Sunday, September 15, 2024

Ang Dakilang Apostasya

Sa mga naunang mga episodes, pinatunayan natin na ang bibliya ay galing sa Judaismo, dinagdagan ito ng mga katoliko, at kinopya naman ng mga Islam. Itong tatlong sinaunang grupo na ito ay ang kauna unahanag tunay na mga relihiyon na sumasamba sa diyos ni abraham, jacob, at moses noon. Kung ang relihiyon mo ay hindi isa dito sa tatlo, malaking posibilidad na ikaw ay pupunta sa impiyerno, kasi ang sabi sa Galatians 1:8-9: "Ang mga tao o simbahan na nangangaral sa inyo ng anomang ebanghelyo na naiiba sa aming ipinangaral (ibig sabihin ang bibliya ng katoliko), ay susumpain ng diyos. 

Tandaan ang kristiyano at katoliko ay magkaiba. Kung ikaw ay kristiyano at hindi katoliko, malamang na susumapain ka ng diyos. Pero, hindi pa huli ang lahat, may pagasa ka pang magbago, dahil noong sanggol ka palang, ipinanganak kang ng isang atheista. Dahil lang sa tatay at nanay mo kaya ka lang nagkaroon ng relihiyon.

Sa episode na ito tatalakayin naman natin ang Dakilang Apostasiya at bakit ang lahat ng simbahan na tumalikod sa Katoliko, na tinatawag ngayon na kristiyano, na nagdagdag, nagbawas, o nagiba ng turo ng bibliya ay susumpain ng diyos.

Ito ay nakasaad sa bibliya kung saan ang sabi ni apostoles Paulo, kung ang salita ng diyos ay nabago sa anumang paraan, kahit maliit, ito ay hindi na ang tunay na ebanghelyo ng diyos at ito ay hindi na naglalaman ng tunay na katotohanan.

 Ano ba ang Apostasy o Apostasiya?

Ang Dakilang Apostasiya ay ang panahon kung saan si jesus at ang kanyang mga apostoles ay mga namatay na. Dahil dito nawalan na ng pinuno o gabay ang mga taong naniniwala noon sa diyos at kay kristo. Ito ay nangyari noong 30 AD (ang panahon na namatay si kristo) hanggang mga 100 AD (ang panahon kung saan ang huling apostol na si Juan ay namatay).

Ang terminong "Dakilang Apostasiya" ay galing sa 2 Tesalonica 2:3, kung saan binanggit ni Apostol Pablo na magkakaroon ng malawakang pagtalikod mula sa  pananampalatayang kay kristo, kung saan ito ay dapat maganap para mangyari ang pagbabalik ni Kristo muli.

Dahil sa walang namununo sa grupo ng mga naniniwala sa diyos at kay kristo noon, ang mga miyembro nito ay unti unti pinagpapatay ng mga emperador ng roma noon  sa kadahilanan na ang Kristiyanismo ay nakita nila bilang isang banta sa estado ng Roma kung saan tinanggihan nito na sambahin ang paganong diyos ng Roma at hindi kinilala nito ang katayuan ng emperador noon na bilang banal o divine. Noong 65 AD, si Nero ay ang unang emperor na gumawa ng batas para patayin ang mga kristiyano. Tapos noong 85 AD, ito ay na ulit sa kamay ni Domitian at sa mga nagdaan na mga hari o emperador. Ng naging emperor na si Constanito noong 325 AD, ang persekusyon ng mga kristiyano ay nahinto sa kadahilanan na ginawa nyang opisyal na relihiyon ang kristiyanismo at pinalimbag nya ang bagong tipan at kung saan inutos niya kung ano lamang ang mga libro na dapat ilagay sa bagong bibiliya.

Dahil dito sa kautasan ni Conastantino, ang mga doktrina sa bibliya ay nabago at ang mga turo nito ay naiba sang ayon sa pilosopiya ng Greco-Romano at ng relihiyon nitong paganismo, ang unang relihiyon ni Konstantino. Dahil dito ang orihinal na pananampalataya galing sa diyos o ni kristo ay naging kontaminado na o adulterado at hindi na puro hanggang sa ngayon. Ang mga paganong doktrina, mga paganong seremonya, at mga paganong praktis ng una nilang relihiyon ay naihalo na sa bibliya.

Kagaya ng:

1. Ang doktrina tungkol sa Holy Trinity, kung saan ang banal na espiritu at si Jesucristo ay dapat maging kapareho ng Diyos Ama.

2. Ang doktrina ng Orihinal na Kasalanan kung saan ang lahat ng tao ay nagmana ng kasalanan nina  Adan at Eba. Ang tanong kasama kaya ang mga atheists, heretics, at apostates dito?

3. Ang Pagbibinyag ng Sanggol  upang linisin ang minanang orihinal na kasalanan mula kina eba at adan sa pamagitan ng pagbasbas ng banal na tubig o Holy Water.

4. Ang pagsamba sa mga santo at pagdarasal sa mga ito; ito ay mga paganong paguugali.

5. Ang mga paniniwala tungkol sa Birheng Maria, ng kanyang walang hanggang pagkabirhen, walang dungis na paglilihi, at ang pag-akyat nya sa langit, ay mga naidagdag din.

6. Ang Sakramento ng Eukaristiya kung saan ang tinapay at alak ay nagiging tunay na katawan at dugo ni Cristo.

7. Ang sakramento ng kumpisal kung saan dapat mo sabihin sa pari ang mga kasalanan mo.

8. Ang pagbuo ng Apostle's creed (nicene creed).

9. Ang pagdagdag ng pitong kasalan (seven deadly sins)

10. Ang pagtatalo kung si Kristo ay dapat tawagin na isang divine o simpleng ordinaryong tao.

11. Ang pagkanta at paggamit ng musika sa simbahan.

12. Ang malawak na autoridad ng Papa sa lahat na simbahang katoliko. 

Ang mga pagbabago na ito ay sumasalamin sa paglihis mula sa orihinal na turo ng diyos at praktis.

Dahil sa mga pagbabago na ito sa orihinal na salita ng diyos na dinagdag ng mga tiwaling pari ng romanong simbahan na may bahid pagano at dahil sa politika, ang mga simbahang katoliko noon ay nagumpisang nagaaway at kalaunana ay mga naghiwalay. Itong paghihiwalay ng griyegong simbahan (Greek Orthodox) sa latinong simbahan (Roman Catholic) ay tinawag ng ang Dakilang Paghahati o Skima(maghiwalay).

Ang Roman Catholic Church ay naging ang simbahan sa kanluran (west), at ang Greek Orthodox Catholic Church naman ay naging simbahan ng silangan (east). Ang simbahan ng katoliko ay itinayo sa rome sa italy at ang orthodox naman ay sa constantinople sa turkey. Dahil sa hindi pagsasangayon ng bawat isa sa kani kanilang mga paniniwala sa diyos, bibilya, at gawain, ini-excommunicate nila ang isat isa. Maraming hindi nakaaalam na dalawa ang basalica ng katoliko: isa ay na rome at isa ay nasa turkey.

Dahil sa Dakilang Apostasiya, kung saan ang turo at simbahan ni kristo ay nagbago sa orihinal na turo at simbahan ng diyos, ibat ibang relihiyon at simbahan ang unting unti sumisibol para ibalik ang orihinal na laman ng bibiliya. Ito ang kapanahunan ng "Reformist Movement" na kumakatawan sa pagpapanumbalik ng orihinal na pananampalataya. Alam natin na ang unang tumiwalag sa katoliko ay ang Protestante(1517). Sinundan na ito ng Lutheran (1530), Presbyterian (1536), Anglican(1534),  Episcopal (1609), Congregationalists (1608); United Brethren (1610);  Baptist (1644),  Methodist (1739), Unitarian (1787); Mormons (1830); Christian Scientists (1870); Salvation Army (1876); Jehovah's Witnesses (1886); Seventh-Day Adventists (1844), Iglesia ni Kristo(1914) at ng iba pa. 

Sa episode na ito, pinatunayan natin na mula ng namatay si kristo at ang kanyang mga apostoles, ang bibliya at simbahan ni kristo ay nalagay sa peligro sa kamay ng mga romano. Dahil sa pagsasalin mula sa hebrew, griyego, at latin; dahil sa mga pakikialam ng mga liderato at pari ng roma, at dahil sa mga dagdag ng paganong panininiwala, ang mga pagbabago na ito sa bibiliya ay isang paglihis mula sa orihinal na turo ng diyos. Dahil sa Apostasiya na ito, nagsimula ang reformasiyon at restorasyon sa salita ng diyos ngunit kung saan ibat ibang simbahan at relihiyon naman ang unti unti umusbong at naproklama na sila ang tunay na mga simbahan ng diyos. 

Sa mga kadahilanan na ito, pinatunayan natin na ang bibilya na ginagamit ngayon ay hindi na busilak at  tunay na gawa ng diyos kung saan ang bagong tipan ay dinagdag sa lumang tipan. Dahil ang bibliya na gingamit ng mga simbahan ngayon ay hindi na ang orihinal na gawa ng diyos,  ang lahat ng mga gumagamit nito ay susumpain ng matindi ng diyos ayon sabi sa bibliya (galatian).

Sa susunod na episode tatalakayin naman natin ang istorya ng simbahang Katoliko at ang Apat ng Marka ng Tunay na Simbahan ng diyos base sa (Matthew. 16:18), (Acts 2),  at (Colossian l. 1:18) .

Sa kabuodan ng ating mga tinalakay sa podcast na ito, mula noon unang episode hanggang ngayon, pinatunayan natin na walang diyos base sa ating mga tinalakay na ebidensiya, kagaya ng

1. Ang pagkabuo ng bibliya na makikita sa episode #4
2. Ang tunay na simbahan ng diyos at ang mga pekeng simbahan ay makikita sa episode #5
3. Ang orihinal na bibliya at ang orihinal na pagtuturo nito ay makikita sa #6,7,8
4. Ang mga mali, dagdag, at kasinungalingan sa bibliya nito na makikita sa episode #9
5. Ang pangalang Jesu Kristo ay wala sa bibliya, ang paliwanag ay nasa episode #10.
6. Si jesus ay hindi ang tunay mesiyas, ang paliwanag ay nasa episode 11.
7. Ang kabastusan ni Jesus ay makikita sa episode #12
8. Ang tunay na anyo ni kristo ay makikita sa episode #13
9. Ang mga kasamaan ng diyos ay tinatalakay sa episode #14.
10. Sino o Ano ang lumikha sa diyos ay matutunghayan sa episode #15.
11. Ang diyos ba ay babae o lalaki ay na nasa episode #16.
12. Ang mundo daw ay sentro ng universe ay nasa episode #17.
13. Bakit ang tao ay walang kaluluwa ay nasa episode #18.
14. Bakit walang langit ay nasa episode #19.
15. Saan nakalagay ang marka ng diyos ay nasa episode #20.
16. UFO sasakyan papunta sa langit ay nasa episode #21.
17. Kristo hindi anak ng diyos ay nasa episode #22.
18. Ang dakilang apostasiya ay nasa episode #23.

--------------------------------------------------------

Ang mga panahon o taon kung kailan itinatag ang unang limang patriyarkado:

1. **Roma**: Ang Obispo ng Roma ay tradisyonal na itinuturing na itinatag ni San Pedro noong ika-1 siglo AD, mga 33-64 AD. Matatagpuan sa gitnang Italya, ang Roma ay ang kabisera ng Italya at nasa tabi ng Ilog Tiber.

2. **Constantinople**: Itinaas bilang isang patriyarkado noong 381 AD sa panahon ng Unang Konseho ng Constantinople. Kilala ngayon bilang Istanbul, matatagpuan ito sa hilagang-kanlurang Turkey, na sumasaklaw sa Bosphorus Strait sa pagitan ng Europa at Asya.

3. **Alejandria**: Itinatag noong ika-1 siglo AD, tradisyonal na iniuugnay kay San Marcos mga 42-62 AD. Matatagpuan sa hilagang Ehipto, ang Alejandria ay isang pangunahing lungsod ng daungan sa Dagat Mediteraneo, sa kanlurang dulo ng delta ng Ilog Nile.

4. **Antioch**: Itinatag din noong ika-1 siglo AD, tradisyonal na nauugnay kay San Pedro bago siya lumipat sa Roma, mga 34-37 AD. Kasalukuyang Antakya, matatagpuan sa timog-sentral na Turkey, malapit sa bunganga ng Ilog Orontes.

5. **Jerusalem**: Kinilala bilang isang patriyarkado sa Konseho ng Chalcedon noong 451 AD, bagaman ang komunidad ng Kristiyano nito ay nagsimula pa noong panahon ni Jesus. Matatagpuan sa Gitnang Silangan, ang Jerusalem ay isang lungsod sa Israel, na nasa isang talampas sa Kabundukan ng Judaean sa pagitan ng Dagat Mediteraneo at Dagat Patay.

Sa maagang panahon ng medyebal, ang mga misyonerong Ortodokso ay nagpalaganap ng Kristiyanismo patungo sa hilaga, sa mga Bulgaro, Serbo, Ruso, at iba pa. Samantala, isang unti-unting proseso ng pagkakahiwalay ang naganap sa pagitan ng apat na Silangang Patriyarkado at ng Simbahang Latin ng Roma, na nagtapos sa Dakilang Pagkakahati noong ika-11 siglo, kung saan ang Ortodoksiya at ang Simbahang Latin (na kalaunan ay tinawag na Simbahang Katoliko Romano).

Ang konseptong ito ay ginagamit upang ipaliwanag ang pagbuo ng iba't ibang mga grupong Kristiyano at ang nakikitang pangangailangan para sa pagbabalik sa orihinal na mga turo ni Kristo. Ang ilang mga grupong Kristiyano, tulad ng mga Latter-day Saints (Mormons) at mga Saksi ni Jehova, ay naniniwala na ang tradisyunal na mga Katoliko ay nahulog sa apostasiya at ang kanilang mga kilusan ay kumakatawan sa pagpapanumbalik ng orihinal na pananampalataya.

Basic identifying marks of the church.

a. It was founded by Christ. (Matt. 16:18)

b. It began in the city of Jerusalem. (Acts 2)

c. It began about 30 a.d. (Acts 2)

d. Christ is its only head. (Col. 1:18) 

Disclaimer:

Tandaan nyo po na rinirespeto ko ang inyong mga paniniwala, ito po ay inyong karapatan, subalit may karapatan din tayo na ibahagi ang mga ibat ibang konsepto o pagaaral sa relihiyon sa buong mundo, upang sagayon ay magkaroon tayo at ang ating mga kabataan ng balanseng kaalaman at magkaroon sila ng sariling desisyon sa kanilang sariling mga paniniwala. Dahil ang mga aralin na ito ay hindi itinuturo sa mga eskweklahan sa pilipinas, ang radio podcast na ito ay naglalayong magsilbing daan na magkukunan ng edulasyon para doon sa mga taong nagnanais na palawakin ang kanilang kaalaman o pananaw upang matagpuan nila sa kanilang buhay ang tamang katotohanan at kaalaman.



The Voice of Philippine Atheism.
-----------------------------------------
Tungkol kay Atheista ng Pilipinas:
 
Ang pangalang Atheista ng Pilipinas ay isang simbolong pangalan o pen name ng may akda. Siya ay isang guro, inyehero, at manunulat. Isa siya sa mga sumulat ng libro sa physics na ginagamit ng mga estudyante sa pilipinas. Siya ang nagtatatag ng The Voice of Philippine Atheism (Boses ng Atheismo sa Pilipinas) noong 2000. Siya rin ay sumulat ng ibat ibang libro sa pilosopiya, relihiyon, teknolohiya, at siyensiya na makikita nyo sa amazon.
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Disclaimer: Ang mga artikulo sa The Voice of Philippine Atheism ay inilaan para sa balanseng edukasyon. Dahil ang site na ito ay patuloy na iniedit, inaupdate at pinagbubuti, inirerekumenda ko na bumalik madalas para sa mga bagong item. Kung nais nyong gamitin ang anumang bagay dito para sa layunin ng pantas na talakayan o di kaya sa malalim na pagreresearch, mangyaring ipagbigay-alam sa may-akda sa pamamagitan ng email o banggitin ang site sa format na ito: 
* In-text citation: (Atheista ng Pilipinas, 1975)
* Reference List: Atheista (1975). Bibliya: Ebidensya Bakit Walang Diyos. Philippines.
* Website: Atheista (2000). Bakit Walang Diyos. https://voiceofphilippineatheism.blogspot.com

Tags: The Voice of Philippine Atheism, atheist, pinoy atheist, atheism, pinoy atheismo, Philippine Atheism, Filipino Atheists, Atheista ng Pilipinas



#atheists_of_the_philippines #trendvids #number_one #trend #positive_influencer #exposed #viral #dislike #atheista_ng_pilipinas #voice_of_philippine_atheism #atheism #god #jesus_christ #arguments_against_god 




No comments:

Post a Comment