Sabi ng tatay ko, ang buong sanglibutan ay linikha ng isang makapangyarihang diyos na may powers o magik. Linikha nya ang buong kalikasan sa loob lamang ng pitong araw. Ang pitong araw ng paglika ng diyos ay ang mga sumusunod:
1. Langit at mundo
2. Tubig
3. Halaman at puno
4, Bituin at araw
5. Mga hayop
6. Tao
7. Araw ng pahinga
Ito ay base sa bibliya ng mga protestante: ang King James Version.
Sabi ko naman sa kanya na may mali sa kuwento: "Bago mo makita ang lahat ng mga bagay, dapat may isang source na pinagmumulan ng liwanag
Ang sagot nya: " Tama ka doon. Sa ikatlong istansa ng Genesis, ang sabi ng diyos ay "magkaroon ng liwanag". Kaya ayun nagkaroon ng liwanag
"Kaso saan galing ang liwanag
Sagot ng tatay ko: " Eh, di sa araw
"Teka, akala ko ang araw ay linikha sa pang-apat na araw "Ay, oo nga pala, hehehe!" Sabay buklat sa pahina ng bibliya: "Ang sabi sa ikalimang istansa ng Genesis, ang kaliwanagan ay tinawag nyang umaga at ang kadiliman ay tinawag nyang gabi! Hmmm...pero hindi nakasaad kung saan nang gagaling ang liwanag. Alam ko ang buong kalawakan ay isang malamig at madilim na lugar, kaya maaring sa diyos mismo nang gagaling ang liwanag
"Okey, ilagay na tama ang pananaw ninyo. Ang ibig sabihin ba nyan ay ang diyos ay may daladalang sariling ilaw, flashlight o lampara kaya? O di kaya para siyang isang firefly na nababalot ng liwanag kagaya ng ibang mga bioluminiscent na mga hayop? Kung ganoon hindi siya tao? Ano siya
"Hay naku anak! para kang lolo mo namahilig magtanong ng magtanong. O sige magsaing ka muna at nagugutom na ako. Itutuloy na lang natin ang talakayan na ito mamaya punto por punto

"Hay naku anak! gutom lang yan. Actually, si Apolinario Mabini ang the First Filipino Atheist o Unang Atheistang Pinoy. Alam mo ba bakit? Dahil siya ang unang nagpanukala sa paghihiwalay ng simbahan at gobyerno.
Ang galing talaga ng tatay ko!!!
# The Voice of Philippine Atheism.
-----------------------------------------
Tungkol kay Atheista ng Pilipinas:
Ang pangalang Atheista ng Pilipinas ay isang simbolong pangalan o pen name ng may akda. Siya ay isang guro, inyehero, at manunulat. Isa siya sa mga sumulat ng libro sa physics na ginagamit ng mga estudyante sa pilipinas. Siya ang nagtatatag ng The Voice of Philippine Atheism (Boses ng Atheismo sa Pilipinas) noong 2000. Siya rin ay sumulat ng ibat ibang libro sa pilosopiya, relihiyon, teknolohiya, at siyensiya na makikita nyo sa amazon.
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
* In-text citation: (Atheista ng Pilipinas, 1975)
* Reference List: Atheista (1975). Bibliya: Ebidensya Bakit Walang Diyos. Philippines.
* Website: Atheista (2000). Bakit Walang Diyos. https://voiceofphilippineatheism.blogspot.com
Tags: The Voice of Philippine Atheism, atheist, pinoy atheist, atheism, pinoy atheismo, Philippine Atheism, Filipino Atheists, Atheista ng Pilipinas

#atheists_of_the_philippines #trendvids #number_one #trend #positive_influencer #exposed #viral #dislike #atheista_ng_pilipinas #voice_of_philippine_atheism #atheism #god #jesus_christ #arguments_against_god
No comments:
Post a Comment