag nag-toast ang mga Kristiyano, itinataas nila ang kanilang mga kamay at sumisigaw ng "Purihin ang Panginoong Hesus, Amen".

16. *Ang mga anak ng Judaismo ay hinimok na lumaki sa "mabubuting gawa".
~Ang Kristiyanismo ay nagbigay-diin sa Pananampalataya sa diyos, hindi sa gawa.

17. *Naniniwala ang Hudaismo na ang isang tahanan na walang mga kabataan ay isang tahanan na walang mga pagpapala. Ang kabanalan ng kasal ay wala sa pagpaparami. Ito ang simpleng pagbuklod na nag-uugnay sa dalawang tao at sa kanilang mga anak.
~Naniniwala ang Kristiyanismo na may karapatan ang mga bata na iwan ang kanilang ama at ina.

Ang mga Hudyo ay higit na nagsasalita tungkol sa kanilang saloobin kaysa sa tungkol sa kasulatan.

Isa sa mga kasabihan ng judiaismo ay nagtututron na : "Ang pagtuturo ng bibliya ay hindi mahalaga; ang pag gawa ng mabuti ay ang pinakamahalaga".

Dito nagpapatunay lang na ang mga doktrina ng katoliko ay napakalyo sa ideolohiya ng Judaismo. Ang judaismo kung saan ilang beses nagpakita ang diyos kay abraham at nagbigay ng utos kay Moses,  ay isang konkretong ibidensiya na nagpapatunay na ang orihinal na simbahan ng diyos ay ang judaismo. 

Kung ang Judaismo ang tunay na relihiyon ng diyos, ang katoliko kaya ang tunay na relihiyon ni satanas?

15 Sabi sa Mateo 7:15-20, Mag-ingat kayo sa mga bulaang propeta, na lumalapit sa inyo na nakadamit  na tupa, ngunit sa loob-loob ay mga lobong manunukob. 16 Sa kanilang mga bunga, makikilala mo sila. 17 ang bawat mabuting puno ay nagbubunga ng mabuti, at ang masamang puno ay nagbubunga ng masama."

Ang mga katagang ito ay may dobleng nakatagong kahulugan. Maaaring ang Diyos o si Satanas ang tinutukoy dito bilang "tupa na nakasuot ng lobo".  Hindi kaya ang judaismo ay ang tunay na gawa ng diyos at ang katoliko ay gawa ni satanas. Hindi kaya ang lumang tipan ay gawa ng diyos at ang bagong tipan ay gawa ng demonyo. Hindi kaya si jesus ang anti-kristo. Hindi kaya ang Simbahang Katolikong Romano ang tinutukoy ng bibliya na ang tupa na nakadamit na isang lobo.

Paano kung si Satanas pala ang sadyang nagdisenyo ng bibliya at ginamit ang pangalan ng Diyos bilang siya para akitin ka, paano mo malalaman ito? Paano mo ito mapapatunayan? Nagawa mo bang basahin ang bibliya at imbestigahan ang mga negatibong bahagi nito? Pinagaral mo ba ang historya ng bibliya, ng diyos, ng mga simbahan, ang mga ibat ibat panahon mula kina Adan, abraham, moses, jesus, at mohamed? Paano kung ang bibliya ay gawa pala ng diablo, paano ka na?

Ang mga katanungan na ito ay ating sasagutin sa mga susunod nating mga episodes.


The Voice of Philippine Atheism.
-----------------------------------------
Tungkol kay Atheista ng Pilipinas:
 
Ang pangalang Atheista ng Pilipinas ay isang simbolong pangalan o pen name ng may akda. Siya ay isang guro, inyehero, at manunulat. Isa siya sa mga sumulat ng libro sa physics na ginagamit ng mga estudyante sa pilipinas. Siya ang nagtatatag ng The Voice of Philippine Atheism (Boses ng Atheismo sa Pilipinas) noong 2000. Siya rin ay sumulat ng ibat ibang libro sa pilosopiya, relihiyon, teknolohiya, at siyensiya na makikita nyo sa amazon.
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Disclaimer: Ang mga artikulo sa The Voice of Philippine Atheism ay inilaan para sa balanseng edukasyon. Dahil ang site na ito ay patuloy na iniedit, inaupdate at pinagbubuti, inirerekumenda ko na bumalik madalas para sa mga bagong item. Kung nais nyong gamitin ang anumang bagay dito para sa layunin ng pantas na talakayan o di kaya sa malalim na pagreresearch, mangyaring ipagbigay-alam sa may-akda sa pamamagitan ng email o banggitin ang site sa format na ito: 
* In-text citation: (Atheista ng Pilipinas, 1975)
* Reference List: Atheista (1975). Bibliya: Ebidensya Bakit Walang Diyos. Philippines.
* Website: Atheista (2000). Bakit Walang Diyos. https://voiceofphilippineatheism.blogspot.com

Tags: The Voice of Philippine Atheism, atheist, pinoy atheist, atheism, pinoy atheismo, Philippine Atheism, Filipino Atheists, Atheista ng Pilipinas



#atheists_of_the_philippines #trendvids #number_one #trend #positive_influencer #exposed #viral #dislike #atheista_ng_pilipinas #voice_of_philippine_atheism #atheism #god #jesus_christ #arguments_against_god 

No comments:

Post a Comment