Tuesday, June 6, 2006

Kristiyanismo: Isang Kulto



Ang Kristiyanismo ba ay isang kulto?
Ano ba ang Kulto?
Ang simbahang katoliko ba ay isang kulto?
Ang simbahang protestante ba ay isang kulto?
Ang Iglesia ni Kristo ba ay isang kulto?
Ang “born again” ba o at ibat-ibang grupo ng mga Kristiyano ay isang kulto din ba?

Paano ba natin malalaman kung ang isang organisasyon o grupo ay nabibilang sa isang kulto. Ano ba ang mga katangian o palatandaan ng isang Kulto? Ang protestante ba at ang ibang relihiyon na kumalas sa tunay na simbahang Katoliko Romano ay mabibilang na kulto? Ang Katoliko ba ay isang kulto din?

Bago natin sagutin lahat ang mga katanungan na ito, pagusapan muna natin kung ano ba ang mga katangian ng isang Kulto:
1. Ang kulto ay sumasamba sa isang bagay kagaya ng rebulto ng tao, hayop, cross, unggoy, elepante at iba pang bagay na tinuturing na diyos o panginoon.
2. Ang kulto ay nagaganap madalas kung saan may kandila, apoy at pagaalay ng dugo ng tao at ng hayop.
3. Itong sakripisyo na ito ay ginagawa sa harap ng isang altar.
4. Ang mga kasanib o miyembro ng kulto ay kadalasan ng babasa ng orakulo o sumsambit ng dasal.
5. Ang mga kasanib ay parang mga zombie na sunudsunuran lang.
6. Kalimitan ang grupo o malaking organisasyon ay may pari, maestro o pinuno na nakasuot ng puting sutana.
7. Ang buong organisasyon ay may mga ritwal na sinusunod sa bawat pagtitipon.

Dito pa lang sa komprehensibong kahulugan, kaagad nating malalaman na ang simbahang katoliko at lahat ng relihiyon sa buong mundo ay pawang mga kulto. At kung ikaw ay di nabibilang sa simbahang Katoliko Romano, ang relihiyon mong sinaniban ay totoong isang kulto. Bakit ko nasabi ito?

Kung ang kasaysayan o history ang pagbabatayin natin, ang mga kilalang pangunahing sinaunang relihiyon sa buong mundo ay Hinduismo, Judaismo, Budismo, Taoismo, Katolisismo at Islam.

Ang bawat na relihiyon na ito ay may kanyang-kanyang sariling Bibliya at sumasamba ng kanyang-kanyang sariling diyos.
1. Ang Katoliko at Kristiyano ay gamit ang King JamesVersion bilang kanilang Bibliya.
2. Ang Budismo ay gamita ang Tripitaka,
3. Ang Islam ay ang Koran,
4. Ang Taoism ay ang Tao-Te-Ching
5. Ang judaismo ay ang Torah.

Ang Katoliko ay sumasamba sa Diyos Yahweh, ang Islam kay Allah at ang Judaismo ay kay Elohim.
Sa kabilang banda, ang Taoism, Budismo at Hinduismo ay mayroong isang malaking bilang ng mga lalaki at mga babae diyos at diyosa. Ang Yu-Huang ay diyos ng Taoism. Ang Buddha ay diyos ng Budismo. Ang Khrisna ay isa sa mga diyos ng Hinduismo.

Ngayon kung pagbabatayan natin ang bibliya ng Katoliko, masasabi natin na ang lahat na mga relihiyon na ito ay pawang mga kulto. Bakit?

Sabi sa Exodus 20: “Ako ang Diyos na iyong panginoon … Dapat wala kang ibang diyos na sinasamba kundi ako lamang”.

Ang pangungusap na ito na hango sa bibliya ay nagpapatunay lamang na ang diyos ng Islam, Judaismo, Taoismo, Budismo at iba pang relihiyon na di katoliko ay nabibilang sa isang kulto.
Ngayon ang tanong: Paano naman ang mga Kristiyano na hindi Katoliko, kulto din ba silang matuturing?

Para masagot ito, pagusapan naman natin ang kasaysayan ng simbahang Katoliko Romano?
Noong mga kapahunan nina Abraham, Moses at David, ang mga unang relihiyon ay gnostik, judaismo, mitraismo, pauline at iba pang malilit na denominasyon. Nang dumating si Jesu Kristo, doon lamang nagkaroon ng grupo na kung tawagin ay katoliko. At ng ibinigay ni Jesus kay Pedro ang otoridad at unang posisyon ng pagiging unang Papa, ang simbahang katoliko ay nabuo. At ng namatay si Jesus, ang simbahang katoliko romano ay umusbong at naging isang dominanteng simbahan dahil sa kutsabaan ng papa ng simbahan at hari ng palasyo. Ang simbahang katoliko lamang ang may kapangyarihan na magsabi kung ang isang simbahan ay lehitimong o kasapi ng katoliko sa pamamgitan sa pagsunod sa mga utos nito.

Subalit, kung ang katoliko ay reformang paksiyon ng Judaismo noon, ang protestante at eastern orthodox ay reformang faction naman ng katoliko. Ang dalawang malaking simbahan na ito, na dati katoliko, ay di masikmura ang mga turo o idelohiya ng simbahang katoliko. Dahil dito sila ay tumiwalag, nagrebolusyon at nagtayo ng kani-kanilang simbahan. At dahil sa radikal na pananaw nila, ang orihinal na turo ng bibliya ay naiba, nadagdagan o nabawasan. Samakatuwid, kung ang orihinal na salita ng diyos (gospel) na tinaguriang banal ay hindi na banal at orihinal, ang tinuturo ng mga radikal na simbahan na ito ay pawang mali at hindi naaangkop sa tunay na utos ng diyos. Dahil dito, ang protestante, orthodox at lahat ng simbahang na walang bendisyon ng unang simbahang katoliko ay pawang mga peke at dapat lang na taguriang mga Kulto.
Dahil dito ang ilang nakalistang organisayon ay pawang mga kulto:
  • Hinduism — Unknown, 3000 BC,
  • India Judaism – Abraham, 2085 BC,
  • Middle East Buddhism – Sidhartha Gautama – 560 BC,
  • India Taoism – Lao Tzu – 550 BC,
  • China Roman Catholic – Constantine, 590 AD,
  • Rome Islam – Mohammed – 610 AD,
  • Saudi Arabia Orthodox- Michael Cerularius, 1054,
  • Judea Protestants, Martin Luther, 1517,
  • Germany Swiss Reformed – Zwingli, 1523,
  • Switzerland Anglicanism – Henry VIII, 1534,
  • England Calvinism; Dutch Reformed – Calvin, 1536,
  • Switzerland Presbyterians – John Knox, 1560,
  • Scotland Baptists – John Smith, 1605,
  • Holland Episcopalians – Seabury, 1620
  • Quakers – George Fox, 1647
  • Freemasonry – Albert Pike, 1700,
  • Scotland Shakers – Ann Lee, 1784
  • Methodists – John Wesley, 1739,
  • England Unitarians – Lindsay, 1774
  • Mormons or Latter-day Saints – Joseph Smith, Jr. 1830, USA
  • Christian Church – Campbell and Stone, 1832
  • Seventh Day Adventists – Ellen White, 1860, USA
  • Jehovah’s Witnesses – Charles Russell, 1870, USA
  • Salvation Army – Rev. General William Booth, 1865,
  • England Christian Science – Mary Baker Eddy, 1879, USA
  • Unity School of Christianity – Fillmore, 1889
  • Pentecostals – Charles Parham, 1906, USA
  • Iglesia ni Kristo– Felix Manalo, 1914, Philippines
  • Worldwide Church of God – Herbert W. Armstrong, 1934, USA
  • Unification Church – Sun Myung Moon, 1954,
  • South Korea Scientology – Ron Hubbard, 1955, USA
  • Church of Satan – Anton LaVey, 1966, USA
  • Hare Krishna – Swami Prabhupada, 1968, USA
Ngayon naman, talakayin natin kung bakit ang simbahang katoliko ay isang kulto din!



The Voice of Philippine Atheism.
-----------------------------------------
Tungkol kay Atheista ng Pilipinas:
 
Ang pangalang Atheista ng Pilipinas ay isang simbolong pangalan o pen name ng may akda. Siya ay isang guro, inyehero, at manunulat. Isa siya sa mga sumulat ng libro sa physics na ginagamit ng mga estudyante sa pilipinas. Siya ang nagtatatag ng The Voice of Philippine Atheism (Boses ng Atheismo sa Pilipinas) noong 2000. Siya rin ay sumulat ng ibat ibang libro sa pilosopiya, relihiyon, teknolohiya, at siyensiya na makikita nyo sa amazon.
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Disclaimer: Ang mga artikulo sa The Voice of Philippine Atheism ay inilaan para sa balanseng edukasyon. Dahil ang site na ito ay patuloy na iniedit, inaupdate at pinagbubuti, inirerekumenda ko na bumalik madalas para sa mga bagong item. Kung nais nyong gamitin ang anumang bagay dito para sa layunin ng pantas na talakayan o di kaya sa malalim na pagreresearch, mangyaring ipagbigay-alam sa may-akda sa pamamagitan ng email o banggitin ang site sa format na ito: 
* In-text citation: (Atheista ng Pilipinas, 1975)
* Reference List: Atheista (1975). Bibliya: Ebidensya Bakit Walang Diyos. Philippines.
* Website: Atheista (2000). Bakit Walang Diyos. https://voiceofphilippineatheism.blogspot.com

Tags: The Voice of Philippine Atheism, atheist, pinoy atheist, atheism, pinoy atheismo, Philippine Atheism, Filipino Atheists, Atheista ng Pilipinas



#atheists_of_the_philippines #trendvids #number_one #trend #positive_influencer #exposed #viral #dislike #atheista_ng_pilipinas #voice_of_philippine_atheism #atheism #god #jesus_christ #arguments_against_god 

No comments:

Post a Comment