Sa episode na ito paguusapan natin ang Argumento ng Utak, o ang Enkaphalohikal Argumento, isang uri ng pangangatwiran na kung saan: Ang utak ay ang tanging bagay lamang na umiiral o nageexist, kung wala ang utak, ang lahat ng bagay na nakikita nito o nararamdaman ay hindi nageexist o umiiral. Ang isip o utak ay ang tanging bagay lamang na bumubuo na ating mga realidad. Kung wala ang utak, hindi natin malalaman kung ang lahat ba ng bagay ay umiiral o hindi.
Ang salitang Griyego para sa "utak" ay "ἐγκέφαλος" (enképhalos). Ang terminong ito ay literal na nangangahulugang "sa ulo" (ἐν = sa, κεφαλή = ulo). Sa sinaunang medisina at pilosopiya ng Gresya, ang utak ay kinikilala bilang ang pangunahing organo ng pandamdam at pag-iisip.
Sabi nga sa solipisismo, "Nothing exists unless a person thinks."
Ibig sabihin, kung may mansanas sa tabi mo, subalit hindi ka naman nakatingin sa masanas. Ang mansanas ay hindi nageexists o umiiral, dahil ang mansanas ay hindi nakaregister sa utak mo. Kaya hindi mo lama kung ang mansanas ba ay nageexist o hindi, hanngang hindi mo ito nakikita (objects only exist when perceived).
Isa pang halimbawa ay alam mo na ang kapatid mo ay madalas matulog sa kabilang kuwarto, subalit hindi ka nakakasiguro kung nandoon nga siya o wala, hanggang hindi mo siya napupuntahan at nakikita ng pisikal, hindi mo malalaman kung nadoon nga ba siya o wala. Doon mo lang masisiguro kung ang utak mo ay personal na nakita ito.
Dito, ang realidad ay nangyayari lamang dahil ang utak mismo ang siyang nagproproseso ng ating mga nakikita, naririnig, nalalasahan, nararamdaman, at nasisinghot. Kung wala ang utak, ang lahat na ito ay pawang hindi umiiral o nageexist. Kaya nothing exists unless a person thinks.
Ngayon, noong mga sina una, ang argumento ng realidad o existence ay nahahati sa dalawa, ang Idealismo at Materialismo.
Ang Materialismo ay isang pilosopikal na konsepto na nagbibigay diin na ang reyalidad o ang buong sanlibutan ay gawa lamang ng materiyales o physikal na bagay at wala ng iba. Ang lahat ng mga bagay ay umiiral dahil gawa sila ng mga materyales, at lahat ng mga events o phenomena, kagays ng isip, ay maaaring ipaliwanag sa pamamgita ng mga interaksyon ng mga materiales na ito. Ang Materialismo ay naniniwala rin na ang materyal ang pangunahing sangkap ng kalikasan, at lahat ng bagay, kasama na ang pagiisip at kamalayan, ay nagmumula sa mga material na interaksyon. Ang isipan ay nakikita bilang isang kagagawan ng mga pisikal na proseso ng utak.
Ang Idealismo naman ay isang pilosopikal na pananaw na nagbibigay diin sa kahalagahan ng isipan o utak kaysa sa materyal na mundo. Ito ay nagsasaad na ang ating reyalidad ay mental at hindi materyal. Ang mundo at lahat ng bagay ay gawa gawa lamang ng ating kaisipan o ang ating realidad ay isang ilusyon lamang. Ang ating reyalidad ay pangunahing binubuo ng mga ideya, kaisipan, o kamalayan. Ang panlabas na mundo ay nakikita lamang bilang isang paglikha o konstruksyon ng ating utak. Ang lahat ng mga bagay ay umiiral lamang dahil napapansin mo lamang ang mga ito, kung hindi sila ay hindi nageexist. Ang reyalidad ay isang mental na gawa, at ang materyal na mundo ay isang manipestasyon ng utak o isipan.
Ang idealismo, materialismo, dualismo, at solipsismo ay bahagi ng pilisopiya ng Problema ng Isipan at Katawan (Mind-Body Problem). Ito ay isang pilosopikal na isyu na sumusuri sa koneksyon ng isipan (mga mental na proseso, kamalayan, at karanasan) at ng katawan (ang pisikal na utak at sistema ng buong katawan). Ito ay naglalayong intindihin kung paano nag-iinteract at nakakaapekto ang mga mental na estado at pisikal na estado sa isa't isa.
Ang Dualismo naman ay nagsasaad na ang isipan at katawan ay magkahiwalay na substansya. Ang isipan ay imaterial o hindi pisikal, habang ang katawan ay pisikal.
Ang salitang "Cogito, ergo sum," na nangangahulugang "Ako'y nag-iisip, samakatuwid ako'y naririto" ni René Descartes ay isang pariralang na nagpapahiwatig na ang mismong pag-iisip ay patunay ng kung bakit ang tao ay nageexist o umiiral. Pero ang konsepto na ito ay mali ayon sa aking personal na pagreresearch. Paguusapan natin ang kamalian nito sa ikatlong yugto ng ating podcast.
Dahil sa mga pananaw na ating linahad, makikita natin na:
1. Kung ang exist ng mga bagay ay gawa gawa lamang ng ating utak
2. Ibig sabihin, ang ideya ng diyos ay isang mental na konstruct din
3. Dahil dito, ang diyos ay isang kathang isip lamang.
Siya nga pala, kung ang realidad mo ay gawa gawa lamang ng iyong utak, ibig sabihin na ang kaligayan at kasaganahan sa buhay ay kaya mo ring gawin o isakatuparan.
Halimbawa, kung ang mga barkada mo ay masasama, ang buhay mo ay magiging masama rin. Kung ang mga tao naman sa paligid mo ay mabuti, magiging mabuti rin ang realidad mo. Kung ang paligid mo ay puro paghihrap ang nakikita mo, ang buhay mo ay magiging mahirap din. Subalit kung ikaw ay aalis sa lugar kung saan ka naghihirap, ang buhay mo ay sasagana naman kung ang lugar na pupuntahan mo ay masagana din.
Ang ating realidad ay kagaya ng isang alkansiya, kung laging pera lamang ang linalagay mo sa loob nito, pera din ang lalabas dito. Kagaya ng buhay, kung panay negatibo lamang ang nakikita mo sa buhay, negatibo din ang laging lalabas sa iyong buhay.. kung nagtanim ka ng mansanas, mansanas din ang aanihin mo.
Ikaw lamang ang nagkokontrol ng iyong buhay, hindi ang iyong mga kaibigan, ng iyong mga magulang, o ng diyos, ikaw lamang ang gumagawa ng iyong desisyon sa buhay mo kung gusto mo yumaman o maghirap. Ang realidad mo ay nasa sa mga palad mo at hindi nasa diyos. Sabi nga, kung ano ang itinanim mo, siya rin ang iyong aanihin. Kung gusto mo lumigaya, magtanim ka ng ligaya. Kung gusto mo umunlad, magisip ka ng mga bagay na magpapaunlad sa iyo. Ang diyos ang humahatak sa iyo pababa, dahil ang nasa isip mo lagi ay may diyos na tutulong sa inyo. Tandaan mo na ang yung realidad ay gawa ng iyong isip.
Dito sa episode na ito, pinatunayan natin na :
(1) Kung ang pagiral ng lahat ng bagay ay gawa gawa lamang ng kaisipan
(2) Ibig sabihin, ang ideya ng diyos ay isang mental konstruct din
(3) Kung ganon, ang diyos ay isang kathang isip lamang.

Tags: The Voice of Philippine Atheism, atheist, pinoy atheist, atheism, pinoy atheismo, Philippine Atheism, Filipino Atheists, Atheista ng Pilipinas

No comments:
Post a Comment