Ngayon, kunyari ay may langit at kaluluwa, anong klaseng transportasiyon naman ang gagamitin ng mga kaluluwa papunta sa langit? Jeep? eroplano? spaceship? o mahabang mahabang hagdanan?
Ang bibliya ay naniniwala sa mga haka hakang na linalang na makikita lamang sa mga istoryang bayan o alamat, kagaya ng tikbalang, halimaw, aswang, kapre, ahas na nagsasalita, sirena, unicorns, dragons, diwata, at ang pag-gawa ng isang babae na ang pangalan ay Eba na mula sa buto na binunot sa tadyang ni Adam.
Ang isa pang di kapaniniwalang istorya ay matatagpuan sa Genesis (28:10-17). Sabi dito para ka makapunta sa langit, isang mahabang mahabang hagdanan ang dapat mong gamitin na nakonekta mula sa lupa papunta sa langit. Dito sa hagdan na ito ay may mga anghel na umaakyat at bumababa mula sa itaas.
Sa mga talata nito, makikita natin na ang langit na tinutukoy ng bibliya ay ang ulap sa mga uluhan natin kung saan ang mga ibon ay lumilipad. Itong konspeto na ito ay hindi pangkaraniwan dahil noong mga panahon nayun maraming ibat ibang sibilisasyon, kagaya ng japan, china, korea, ehipto, mexico, sudan at iba pa, ay nanininiwala na ang ulap sa taas ng ulo nila ay ang lugar kung saan nakatira ang mga diyos.
Dahil dito ang kanilang mga hari o obispo ay nagutos na gumawa ng matataas na hagdananan gaya ng makikita nyo sa mga pyramid o temple para maabot ang ulap o lugar kung saan pinananiwalaan nakatira ang mga diyos.
Ang mga hari na ito ay nakaluluk sa kaitaas-taasan ng kanilang mga temple o pyramid na may mahabang mga hangdanan kagaya ng mg great pyramid sa giza na may mga 800 baytang. Ang mahabang hagdanan na ito ay akala noon ng mga hari na maabot nila ang langit upang maging kahanay nila ang mga diyos. Kaso ang mga pyramid na ito ay may mga limitasyon na humahadlang para maabot ang ang ulap.
Kaya imbis na pyramid, (sa Genesis 11:1-9), ang Tore ng Babel ay ginawa ng mga tao para subukan uli abutin ang langit. Kaso uli, ang tore ay may limistayon din na hindi pinapayagan ng Inang Kalikasan.
Dito, makikita natin na ang langit na tinutukoy ng mga tao noon ay ang ulap sa kanilang mga ulo at ang langit na ito ay walang kaugnayan anuman sa relihiyon kundi ang pagnanasa lamang ng mga hari na maging makapangyarihan at humanay sa mga diyos ng kalikasan noon na nakatira sa ulap.
Sa kwento naman ni Ezekiel, pinapakita dito na maaring isang spaceship ang pwede gamitin para makapunta sa langit. Subalit, kung ang langit na ito ay isang dimensiyon kung saan ang langit ay matatagpuan, pwede bang gamitin ang isang spaceship papunta dito? Mayroon na bang spaceship noon? Totoo ba ang UFO?
Sa pamamagitan ng aking mga kalkulasyon, ipapakita ko sa inyo kung may UFO ba o wala. Gaano ba dapat kalaki ang isang spaceship upang makapaglalakbay mula sa isang galaxy patungo sa ating galaxy. Ang isang UFO ba, kagaya na pinaniniwalaan ng mga tao na nakakita daw nito, ay pwede bang lumipad sa ating mga himpapawid na wala man lang pinsala sa kapaligiran?
Ang pinakamalaking eroplano sa mundo ay ang Russian Antonov An-225. Ang timbang nito ay nasa 700 tonelada, may haba na 300 talampakan, ang pakpak nito ay 300 talampakan, at kayang lumilipad lamang sa bilis na 550 mph.
Ngayon, ang isang mansanas naman ay tumitimbang ng humigit-kumulang 5 libra o pounds. at ang 1 tonelada naman ay humigit-kumulang 2000 lbs, ibig sabihin kung ang 1 tonelada ay may 400 mansanas, ang 700 tonelada na eroplano ay humigit-kumulang na 300,000 mansanas.
Kung ang isang football field (360 talampakan at 160 talampakan) ay kayang maglaman ng 57000 na tao at kung ang timbang ng isang tao ay 200 lbs o 40 mansanas, ang footfield na ito ay pwedeng punuin ng 2,400,000 mansanas. Kaya ang bigat ng isang spaceship ay magiging (300,000 + 2,400,000) 2,700,000 mansanas, kasing bigat ng 10 eroplano.
Ngayon, ang paglakbay patungo sa araw sa bilis na 60 mph ay aabutin ng 180 taon upang makarating ka doon. Kung gagamitin mo naman ang space shuttle, aabutin ka ng 38,000 taon upang marating mo ang dulo ng isang light-year. Ang isang light-year ay isang distansiya na humigit-kumulang na 10 trilyong kilometro o 6 trilyong milya. Ang pinakamalapit na galaxy sa atin ay 100,000 light-years.
Ang liwanag ng araw ay naglalakbay ng 186,000 milya bawat segundo, na humigit-kumulang 38,000 beses na mas mabilis kaysa sa shuttle. Kung ang space shuttle ay maglalakbay sa bilis ng liwanag sa isang light-year, upang maabot ang pinakamalapit na galaxy, aabutin ang shuttle ng 100,000 taon. (dito patay ka sa mga taon na ito kahit sabihin mo na sa cryogenics state ka pa.). Kung ikukumpara mo naman ito kung kailan nag evolve ang modernong tao, ito ay 200,000 taon lang ang nakalipas. Kaya kung may libo libong galaxies sa kalawakan, ewan ko kung tatagal ang kaluluwa sa paglalakbay na ito. Unless magic na naman ang gagamitin ng diyos, lol.
Ganun din kung ang diyos ay gagawa ng mahabang mahabang hagdan. mapapagod ang mga kaluluwa sa pagakyat. Kung may magic naman ang diyos, bakit pa siya gagawa ng mahabang mahabang hagdanan na ito, hindi nya nalang gamitin ang kumpas ng kanyang mahiwagang kamay.
Doon naman sa mga naniniwala sa UFO, para makapunta sa atin ang isang spaceship, una, dapat ito ay nakasakay o nakadaong sa isang mothership muna. Pangalawa, ang isang mothership na kasing laki ng isang football field, ay dapat magkaroon ng hindi bababa sa limang eroplano ng pagkain, bukod pa sa bilyun-bilyong lalagyan ng kanilang gasolina, mga squadron ng mga spaceship, at iba pang libu-libong kargamento. Pangatlo, Kung itong napakalaking transportasyon na ito ay lumilipad at naglalakbay kasing bilis ng liwanag, ang mothership na ito ay maglalaho at magiging isang malaking masa ng enerhiya lamang. Kaya ang UFO ay hindi totoo dahil sa mga kadahilan na nabanggit.
Ang isang posibilidad naman kung paaano itratransport ang mga kaluluwa na ito sa ibang dimension kung nasaan ang langit, sang ayon sa mga naniniwala sa diyos, ay sa pamamagitan ng isang Black Hole. Kaso, dahil sa mga prinsipyo ng siyensiya at batas ng Kalikasan, ito ay hindi puwedeng mangyari. Ganun din sa time travel, hindi ito pupuwede dahil ang time ay umuusad lamang sa isang direksiyon.
Kung tungkol namansa kuwento ni Ezekiel kung saan siya ay nakakita ng UFO at ito ay nagtake off sa harap niya, ang sonic boom nito ay hindi langgwawasak ng kanyang mga eardrums. Ang kanyang mga DNA at mismo ang buong sarili niya ay maglalaho na parang mga alikabok.
Sa episode na ito, pinatunayan natin na ang langit ay ang ulap o himpapawid sa taas ng ating mga ulo kung saan ang mga ibon ay lumilipad, at hindi ito ang kalawakan, ibang dimensiyon, o bahay ng diyos nanakasaad sa bagong tipan ng katoliko ngunit wala ang mga ito sa lumang tipan ng hebrew. Pinakita din natin na ang istorya ng diyos ay umiikot lamang sa middle east kung saan mapapatunayan natin na ang mga laman sa bibliya ay istorya lamang ng mga arabo. At ang huli, ang mahabang mahabang hagdanan para ipagdugtong ang langit at lupa, ay hindi pwede gawin ng diyos, dahil, ang mga likas na batas ng Inang Kalikasan ay hindi pinapahintulan na mangyari ito kahit na sabihin mo na makapangyarihan ang diyos.
Sa susunod na episode tatalakayin naman natin: Kung walang intelihenteng lumikha nito, bakit perpekto ang buong sanlibutan ? Ang tawag dito sa argumento na ito ay Fine-Tuning Argument, o Intelligent Design Argument, o di kaya Teleological Argument (from Greek telos, “end result,” and logos, “reason”). Bakit ang Batas ng Kalikasan ang unang nalikha at hindi ang Diyos?
Puwede bang likhain ang isang bagay na walang bumuo nito. Posible bang likhain ang batas na walang nagsulat nito. Puwedeng bang likhain ang isang bagay ng isang bagay kahit ito ay hindi isang tao.

# The Voice of Philippine Atheism.
-----------------------------------------
Tungkol kay Atheista ng Pilipinas:
Ang pangalang Atheista ng Pilipinas ay isang simbolong pangalan o pen name ng may akda. Siya ay isang guro, inyehero, at manunulat. Isa siya sa mga sumulat ng libro sa physics na ginagamit ng mga estudyante sa pilipinas. Siya ang nagtatatag ng The Voice of Philippine Atheism (Boses ng Atheismo sa Pilipinas) noong 2000. Siya rin ay sumulat ng ibat ibang libro sa pilosopiya, relihiyon, teknolohiya, at siyensiya na makikita nyo sa amazon.
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
* In-text citation: (Atheista ng Pilipinas, 1975)
* Reference List: Atheista (1975). Bibliya: Ebidensya Bakit Walang Diyos. Philippines.
* Website: Atheista (2000). Bakit Walang Diyos. https://voiceofphilippineatheism.blogspot.com
Tags: The Voice of Philippine Atheism, atheist, pinoy atheist, atheism, pinoy atheismo, Philippine Atheism, Filipino Atheists, Atheista ng Pilipinas

No comments:
Post a Comment