Thursday, November 21, 2024

Argumento ng Disenyo

Sa episode na ito, paguusapan natin ang argumento ng disenyo o fine tuning kung saan sinasabi na ang kalikasan, kalawakan, at sanlibutan ay maayos na linikha  para magkaraon ng buhay ang mundo. Dahil sa ideya na ito ng kaayusan, may isang matalinong lumikha ng mga nto. At ang lumikha nito ay ang diyos.

Ang Argumento ng Disenyo, na kilala rin bilang ang Teleolohikal Argument, ay isang pilosopikal na argumento na nagsasaad na kung walang diyos bakit ang sanlibutan ay may perpektong kaayusan, komplikadong disenyo, at sumusuporta ng buhay. 

Halimbawa nito ay ang masalimuot na komplikado disenyo sa paglikha gaya ng mata ng tao, ang paginog ng mga planeta, at mga anyo ng ibat ibang organismo. Ang lahat na ito ay ma-ipinaliwanag lamang sa pamamagitan ng pagkakaroon ng isang matalinong perpektong taga-disenyo. At ang nagdisenyo ng mga ito ay tinuturing na ang diyos.

Ang Argumento ng Disenyo ay hinahalintulad sa pagdisenyo ng isang relos o orasan, na may komplikadong parte na binuo para magbigayan ng oras. Ang komplikadong disenyo ng orasan ay nagpapahiwatig na may nag disenyo nito kahintulad ng komplikasyon sa pagbuo ng universe ay nagpapahiwatig rin na may nag-disenyo din nito.

Pero ang lahat na ito ay may pawang kasagutan na hindi naguugnay sa isang diyos, dahil pinakita natin sa huling episode paano nabubuo ang mga bagay na hindi kailangan ng diyos. Ito ay ginabayan ng mga prinsipyo kagaya ng ang Genie Effect, ang Bahay Kubo Creation Analogy, ang Holen Model, at ng Bathala Cosmological Argument. Mga konseptong orihinal na gawang pinoy. Itong mga references na ito ay puwedeng ninyong gamitin sa mga argumento laban o para sa diyos. Dahil ito ay hindi pa alam ng maraming tao.

Bukod sa mga prinsipyo na mga ito, ang mga komplikasyon disenyo at paglikha ng mga bagay bagay ay maaaring mapaliwanag din nang hindi nangangailangan ng diyos. Puwedeng ang nag disenyo nito ay mga aliens mula sa ibang universe, o di kaya ito ay sumibol mula sa isang natural na proseso, kagaya ng proseso ng ebolusyion o proseso na tinawag natin ang Kambalang Theorya ng Pangkalahatan (Dual Theory of Everything) isang orihinal na theoriya na gawa ng isang pinoy din, kung saan ang materiyales at instruktiones ang lumikha at nag disenyo ng lahat ng mga bagay.

Ngayon, kung ang mga disenyo ng sanlibutan ay gawa ng diyos, ang mga disenyo niya ay mga pawang mahihina —halimbawa, ang disenyo ng mga parte ng ating katawan ay madaling kapitan ng sakit gaya ng kanser, ang disenyo ng mga organismo kagaya ng seahorse kung saan ang lalaki ay ang siyang  nanganganak, ang ilong ng mga dolphins na balakid sa kanilang paghinga, mga alimango na may mga mahahabng paa na madaling mabali, ay pawang mga palpak ng mga disenyo. Kung sa kalawakan naman,  ang mga galaxies, kometa, asteroids, at blackholes ay laging nagbabangaan, ang mga distansiya ng mga planeta ay unti unting lumalayo sa araw,  at ang araw ay unti unting nasusnog hanggang ito ay maging isang white dwarf na magdudulot ng paglaho ng buhay sa mundo at sanglibutan.

Ang argumento na ito ay puwede rin natin isalin ng ganito:

  • 1. Premise 1: Kung ang Diyos ay perpekto, ang sanlibutan ay dapat perpekto din sa disenyo, na walang kamalian.
  • 2. Premise 2: Kung ang Diyos ay hindi perpekto, ang disenyo ng sanlibutan ay hindi perpekto din.
  • 3. Konklusyon: Dahil ang disenyo ng sanlibutan ay di perpekto, ito ay matibay na katibayan na walang Diyos na perpekto..

Pinagusapan din natin na ang disenyo ng isang bagay ay pwedeng manyari base sa Holen Effect. Dito ipapakita ko paano ang isang estado na puno ng kaguluhan (chaos and disorder) ay pwedeng lumikha ng structured or designed pattern at ordered state na di kaalingan ng tao o diyos.

Ito ay mapapatunayan ninyo sa pamamagitan ng isang garapon na halos puno ng mga holen. Mapupuna  ninyo na ang mga holen sa loob ng garapon ay gulo gulo o disorder. Ngayon kung kakalugin ninyo ito ng matagal na matagal hanggang ang lahat ng holen sa loob ay mag-align, ito ay nagdidisenyo ng isang tuwid o helisikal na pattern. Dito, makikita ninyo na ang disensyo ay hindi likha ng diyos o mismo ng tao, kundi ito ay nadisenyo ng mga instruktiones at materiyales na nakaloob sa bawat holen. 

Kaya ang disenyo ng lahat ng bagay na makikita ninyo sa mundo at sanlibutan ay nangyari ng di kailangan ng diyos.  Ang kulog at kidlat ay na disenyo dahil may ibang bagay ang lumilikha nito. Ang disenyo ng dagat, ilog, at sapa ay nalikha dahil may ibang bagay ang nagdisenyo nito gaya ng ulan o bagyo. Ang mga organismo ay may kanyang kanyang disenyo dahil ang kapaligiran nito ay ang nagdisenyo sa kanila kagaya ng isda sa dagat, ang ibon sa himpapawid, ang uod sa ilalim ng lupa, at ng tao sa mundong ibabaw. Lahat na ito ay nadisenyo dahil may mga ibang bagay ang disenyo ng mga ito. Ito ang prinsipyo na nasaloob ng ang Kambalang Theorya ng Pangkalahatan o Dual Theory of Everything.

Dito, napatunayan natin na ang diyos ay hindi kailangan sa pagdisenyo ng lahat ng bagay sa mundo at sa sanlibutan.  Ito ay ginabayan ng mga prinsipyo kagaya ng ang Genie Effect, ang Bahay Kubo Creation Analogy, ang Holen Model, ang Bathala Cosmological Argument, at ng Kambalang Theorya ng Pangkalahatan  o Dual Theory of Everything.

Dahil sa mga prinsipyo na ito, pinakita natin na para mabuo ang mga bagay, kagaya ng diyos, may mga bagay ang dapat nauna sa diyos: ang materyales, ang mga instruktiones, at ang proseso para buuin siya. Kung makapangyarihan naman ang diyso, kailangan pa rin niya ang mga elemento na ito. Kung isa sa mga elemento ay wala, ang diyos ay di pwedeng malikha.
 
Sa susunod naman na episode paguusap naman natin ang argumento ng linikha, kung saan ang lahat ng bagay, kagaya ng tao at ang diyos ay nageexist ba o hindi? Totoo ba lahat ng nakikita natin o ang realidad natin ay isang ilusiyon lamang? Totoo bang may buhay tayo o ito ay isang mekanikal na realidad lamang? Dito di gaya ng mga physikal na ebidensiya na pinakita ko sa  argumento ng cosmological at teleological, ibabase naman natin angmga  ebidensiya base sa logical reasoning o tamang pagiisip at hindi sa simpleng experiyensa, paningin, o paniniwala lamang.

*Chaos and disorder create structured pattern and ordered state - entropyforce - 2nd law of thermodynamics place lots of marbles in a jar, shake them, 

*Random mutations created highly ordered and complex life forms.

*chaos and disorder are the raw materials and instructions that forms new order and pattern.


The Voice of Philippine Atheism.
-----------------------------------------
Tungkol kay Atheista ng Pilipinas:
 
Ang pangalang Atheista ng Pilipinas ay isang simbolong pangalan o pen name ng may akda. Siya ay isang guro, inyehero, at manunulat. Isa siya sa mga sumulat ng libro sa physics na ginagamit ng mga estudyante sa pilipinas. Siya ang nagtatatag ng The Voice of Philippine Atheism (Boses ng Atheismo sa Pilipinas) noong 2000. Siya rin ay sumulat ng ibat ibang libro sa pilosopiya, relihiyon, teknolohiya, at siyensiya na makikita nyo sa amazon.
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Disclaimer: Ang mga artikulo sa The Voice of Philippine Atheism ay inilaan para sa balanseng edukasyon. Dahil ang site na ito ay patuloy na iniedit, inaupdate at pinagbubuti, inirerekumenda ko na bumalik madalas para sa mga bagong item. Kung nais nyong gamitin ang anumang bagay dito para sa layunin ng pantas na talakayan o di kaya sa malalim na pagreresearch, mangyaring ipagbigay-alam sa may-akda sa pamamagitan ng email o banggitin ang site sa format na ito: 
* In-text citation: (Atheista ng Pilipinas, 1975)
* Reference List: Atheista (1975). Bibliya: Ebidensya Laban Sa Diyos. Philippines.
* Website: Atheista (2000). Bakit Walang Diyos. https://voiceofphilippineatheism.blogspot.com

Tags: The Voice of Philippine Atheism, atheist, pinoy atheist, atheism, pinoy atheismo, Philippine Atheism, Filipino Atheists, Atheista ng Pilipinas



#atheists_of_the_philippines #trendvids #number_one #trend #positive_influencer #exposed #viral #dislike #atheista_ng_pilipinas #voice_of_philippine_atheism #atheism #god #jesus_christ #arguments_against_god 











No comments:

Post a Comment