Bakit ang “Pitong Araw ng Paglikha” sa Genesis ay isang istorya na maraming kamalian at hindi pwedeng maging totoo.
Sa episode #15, pinatunayan natin na ang bertikulo na "in the beginning, God created the heavens and earth" ay naisalin ng mali sa english. Dahil sa hebreo, ang orihinal na wika ng bibliya, ang talata ay isinulat bilang "Breishit Bara Elohim Et Hashmayim v’Et Ha’aretz”.
Na ang ibig sabihin ng breishit ay "sa simula", ang bara ay "binuo", at ang elohim ay "ang mga diyos. At kung pagsasamahin natin ang lahat na mga salita na ito sa isang pangungusap, ito ay magiging "Sa umpisa binuo ang mga diyos".
Sa ikalawang bahagi ng talata, ang ibig sabihin ng "et" ay "mga langit", ang v'et ay "at", at ang Ha'retz ay "lupa". Uli kung itratranslate natin ang kabuuan ng "Breishit Bara Elohim Et Hashmayim v’Et Ha’aretz”, ito ngayon ay magiging " Sa simula binuo ang mga diyos, ang mga langit, at ang lupa, at hindi ang maling bersiyon na "sa simula, ang diyos ang bumuo ng mga langit at lupa." Dalawang pangungusap na halos magkapareho subalit may kanya kanyang kahulugan.
Sa mga unang episodes, napatunayan natin na ang Bibliya, na itinuturing na banal na salita na ginabayan ng Diyos, ay puno ng hindi maikakailang mga dagdag, kontradiktions, at kamalian .
Isa sa mga malinaw na pagkakamali ng Bibliya ay matatagpuan sa unang araw ng paglikha sa Genesis: "in the beginning, God created the heavens and earth" o "Ang Diyos, noong pasimula, ay lumikha ng mga langit at lupa."
Ang mga talata na ito ay lubos na may kamalian sapagkat ito ay sumasalungat sa kaalaman ng siyensiya at tamang pagiisip. Ito ay sa kadahilanan na bago pa man magkaroon ng araw at lupa, maraming iba't ibang planeta at araw ang unang nabuo noong mga unang yugto ng universe.
Kahit sa loob ng ating solar system, ang mundo ay hindi ang unang nabuo na planeta. Marami pang ibang planeta, araw, at galaksi na mas maagang nabuo sa ating Milky Way. Kaya't imposible na noong unang araw ng paglikha, ang mundo ay ang unang nalikha at ang iba't iba pang bahagi ng kalwakan ay linikha lamang pagkatapos.
Dito pa lang, mapapatunayan na, na ang ideya na ang mundo ay nalikha bago ang iba pang parte ng universe ay isang malaking kasinungalingan. Kagaya ito sa paglalalang ng tao mula sa pagiging sanggol hanggang ito ay tumanda, ang universe ay makikitaan din natin kung ang planeta ay bagong silang o ang isang planeta ay malapit ng mamatay. Ang paglikha ay may sinusunod na isang sistematikong proseso.
Ang pangalawang malaking pagkakamali ng bibliya ay ang interpretasyon ng paglikha ng mga langit. Tandaan na ang Diyos, sa unang araw, ay lumikha lamang ng dalawang bagay: mga langit at lupa.
Subalit, sa aklat ng Genesis, Corinthians, at Juan, may tatlong interpretasyon ang langit. Ang langit ay tinutukoy bilang ang mga ulap o ang sky, kalawakan o ang universe, at ibang dimensyon. Sa pamagitan ng lohika at proseso ng eliminasyon, mapapatunayan natin na tanging isa lamang ang maaaring tama dito.
Una, kung ang Langit ay tumutukoy sa buong kalawakan at ang mundo ay linagay dito, ibig sabihin, hindi ito maaaring ang ulap o ibang dimensyon.
Subalit ang langit ay hindi maaaring ang kalawakan, dahil ang kalawakan ay maaring makita at medetek ng instrumento samantala ang langit ay hindi nakikita o madetek sa anumang paraan. Kaya't hindi maaaring ang langit ay ang buong universe.
Pangalawa, kung ang langit ay ibang dimensyon, malinaw na ang mundo ay hindi bahagi ng dimensyo na ito. Kung ito ay bahagi, malinaw na lahat tayo ay nasa langit din. Ngunit hindi ito totoo na bahagi ng langit ang mundo kaya't hindi maaaring ang langit ay ibang dimensyon.
Ang tanging lohikal na sagot na natitira na lang ay ang langit ay ang arko o firmamento na nasa taas ng ating mga ulo. Ito ang kisame o dome na nagbibigay buhay na nasumasaklob sa atin at sa mundo. Ang kalangitan na ito ay may sapat na basehan sa Bibliya na matatagpuan sa Aklat ng Apokalipsis.
Kahit sa labas ng Bibliya, ilang sinaunang pintor, eskultor, at manunulat ang nagbigay kahulugan na ang Langit bilang ang himpapawid o ulap kung saan naninirahan ang diyos. Makikita ang mga ebidensya ng mga ideyang ito sa kanilang mga likhang-sining at mga eskultura noong unang panahon.
Ang mga imahe ng mga anghel na nagbabantay sa mga pintuang-daan ng langit, mga kerubin na nagtutugtog ng harpa, at mga santo na nakaupo sa mga ulap ay malinaw na ipinakita na ang ulap ay ang kalangitan. Ang mga interpretasiyon ng kanilang sining ay nabuo mula sa kanilang araw-araw na personal na karanasan: ang kalangitan sa itaas ng mga ulo nila at ang lupa sa ilalim ng mga paa nila. Ang ganitong pag-iisip tungkol sa relasyon ng itaas at ibaba ay nagbukas daan sa kaisipan o konsepto ng langit at lupa.
Tandaan na noong sinaunang panahon, ang mga tao ay hindi pa natuklasan ang terminong mundo o earth. Ang alam lang nila na sila ay nakatayo sa lupa at sa itaas nila ay ang langit. Kagaya rin ito ngayon sa experience mo pag tumingin ka sa labas ng inyong binata. Dalawa lang ang makikita mo ang kaulapan at kalupaan.
Ang kuwento ng paglikha ay isang konsepto na gawa ng mga sinaunang tao na may kakulangan sa kaalamanan, may limitadong bokabularyo, at may kanyang kanya personal na opinon sa kanilang paniniwala. Dahil, noong mga unang panahon, inakala ng mga manunulat ng Bibliya na ang mundo ang sentro ng kalawakan (geocentric theory) na may mga pundasyon, haligi, dulo, apat na sulok, at gilid na nagsasad na ang mundo ay patag at hindi bilog.
Ngayong modernong panahon lamang tinanggap ng Simbahang Katoliko ang heliosentrismo, na nangangahulugang ang araw ang sentro ng ating solar system, na natuklasan noong 1543, kinwestyun noong 1616, at noong 1758 ay tinanggap na ng simbahan ito at itinuring na hindi ang mundo ang sentro ng uniberso, gaya ng nakasaad sa Bibliya (Josue 10) nito kagaya rin sa pagbabago ng kanilang pananaw na tanging lalaki at babae lamang ang maaaring mag-asawa. Wow, ang banal na kasulatan ay binago uli ng tao at di ng diyos!
Dahil sa mga pagkakamali at pagbabago nito, pinapatunayan lang na ang bibliya, ang sagradong aklat na ginabayan ng diyos, ay nagsisinungaling uli sa kanyang mga inosenteng mananampalataya na ang diyos nila ay perpekto sa lahat, marunong sa lahat, at walang bahid na pagkukulang o pagkakamali.
***
isang talata na karaniwang ginagamit ng mga tao upang ipagtanggol na sinasabi ng Bibliya na ang mundo ay isang bilog ay ang Isaiah 40/22, kung saan sinasabi nito na,
"It is he who sits above the circle of the earth, and its inhabitants are like grasshoppers, who stretches out the heavens like a curtain and spreads them like a tent to live in"
Tandaan na ang bibliya ay sinulat sa hebreo. Sa talatang ito, sinasabi nito ay circle, hindi anumang nagpapahiwatig ng isang bilog o sphere. Ang salitang ginamit dito para sa circle ay ang salitang Hebreo na "chug" na nangangahulugang isang patag na bilog na bagay tulad ng isang disc. Kung nais ng manunulat dito na ipahiwatig ang isang bagay na bilog o spherical, dapat ginamit niya ang salitang "kadur" na nangangahulugang isang bagay na bilog tulad ng isang bola.
Bakit walang Kaluluwa ay tatalakayin natin sa mga susunod ng mga episodes.

Tags: The Voice of Philippine Atheism, atheist, pinoy atheist, atheism, pinoy atheismo, Philippine Atheism, Filipino Atheists, Atheista ng Pilipinas

No comments:
Post a Comment