Wednesday, February 28, 2007

Bakit Walang Bisa ang Pagdarasal



Noong isang linggo ako ay linapitan ng tatlong kasama ko sa opisina na may mga problema sa kanilang kalusugan .

Ang isa sa kanila ay bombay na galing sa Punjab, India. Siya ay naka-iskedyul para sa isang pagtitistis sa leeg o neck surgery. Sinabi niya sa akin na maaaring mapinsala ang kanyang utak o maaaring siyang mamatay sa sakit na ito. Sinabi niya sa akin kung maari magdasal ako para sa kanyang kaligtasan at Kaayusan ng kanyang kalusugan. Ang kanyang relihiyon ay Hinduism. Siya ay nagdadasal sa ibat ibang diyos at diyosa, mula kay Brahma, Vishna at iba pa.

Matapos ang dalawang araw, isa pa sa aking kaibigan na isang fundamentalist christian, naniniwalas kay Jehovah, ay nagiwan ng mensahe sa aking telepono na nagsasabi na siya ay pasasailalim sa isang hysterectomy. Mula sa tono ng kanyang boses, ramdam ko na para rin siyang humihingi na ipagdasal ko siya para sa kanyang pagbuti.

At nitong Biyernes, ang aking boss ay pumunta sa aking opisina at sinabi sa akin na siya ay mawawala ng mga ilang buwan dahil may pagtitistis siya sa kanyang kanang tuhod. Sinabi ng doktor sa kanya na ang kanyang binti ay puputulin kung hindi kaagad gagawin and pagtitistis na ito. Mula sa aming pag-uusap, pakiramdam ko na siya ay naghahanap ng tulong sa akin sa pamamagitan ng panalangin. Siya ay mula sa Japan, isang deboto ng Shintoism at nagdadasal sa diyos na Kami. 

Sa tatlong pangyayari na ito, tatlo kong kaibigan ang humihingi sa akin na manalangin ako para sa kaibubuti nila, Subalit, wala silang kaalam-alam na ako ay isang tao na hindi naniniwala sa isang diyos.

Kung ikaw ang nasa katayuan ko, paano mo hahawakan ang tatlong sitwasyon na ito? Paano mo gagampanan ang kanilang mga kahilingan? Magiging epektibo ba kaya ang iyong pagdarasal sa kanilang mga diyos o sa diyos mo?

Tandaan na ang tatlong tao dito sa ating istorya ay may ibat ibang paniwala sa Diyos, may ibat ibang relihiyon, at may ibat ibang sinasamba na diyos.  Sino kaya sa kanila ang pakikingan ng diyos nila o ng diyos mo? Sino kaya sa kanila ang tunay na sumasamba sa tunay na diyos? May bisa kaya ang kanilang pagdarasal sa isat isa?

Paano kung ang tatlong kaibigan ko na ito na ito ay hindi pumunta sa hospital para gamutin ng kanilang mga doktor at sa halip ay magdasal na lamang sa kani-kanilang diyos, sa tingin mo lahat sila ay gagaling? Sino kaya sa kanila ang sasagutin at pagagalingin ng diyos? Kung silang lahat ay gagaling, ibig sabihin marami palang diyos. Kung isa lang sa kanila ang gagaling, malaking posibilidad, na ang diyos nito ay ang tunay na diyos at ang mga natira ay may mga pekeng sinasamba.

Pinatunayan natin dati na ang diyos ay may pinagmulan.  Ang kalikasan ay binuo ng maraming diyos at hindi iisa. Ang diyos ay walang kasarian at ang diyos ay walang anyo. Subalit ang nakapagtataka, ang larawan ng diyos ay makikita sa mga altar sa bahay ng mga diboto at sa mga simbahan nito na kanilang pinagdadasalan. Sino kaya ang pekeng tao na ito na nasa larawan?

Pinatunayan din natin na si Hesukristo ay wala sa bibliya, ang pangalang Hesukrtisto ay hindi firstname at lastname, hindi siya ang tunay na messiah na tinutukoy ng diyos, hindi siya ang anak ng diyos, ang litrato na sinasamba ng mga katoliko at kristiyano ay ang impostor na larawan ni hesuskristo. Sino naman ang tao na ito sa larawan na kanilang pinagdarasalan?

Dito nakita natin na ang mga naniniwala sa diyos ay walang kaalam alam na ang mga litrato ng diyos at ni kristo sa kanilang mga altar at simbahan ay pawang mga peke o impostor. Nakita din natin na ag pangalan ng diyos at ni kristo ay hindi tunay na mga pangalan. 

Kung ang mga ebidensiya na ito ay nagpapatunay na ang ang mga litrato at pangalan ngng diyos at ni kristo ay pawang mga hindi totoo, ito ay malaking kasinungalingan at insulto sa katalinuhan ng mga naniniwala sa diyos. 

Kaya pala pag sila ay nagdarasal sa gabi, ang kanilang mga panalangin ay hinid sinasagot ng diyos sa kadahilanan na ang pinagdarasalan nila ay isang pekeng litrato o imahen ng diyos at ni kristo.

Para maging epektibo ang pagdarasal, dalawang elemento ang dapat nandoon: ikaw at swerte.

Ang buhay ay my adalawang choices lang. swerte o malas. 

Halimbawa, kung pinagdadasal mo ay manalo sa lotto, unang una dapat mong gawin ay ikaw ay bumili ng ticket at pangalawa, dapat may suwerte ka. Kung pinagdarasal mo naman ay magkaroon ng sariling bahay, unang una dapat ikaw ay may pambili ka at at suwerte ka kung may pera ka.

Kung idedepende mo lang ang mga ito sa dasal, ito ay hindi mangyayari. Dapat ay may ticket ka o pera para mangyari ang mga ito.

Ang bisa ng pagdarasal ay nasa sa iyo, at hindi dahil ang diyos ang gagawa nito para sa iyo. 

Bilyon bilyon and mga nagdarasal na sana magkaroon ng kapayapaaan sa buong mundo, kaso hanggang ngayon marami ang namamatay na mga inosenteng bata, babae, matatanda, may kapansanan dahil sa gera at kasakiman ng tao.



The Voice of Philippine Atheism.
-----------------------------------------
Tungkol kay Atheista ng Pilipinas:
 
Ang pangalang Atheista ng Pilipinas ay isang simbolong pangalan o pen name ng may akda. Siya ay isang guro, inyehero, at manunulat. Isa siya sa mga sumulat ng libro sa physics na ginagamit ng mga estudyante sa pilipinas. Siya ang nagtatatag ng The Voice of Philippine Atheism (Boses ng Atheismo sa Pilipinas) noong 2000. Siya rin ay sumulat ng ibat ibang libro sa pilosopiya, relihiyon, teknolohiya, at siyensiya na makikita nyo sa amazon.
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Disclaimer: Ang mga artikulo sa The Voice of Philippine Atheism ay inilaan para sa balanseng edukasyon. Dahil ang site na ito ay patuloy na iniedit, inaupdate at pinagbubuti, inirerekumenda ko na bumalik madalas para sa mga bagong item. Kung nais nyong gamitin ang anumang bagay dito para sa layunin ng pantas na talakayan o di kaya sa malalim na pagreresearch, mangyaring ipagbigay-alam sa may-akda sa pamamagitan ng email o banggitin ang site sa format na ito: 
* In-text citation: (Atheista ng Pilipinas, 1975)
* Reference List: Atheista (1975). Bibliya: Ebidensya Bakit Walang Diyos. Philippines.
* Website: Atheista (2000). Bakit Walang Diyos. https://voiceofphilippineatheism.blogspot.com

Tags: The Voice of Philippine Atheism, atheist, pinoy atheist, atheism, pinoy atheismo, Philippine Atheism, Filipino Atheists, Atheista ng Pilipinas



#atheists_of_the_philippines #trendvids #number_one #trend #positive_influencer #exposed #viral #dislike #atheista_ng_pilipinas #voice_of_philippine_atheism #atheism #god #jesus_christ #arguments_against_god 

No comments:

Post a Comment