Wednesday, February 14, 2001

Mga Palpak sa Bibliya

Ang sabi ng Bibliya, and salita daw ng Diyos ay busilak at puro (Psalm 12:6 at Deuteronomy 4:2). Ang tao ay walang karapatan na dagdagan o kulangan ang salita ng diyos. Ang tao ay wala ring karapatan na palitan o baguhin kahit isang letra o salita ang bibliya dahil ito ay gawa ng isang makapangyarihan at matalinong Diyos. Ang salita ng diyos ay hindi dapat magkamali o hindi kayang magsinungaling. Totoo kaya ito? Busisiin natin ang bibliya at tignan natin kung ito nga kaya ay walang mali o hindi nagsisinungaling.

1. Ang ginto at pilak ay kinakalawang. Mali!


2. Ang baboy, hipon at patatas ay kinakain ng mga pari at obispo. Tama!


3. Ang mga insekto daw ay may apat na paa lamang. Mali!


4. Wala daw bahaghari bago nagkaroon ng malawakang baha sa buong mundo. Mali!


5. Ito lang daw ang bilang na mapupunta sa langit. Tama!

6. Mga pari at obispo na nagsasabi ng ang kasal ay mali.


7. Iisa lang daw ang Diyos. Siya ang simula at katapusan. Mali!










Alam nyo ba na ang bibliya ay nagpapatotoo na ang mundo ay may gilid at may apat na sulok. Ito din daw ay nakapatong sa pundasiyon para ito ay hindi gumalaw. At ang langit daw ay patag at ang mundo ay bilog na patag. (Job 38:13, Psalm 104:5, Job 9:6, Isaiah 40:28).

Ang bibliya ay naniniwala sa tikbalang, halimaw, aswang, kapre, ahas na nagsasalita, sirena, unicorns,
dragons, at demigods

Sinasabi ng Bibliya na ang Araw ay gumagalaw sa ibabaw ng Mundo sa halip na ang mundo ay umiikot sa paligid ng Araw.

Kung perfecto ang diyos at malawak ang kaalaman, bakit linikha nya ang mga tao, hayop, at halaman sa buong mundo at pagkatapos ay papatayin lang nya ito sa pamamagitan ng malaking malaking baha. 

Ayon sa Bibliya, inutusan ng diyos si Noah na gumawa ng arko na may mga sukat na 450 talampakan ang haba, 75 talampakan ang lapad, at 45 talampakan ang taas. Ito ay may tatlong palapag na may kabuuang espasyo na 101,250 square feet (mas maliit sa Titanic, at mas malaki kaunti sa Queen Mary). 

Sa arko na ito,  isasakay ni Noah ang lahat ng uri ng hayop sa buong mundo kasama ang mga dinosaurs. Ang baha ay umano’y tumagal ng mga 370 araw, halos isang taon. 

Ngayon, paano napakain ni noah ang mga milyong hayop sa arko. Saan siya kumuha ng tubig para painumin niya ito sa loob ng isang taon. Paano nakapunta ang mga ibang hayop sa kabilang parte ng mundo sa arko?

Ayon sa kuwento, ang arko ay may iisang bintana lamang. Isang maliit na bintanang may sukat na labing-walong pulgada. Ang arko ay ganap na sarado sa hangin at tubig dahil sa pinahid dito ayon sa utos ng Diyos. Kahit bukas ang maliit na bintanang ito, hindi ito magbibigay ng sapat na bentilasyon para sa libo libong hayop na namumuhay sa napakasikip na espasyo sa loob ng arko. Sa loob lamang ng ilang oras, karamihan sa kanila ay mamamatay. 

kung totoo ngyari nga ang great flood, bakit pa may mga lamok, gamo gamo, daga, butiki, octupus, bubuyog, tutubi, langaw, paroparo. Ang mga hayop na ito ay nabubuhay lamang mula sa isang araw hanggang isang buwan lamang. 

Bukod ito, ang bibliya ay nagpapatotoo rin na ang mundo ay may gilid at may apat na sulok. Ang mundo din daw ay nakapatong sa pundasiyon para ito ay hindi gumalaw. At ang langit daw at ang mundo ay patag. (Job 38:13, Psalm 104:5, Job 9:6, Isaiah 40:28).

 Kung ang kuwento nina eba at adam, at ang ahas na nagsasalita ay pawang mg simbulo lamang (allegory), ibig sabihin na hindi pala totoo ang orihinal na kasalanan. Kung ganon bakit nagpapako si kristo sa krucs?

Kung si eba at adan ay puti at ikaw ay hinid naniniwala sa ebolusyon, paano ka naging pinoy na may brown na skin?


Dahil sa mga ebdiensiya ng mga kamalian ng bibliya, nagpapatunay lamang ito na ang diyos ay hindi perfecto. Kung ang diyos na ito ay hindi perfecto, ibig sabihin ang diyos ng Kritiyano ay hindi ang tunay na diyos. 

Sa kabuodan ng ating mga tinalakay mula sa episode one, pinapatunayan natin na ang diyos ay hindi totoo dahil sa mga sumunod na mga ebidensiya:

1. Ang Historiya ng bibliya at ang mga laman nito.
2. Ang Historiya ng mga simbahan at ang mga founders nito.
3. Ang Doktrina ng Katoliko laban sa Judaismo
4. Ang mga mali, dagdag, at kasinungalingan sa bibliya

Sa susunod na episode, tatalakayin naman natin kung totoo ba si Jesus ang Kristo?



The Voice of Philippine Atheism.
-----------------------------------------
Tungkol kay Atheista ng Pilipinas:
 
Ang pangalang Atheista ng Pilipinas ay isang simbolong pangalan o pen name ng may akda. Siya ay isang guro, inyehero, at manunulat. Isa siya sa mga sumulat ng libro sa physics na ginagamit ng mga estudyante sa pilipinas. Siya ang nagtatatag ng The Voice of Philippine Atheism (Boses ng Atheismo sa Pilipinas) noong 2000. Siya rin ay sumulat ng ibat ibang libro sa pilosopiya, relihiyon, teknolohiya, at siyensiya na makikita nyo sa amazon.
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Disclaimer: Ang mga artikulo sa The Voice of Philippine Atheism ay inilaan para sa balanseng edukasyon. Dahil ang site na ito ay patuloy na iniedit, inaupdate at pinagbubuti, inirerekumenda ko na bumalik madalas para sa mga bagong item. Kung nais nyong gamitin ang anumang bagay dito para sa layunin ng pantas na talakayan o di kaya sa malalim na pagreresearch, mangyaring ipagbigay-alam sa may-akda sa pamamagitan ng email o banggitin ang site sa format na ito: 
* In-text citation: (Atheista ng Pilipinas, 1975)
* Reference List: Atheista (1975). Bibliya: Ebidensya Bakit Walang Diyos. Philippines.
* Website: Atheista (2000). Bakit Walang Diyos. https://voiceofphilippineatheism.blogspot.com

Tags: The Voice of Philippine Atheism, atheist, pinoy atheist, atheism, pinoy atheismo, Philippine Atheism, Filipino Atheists, Atheista ng Pilipinas



#atheists_of_the_philippines #trendvids #number_one #trend #positive_influencer #exposed #viral #dislike #atheista_ng_pilipinas #voice_of_philippine_atheism #atheism #god #jesus_christ #arguments_against_god 

No comments:

Post a Comment