Sunday, September 22, 2024

Marka ng Tunay na Simbahan

Sa mga naunang mga episodes, pinatunayan natin na mula ng namatay si kristo at ang kanyang mga apostoles, ang bibliya na ginagamit ngayon ay hindi na busilak at  tunay na gawa ng diyos. Dahil ang bibliya na gingamit ng mga simbahan ngayon ay hindi na ang orihinal na gawa ng diyos kaya ang lahat ng mga gumagamit nito ay susumpain ng matindi ng diyos ayon sa Galatians 1:8-9: "Ang mga tao o simbahan na nangangaral sa inyo ng anomang ebanghelyo na naiiba sa aming ipinangaral (ibig sabihin ang simbahan ng katoliko), ay susumpain ng diyos habang buhay. 

Sa episode na ito tatalakayin naman natin ang istorya ng simbahang Katoliko, si Peter ang unang papa ba, at ang Apat ng Marka ng Tunay na Simbahan ng diyos base sa bibliya (Matthew. 16:18), (Acts 2),  at (Colossian l. 1:18) .

Bago ang pagtatatag ng Simbahang Katoliko bilang isang dominanteng puwersa noong panahon ni Constantine, mayroong ilang mga maagang Kristiyanong komunidad at simbahan. Ang mga komunidad na ito ay kumalat sa iba't ibang rehiyon at madalas na nakaranas ng pag-uusig. Narito ang ilan sa mga kilalang komunidad:

1. Simbahan sa Jerusalem (c. 30 AD): Itinatag kaagad pagkatapos ng kamatayan at muling pagkabuhay ni Jesus, pinamunuan noong una ni Santiago, ang kapatid ni Jesus.

2. Simbahan sa Antioch (c. 40s AD): Isa sa mga unang Kristiyanong komunidad sa labas ng Jerusalem (Turkey), kung saan unang tinawag na "Kristiyano" ang mga tagasunod.

3. Simbahan sa Alexandria (c. 42 AD): Itinatag sa Egypt, naging pangunahing sentro para sa Kristiyanong pag-iisip at teolohiya.

4. Mga Simbahan sa Asia Minor (1st century AD): Ang mga lungsod tulad ng Ephesus, Smyrna, at Pergamum ay nagkaroon ng mga itinatag na Kristiyanong komunidad.

5. Mga Simbahan sa Roma (1st century AD): Bago ang panahon ni Constantine, ang Kristiyanong komunidad sa Roma ay isang maluwag na network ng mga house church.

Ang mga maagang simbahan na ito ay madalas na desentralisado at iba-iba sa kanilang mga gawi at paniniwala, na nagdulot ng pangangailangan para sa mga konseho tulad ng Unang Konseho ng Nicaea noong 325 AD upang tugunan ang mga teolohikal na pagtatalo at pag-isahin ang doktrinang Kristiyano.

Ang simbahang Katoliko ay nagmula sa Imperiyal ng Roma sa kamay ni Konstantino na inpluwensiyahan ng isang pagano n na relihiyona ang tawag ay mitraismo. Kung hindi dahil kay konstantino, malamang ang relihiyon ng mitraismo ang magiging relihiyon ngayon ng mga taong naniniwala sa diyos.

Ang imperiyal ng Roma ang pinaka makapangyarihan na sibilisasyon noong mga panahon na yon. 

Dahil sa walang namununo sa grupo ng mga naniniwala sa diyos at kay kristo noon, ang mga miyembro nito ay unti unti pinagpapatay ng mga emperador ng roma noon  sa kadahilanan na sila ay nakita bilang isang banta sa estado ng Roma Noong 65 AD, si Nero ay ang unang emperor na gumawa ng batas para patayin ang mga kristiyano. Tapos noong 85 AD, ito ay na ulit sa kamay ni Domitian hanggang 300 AD sa kamay ni Diocletia. 

Ng naging emperor na si Constanito noong 325 AD, ang persekusyon ng mga katoliko ay nahinto. sa kadahilanan na ginawa nyang opisyal na relihiyon ang katolismo at pinag utos niya kung ano lamang ang mga libro na dapat ilagay sa bagong tipan. Subalit ilang lider ng simbahan na ang dating relihiyon ay mitraismo ang nagsimulang magdagdag ng kanilang mga paganong doktrina at seremonya dito sa bagong tipan kagaya ng paggamit ng holy water, ng insenso, ang konsepto ng papa, ang pagsamba sa mga larawan at rebulto, ang misa, ang krusipiksiyon, ang pagbinyag, ang pagtuli, ang pangungumpisal, ang paniniwala sa purgatoryo, pagsamba ng linggo, ang pasko, at ang trinity.

Ng bumagsak ang Imperial ng Roma noong 476 A.D, ang kapangyarihang pampulitika ay bumagsak din subalit ang simbahan ay naging higit na makapangyarihan sa lahat ng kanyang sinasakupan. Kaso ang lahat ng mga pari noon  ay may mga intensyon na maging papa, ang pinakamataas na posisyon ng simbahan. Ang mga simbahang katoliko din noon ay nag away away at nahati sa dalawa, ang griyegong simbahan (Greek Orthodox Catholic Church) ay naging simbahan sa kanluran (west) na itinayo sa rome sa italy at ang latinong simbahan (Roman Catholic Church) ay naging simbahan ng silangan (east) na na sa constantinople, turkey.

Sa oras na ito ang simbahang Romano, kasama ang kanyang Papa, Cardinals, Arsobispo, Obispo, ay nagkaroon na ng isang matibay na diktatoryal ng pamamahala na kumokontrolado sa buhay ng mga tao noon. Ang mismong mga "pari" ay tiwali, puno ng kasmaan, at imoralidad. Dito nagsimula ang tinatawag na "Dark Ages" kung saan ang mga tao na hindi naniniwala sa mga bagong doktrina ng bibliya at pagsamba nito ay pinagpapatay ng simbahan. Dahil dito ang mga tutol sa katoliko ay nagumpisang sunugin ang kanilang mga bibliya at tumiwalag sa simbahan. Ito ang kapanahunan ng "Reformist Movement". Subalit karamihan sa mga reformist na ito ay pinapatay ng simbahan sa pamamagitan ng pagsunog, paglibing ng buhay, pagtatak sa noo ng mainit na bagay, at pagbitay habang sinusunog.

Ng naimbento ang printing press, umusbong uli ang mga reformista at ang unang relihiyon na tumiwalg  sa katoliko ay ang Protestante(1517). Sinundan na ito ng Lutheran (1530), Presbyterian (1536), Anglican(1534), Baptist (1644),  Methodist (1739), Unitarian (1787); Mormons (1830); Christian Scientists (1870); Salvation Army (1876); Jehovah's Witnesses (1886); Seventh-Day Adventists (1844), Iglesia ni Kristo(1914) at ng iba pa. 

Subalit ang mga relihiyon na ito ay hindi natin masasabing tunay na simbahan ng diyos sa kadahilanan na ang mga simbahan na ito ay walang pangunahing apat ng marka ng tunay na simbahan ng diyos.

a. Ito ay itinatag ni Kristo. Pinangako ni Hesus na itatayo niya ang kanyang simbahan sa Mat. 16:18. 

b. Ito ay magsisimula noong 33 AD, ang araw ng Pentecost.( Acts 2:1-4, 41 ) hanggang sa panahon ng pagkamatay ng huling apostoles noong 100 AD.

c. Ito ay itatayo sa lungsod ng Jerusalem lamang. (Acts 2). Hindi lahat ng simbahan ng kristiyano ay may simbahan sa jerusalem o nagumpisa sa jerusalem.

d. Si Kristo lang ang tanging ulo o founder nito. (Col. 1:18). Ang mga simbahan ng kritiyano ay may kanya kanyang nagtagtag nito. Ang listahan ng mga pekeng simbahan, founder, at kung kailan tinatag ang mga ito ay matatagpuan sa episode #5.

Noong 588 AD, si John Faster ng Griyegong Orthodox Catholic Church ay ang unang diniklarang Papa ng kanilang simbahan. Samantala noong 600 AD, si Phocas aka Bonafice III naman ay naging ang unang papa ng paganong simbahang Romanong Katoliko. Pero maraming naniniwala na ang apostoles na si  Pedro ay ang unang papa ng simbahang Latinong Katoliko na nagsilbi mula 30 AD hanggang 64 AD. So sino sa mga katoliko na ito ang orihinal na papa - Greek, Rome, o Latin?

Sa episode na ito, pinakita natin na ang mga paganong elders ng imperial na roma ay nagdagdag ng kani kanilang mga paganong doktrina at seremonya sa simbahan katoliko. Dahil dito ang mga simbahan sa loob ng katoliko at ang mga taong hindi na naniniwala na sa kadalisayan ng bibilya ay unti unting humiwlaay sa katoliko at nagtayo ng kani kanilang simbahan. Subalit dahil sa apat ng marka ng tunay na simbahan, ang mga kristiyanong simbahan na tumiwalag ay pawang mga peke din.

Sa susunod na episode tatalakayin naman natin ang mga sumulat ng lumang tipan at ang doktrina ng Mitraismo, ang paganong relihiyon ng Imperyalistang Romano.

Disclaimer:

Tandaan nyo po na rinirespeto ko ang inyong mga paniniwala, ito po ay inyong karapatan, subalit may karapatan din tayo na ibahagi ang mga ibat ibang konsepto o pagaaral sa relihiyon sa buong mundo, upang sagayon ay magkaroon tayo at ang ating mga kabataan ng balanseng kaalaman at magkaroon sila ng sariling desisyon sa kanilang sariling mga paniniwala. Dahil ang mga aralin na ito ay hindi itinuturo sa mga eskweklahan sa pilipinas, ang radio podcast na ito ay naglalayong magsilbing daan na magkukunan ng edulasyon para doon sa mga taong nagnanais na palawakin ang kanilang kaalaman o pananaw upang matagpuan nila sa kanilang buhay ang tamang katotohanan at kaalaman.



The Voice of Philippine Atheism.
-----------------------------------------
Tungkol kay Atheista ng Pilipinas:
 
Ang pangalang Atheista ng Pilipinas ay isang simbolong pangalan o pen name ng may akda. Siya ay isang guro, inyehero, at manunulat. Isa siya sa mga sumulat ng libro sa physics na ginagamit ng mga estudyante sa pilipinas. Siya ang nagtatatag ng The Voice of Philippine Atheism (Boses ng Atheismo sa Pilipinas) noong 2000. Siya rin ay sumulat ng ibat ibang libro sa pilosopiya, relihiyon, teknolohiya, at siyensiya na makikita nyo sa amazon.
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Disclaimer: Ang mga artikulo sa The Voice of Philippine Atheism ay inilaan para sa balanseng edukasyon. Dahil ang site na ito ay patuloy na iniedit, inaupdate at pinagbubuti, inirerekumenda ko na bumalik madalas para sa mga bagong item. Kung nais nyong gamitin ang anumang bagay dito para sa layunin ng pantas na talakayan o di kaya sa malalim na pagreresearch, mangyaring ipagbigay-alam sa may-akda sa pamamagitan ng email o banggitin ang site sa format na ito: 
* In-text citation: (Atheista ng Pilipinas, 1975)
* Reference List: Atheista (1975). Bibliya: Ebidensya Bakit Walang Diyos. Philippines.
* Website: Atheista (2000). Bakit Walang Diyos. https://voiceofphilippineatheism.blogspot.com

Tags: The Voice of Philippine Atheism, atheist, pinoy atheist, atheism, pinoy atheismo, Philippine Atheism, Filipino Atheists, Atheista ng Pilipinas



#atheists_of_the_philippines #trendvids #number_one #trend #positive_influencer #exposed #viral #dislike #atheista_ng_pilipinas #voice_of_philippine_atheism #atheism #god #jesus_christ #arguments_against_god 






No comments:

Post a Comment