Sa episode na ito paguusapan natin ang Argumento ng Limos, o ang Titheolohical Argument, isang uri ng pangangatwiran na kung saan ang pagbibigay ng limos o abuloy sa simbahan ay isang malaking kasalan, kabastusan, at dumudungis sa pangalan ng diyos.
Ang Titheological Argument, o Argumento ng Abuloy, ay nagmula sa mga salitang Griyego na "tithes" (δεκάτη), na nangangahulugang "sampu" (δέκα, deka), na ibig sabihin ay ikasampung bahagi ng kita o ani, at "logos" (λόγος), na nangangahulugang ng "explanasiyon" o "argumento".
Ang argumento ay linalahad ng ganito (Modus Ponens):
1: Kung ang pagaabuloy o paglimos sa simbahan ay para sa pansariling kapakinabangan, benepisyo, o palabas,
2: Kung saan ang pangalan ng Diyos ay ginamit mo ng sinasadya o hindi.
3: Samakatuwid, ito ay isang kasalanan na sumusuway sa ikatlong utos ng diyos.
Sa Leviticus 27:30, Deuterenomy 14:22, at Malachi 3:10, sinasabi dito na sino man ang naniniwala sa diyos ay dapat magbigay ng ikasampung bahagi ng kanyang kita o ani sa simbahan o pari. Ang tawag sa pag aabuloy o paglimos na ito ay Tithes o Tithing.
Ang kaugalian ng paglilimos sa simbahan ay nangyayari dahil ito dawa ng utos ng diyos sabi ng mga pari. Karamihan sa mga namamanapalataya ay naniniwala na sila ay pagpapalain kung sila ay magbibigay ng pera sa diyos. At sa huli, sila ay naniniwala na pupunta sila sa langit. Subalit ang lahat na mga ito ay pawang mga kasinungalingan lamang.
Una, karamihan o lahat na nagaabuloy sa simbahan ay sa totoo lang ay may mga personal na maitim na intensiyon. Ang kanilang pagaabuloy ay minsan isang palabas lamang: Karamihan sa kanila ay may mga motibo na umunlad lamang sa kanilang buhay. Ang iba ay para magpasikat lamang. At ang iba pa ay may mga personal na hangarin kung saan ang pangalan ng diyos ay nailalagay sa walang kabuluhan o saysay. Sa isip ng mga naniniwala sa diyos, ang abuloy ay katumbas ng gantimpala mula sa diyos, isang maitim na katotohanan na ginagawa ng lahat ng mga niniwala sa diyos.
Kahit ang iba sa kanila ay naghibhirap o walang wala sa buhay, pinipilt pa rin nila na magabuloy sa simbahan sa paniniwala na bibiyayaan sila ng diyos sa huli. Ang iba naman ay naniniwala na kung mas marami ang inabuloy nila, sa isip nila mas malaki ang gantimpala na makukuha nila sa diyos. Kaya makikita ninyo na ang iba ay nagaabuloy ng kanilang kotse, bahay, at ang iba ay mismo ng kanilang buhay para lang bigyan sila na malaking pabor ng diyos: ang makapunta sa langit. Sa mga politiko at artista naman, makikita niniyo na padasal dasal sila sa TV, para sumikat pa sila at kunin ang loob ng mga tao sa likes o botohan.
Subalit, karamihan sa kanila ay hindi alam na ang pagaabuloy sa simbahan ay isang malaking kasalanan lalo na kung ang motibo mo ay para lang gantimpalaan ka ng diyos. Ang pagbibigay ng pera sa simbahan ay isang mortal sin. Ito ay nakasaad sa ikatlong utos ng diyos na nagsasabi na "huwag mo gamitin ang pangalan ng diyos para sa iyong personal na intensiyon." Kung hindi susumpain ka ng diyos habang buhay - "Thou shall not put the name of god in vain".
Binibigyang-diin ng Bibliya na kung ang paglilimos sa simbahan ay nagiging isang ritwal na walang pangunahing halaga sa diyos at ito ay ginagawa kung saan ang pangalan ng diyos ay ginagamit sa personal na motibo, sabi ni Jesus sa Mateo 23:23: "Kahabag-habag kayo, mga guro ng batas at mga Pariseo, Kayo ay mga mapagkunwari! Nagbibigay kayo ng ikasampung bahagi ng inyong mga pampalasa—minta, dil at kumin. Ngunit pinababayaan ninyo ang mas mahahalagang bagay—ang katapatan sa diyos. Ibig sabihin na lagi ang diyos ang dapat ang una sa inyong buhay at hindi ang pera. Ang pera ay di importante sa diyos. Hindi niya ito kailangan. Ang simbahan lamang ang gumawa nito para lang yumaman mula sa mga pera na inyong pinaghirapan.
Kuung kukwentahin natin ang abuloy mo sa simbahan. Kung ikaw ay nagbibigay ng limang piso sa simbahan, at ang isang misa ay may 2000 katao na nagsisimba. Ibig sabihin sa isang misa, ang simbahan ay kumikita ng 10,000 piso (2000*5). Kung ang misa ay nagaganap 10 beses sa isang araw, ang kita ng simbahan ay 100,000 pesos sa isang araw. Kung ito ay ginawa limang beses sa isang linggo, ang simbahan ay kumikita ng 500,000 pesos. Kung ito ay nangyayari buwan buwan, taon taon, bilyong bilyong pera ang nakukurakot ng simbahan sa tao. Ang masama, hindi pa sila na nagbabayad ng buwis sa gobyerno. Dito pinapakita natin na ang simbahan mismo ay ginagamit ang pangalan ng diyos para makaiwas sila sa tax ng gobyerno. Ginagamit nila ang salitang donasyon imbis ang salitang limos. Kaya ang pilipino ay lalong humihirap.
Hindi lang ang simbahan at ang miyembro nito ang kauna-unahang susumpain ng diyos, kundi ang mga kristiyanong evangelist na nakikita natin sa mga kalye, sa loob ng bus, at train na nanlilimos sa pangalan ng diyos. Itong lahat na mga tao na ito ay susumpain ng diyos habang buhay dahil ginagamit nila ang pangalan ng diyos para lang kumita ang simbahan nila sa pamamagitan ng paghingi ng limos sa mga tao bilang donasyon daw.
Ganun din sa mga tao na sumusuporta sa kanilang simbahan, pastor, pari, at ibang miyembro ng cogregasyon na ginagamit ang pangalan ng diyos ay susumpain din ng diyos. Kahit ang mga salitang "Praise the lord","Oh my God", at ang kadalasang expresiyon na "Ay diyos ko po" ay mga salitang nag dadala sa pangalan ng diyos in vain o walng kabuluhan. Ang mga kritiyano na ito ay walang humpay na mamalasin sa buhay at susumpain ng diyos habang buhay ayon sa bibliya
Pero teka, sabi sa Leviticus na ang tao ay dapat magbigay ng ikasampung bahagi ng kanyang kita o ani. Totoo ba ito? Marami sa mga naniniwal sa diyso ay hindi alam na ang tithes na sinsabi sa bibliya ay hindi pera kung hinid ito ay mga pagkain: mga ani mula sa lupa o mga prutas mula sa puno. Pero sa sermon ng mga pari at pastor sa kanilang kongrgasiyon o denominasyon ay hindi sinsabi ang tunay nakahulugan nito. Nagsisinungaling sa inyo ang inyong simbahan.
Kung pagbabasihan natin ang aklat ng Numero 18:21, dapat ang simbahan pa nga mismo ang dapat magbigay ng pera sa mga naniinwala sa diyso, dahil sa paglilingkod ninyo sa inyong diyos.
Ngayon, dahil alam ninyo na ang pagbibigay ng pera ay malaking kasalanan sa diyos, sa tinigin ko mas makakabuti pa ito bakit kung ang mga donasyon niyo ay ibigay ninyo na lamang sa ating mga kakabayan na walang wala sa buhay, sa mga taong walang bahay na nakatira lamang sa mga kalye, at doon sa mga taong walang makain sa araw araw. Sa tingin ko, dahil sa iyong kabutihang asal sa pagbibigay importansiya sa mga mahihirap, mas pagpapalain ka pa ng diyos kaysa sa pagbibigay importansiya sa simbahan.
Ang inyong mga abuloy ay puwede rin ninyong gamitin para sa inyong pansarili kaysa linilimos ninyo ito sa simbahan dahil sa paniniwala na papaburan ka ng diyos dahil malaki ang abuloy mo. Pinakita ko sa inyo kanina paano ang pera ay kayang lumago ng marami. Sa kaunti pera na linilimos niniyo sa simbahn tuwing linggo, ito ay puwedeng lumago. Halimbawa, kung nagbibigay ka ng singkwenta(50) pesos linggo linggo, sa isang buwan ito ay magiging dalawang daan (200) piso. Kung ito ay sampung buwan, ang pera mo ngayon ay magiging 2000 piso na. At habang tumatagal ang taon, hindi mo alam na nagiging milyonaryo ka na. Ang inyong simbahan ay walang ginawa para sa inyo kundi puro kabig lang. Kung meron man, ito ay pakitang tao lamang.
Sa ibang mga bansa, ang mga kabataan doon ay natututo paano kumita at paunlarin ang kanilang maliit na pera mula sa murang idad. Sa elementary, ang mga bata ay tinuturuan na na gumawa ng sarili nilang business. Karamihan sa kanila ay gumagawa ng maliit na tindahan gawa ng isang mesa lamang at upuan para magbenta ng Lemonade juice sa taginit at cafe naman sa taglamig. Pagnagkaroon na sila ng tamang kapital sa pagtitinda at maraming parokyano, nagbebenta na rin sila kinalaunan ng tinapay, soft drinks, at iba pang pagkain. Dito ang business nila ay unti unting lumalago.
Pagdating nila sa high school, dahil alam na nila paano palaguin ang pera nila at paano mag-business. Dito naman, pinagaaralan nila ang buy and sell, barter, o di kaya investment kung saan bibili sila ng mga bagay, gaya ng mga collectibles o trading cards, at pagdating sa tamang panahon, ibebenta nila ito ng mas mahal. Kagaya kunyari ang sapatos ni manny pacquiao. Ang dating presyo nito kunyari ay nasa 50,000 pesos. Pagkalipas ng isang taon, ito ay nasa 70,000 pesos na. Kumita ka kaagad ng 20,000 pesos. Natutuhan din nila ang banking systems.
Kaya kung ililimos mo lang ang perang pinaghirapan mo o ng magulang mo, sa simbahan, mabuti pang ibigay mo na lang ang limos mo sa mga mahihirap o di kaya gumawa ka ng sarili mong business. Hindi nakakahiya na magumpisa ka sa maliit, ang importante sinimulan mo na ang pagkakakitaan mo.
[ Ang gobyerno natin ay mga proyekto rin para sa kabuhayan. May mga NGO din at mga pribadong korporasyon na tumutulong sa mga taong gusto magkaroon ng sariling negosyo. Ang simbahan ay pawang puro kabig lang, ang kanilang mga pagkain ay ang pinakamasarap na pagkain sa lugar, at may mga katulong din sila, tiga luto, tiga laba, at tiga linis. Samantala ikaw ay naghihikahos. ]
Sabi sa Mateo 10, unahin mo ang diyos sa lahat at isang tabi mo ang iyong mga magulang, kapatid, pastor, pari, at simbahan, kung hindi, hindi ka karapat dapat para sa akin. Kaya huwag ninyong payamin ang inyong mga pastor, dahil kung totoo na may diyos, hindi dapat kailangan ng simbahan ang pera. Ang diyos mismo ang magbibigay ng pera sa kanila dahil pinaglilingkudan nila ito.
Dito sa episode na ito, pinatunayan natin ang pagbibigay ng 10 portion ng iyong kinitag pera ay hindi gawa ng diyos kundi ng simbahan o pari na pinaniniwalaan mo.

Tags: The Voice of Philippine Atheism, atheist, pinoy atheist, atheism, pinoy atheismo, Philippine Atheism, Filipino Atheists, Atheista ng Pilipinas

No comments:
Post a Comment