Friday, February 14, 2025

Argumento ng Propheta

Sa episode na ito paguusapan natin ang Argumento ng Propheta, o ang Soteriolohikal Argumento, isang uri ng pangangatwiran na nagsasaad na kung nauuna ang OT sa NT,  at ang OT ay hindi naniniwala na si Jesus ang inaasahang Mesiyas na tinutuloy sa Lumang Tipan, ibig sabihin si Jesus ay isang pekeng propetang na inilalarawan sa Bagong Tipan (NT). Paguusapan din natin kung ano ano ang mga katangian ng propeta, ano ba ang pagkakaiba ng pari at pastor, at bakit ang mga pastor ay hindi sugo ng diyos? 

Ang argumento ay linalahad ng ganito (Modus Ponens):

Premise 1: Ayon sa Hudaismo, si Hesus ay hindi kinikilala bilang ang Mesiyas, ayon sa Lumang Tipan.

Premise 2: Ayon sa Kristiyanismo, si Hesus ay dinagdag bilang ang Mesiyas, ayon sa Bagong Tipan.

Premise 3: Kung ang Bibliya ay binubuo ng parehong Lumang Tipan at Bagong Tipan, at isa sa mga paniniwalang ito ay mali, kung gayon ang Bibliya ay naglalaman ng mga salungat na pahayag.

Konklusyon: Samakatuwid, kung ang Bibliya ay naglalaman ng mga salungat na pahayag, ito ay nagsasaad na ang Bibliya ay hindi tunay na salita ng Diyos.

1. Ang propeta ay isang tao na pinaniniwalaang pinili ng diyos upang maghatid ng mga mensahe o babala sa sangkatauhan. Ang mga mensaheng ito ay madalas na itinuturing na mga pahayag na nagbibigay katuparan o nagpapahayag ng mga pangyayaring darating. 

2. Sila ay pinniniwalaang mga Sugo ng Diyos o mesiyas na may pangkaraniwang katangian

  • sila ay pinaniniwalaang tumatanggap ng mga mensahe direkta mula sa diyos o banal na inspirasyon. Ito ay ngyayari sa pamamagitan ng mga pangitain, panaginip, o direktang komunikasyon.
  • sila ay kalimitan nagtatatag ng kanin kanilang mga relihiyon: 
  • sila ay may mga pangitain (visionary), kilala sa panghuhula ng mga manyayari sa hinaharap.
  • Karaniwan ang kanilang mga mensahe ay madalas na itinuturing na banal at nakasulat ang mga ito sa isang banal na aklat.

3. Bago pa kay kristo, maraming propeta na ang umusbong mula noon at hanggang ngayon. Halimbawa ng mga self-proclaimed na mag propeta na ito ay sina:

  1. Moses, Isaiah, Jeremiah: Judaismo
  2. Jesus Christ, John the Baptist: Christianismo
  3. Muhammad, Noah (Nuh), Abraham (Ibrahim): Islam
  4. Zoroaster (Zarathustra): Zoroastrianismo
  5. Guru Nanak: Sikhism
  6. Bahá'u'lláh: Bahá'í Faith: 
  7. Siddhartha Gautama (Buddha): Buddhism
  8. Rama, Krishna, Vyasa: Hinduismo
  9. Peter Wagner: New Apostolic Reformation
  10. Bill Johnson: Senior pastor of Bethel Church
  11. Kim Clement: A Christian prophet 
  12. Nancy Leigh DeMoss: Revive Our Hearts
  13. INRI Kristo:  Christ of Brasilia
  14. Ann Lee: Shakers
  15. Ahn Sahng-hong: World Mission Society Church of God 
  16. Sun Myung Moon: Unification Church 
  17. Apollo Quiboloy: Kingdom of Jesus Christ 
  18. David Koresh: Branch Davidians
  19. Alan John Miller: Divine Truth
  20. Joseph Smith: Mormon Church
4. Sa lahat ng mga ito, pagaaralan natin ang kaso ng mormon, ang pinakamayamang simbahan sa buong mundo: ang mga Mormons. Tapos ikukumpara natin ang founder nito na si Joseph Smith kay Hesuskristo at bakit halos lahat ng mga propeta ay may mga kaperhong katangian ayon sa medisina.

Ang LDS o Church of Jesus Christ of Latter-Day Saints, na mas kilala bilang Mormon Church, ay itinatag ni Joseph Smith noong unang bahagi ng ika-19 na siglo. Si Joseph Smith ay ipinanganak noong Disyembre 23, 1805, sa Vermont, USA. Nang siya ay 14 na taong gulang, sinabi niyang nagkaroon siya ng isang pangitain mula sa Diyos, na nagsabi sa kanya na huwag sumali sa anumang simbahang Kristiyanong.

Noong 1823, sinabi ni Smith na nagpakita sa kanya ang isang anghel na nagngangalang Moroni at ipinakita ang lokasyon ng isang tableta ng gintong plaka (golden plates) na nakalibing sa isang burol malapit sa kanyang tahanan sa Upstate New York. Sinabi ni Smith na isinalin niya ang mga tableta na ito sa ngayon ay kilala bilang Bibliya ni Mormon.

Noong Abril 6, 1830, inorganisa ni Smith ang unang legal na simbahan, ang Church of Christ, sa Fayette, New York. Ang simbahan na ito ay kalaunan naging kilala bilang Church of Jesus Christ of Latter-Day Saints.

Subalit, ang simbahan ay nakaranas ng malaking pag-uusig at ilang beses na lumipat, una sa Kirtland, Ohio, pagkatapos ay sa Missouri, at sa huli sa Nauvoo, Illinois. Pagkatapos ng pagkamatay ni Smith noong 1844, isang krisis sa pamumuno ang naganap at pinamunuan ni Brigham Young ang karamihan sa mga miyembro ng simbahan patungo sa Salt Lake Valley sa Utah.

Sa pamumuno ni Brigham Young, mabilis na lumago ang simbahan, nagtatatag ng mga denominasyon at pinalawak ang impluwensya nito sa buong mundo. Ang simbahan ay opisyal na tumigil sa pagsasagawa ng poligamya noong 1890 at mula noon ay tumuon sa pagiging isang pandaigdigang relihiyosong organisasyon. Ang Mormon Church ay patuloy na lumalago at may malaking presensya sa buong mundo, na may milyun-milyong miyembro.

Kung ikumpara naman natin ito kay Kristo, Si Jesucristo ay ang pangunahing tauhan sa Kristiyanismo, siya ay pinaniniwalaan ng mga Kristiyano na Anak ng Diyos at Tagapagligtas ng sangkatauhan. Ang kanyang mga aral at kaganapan sa buhay ay nakatala sa Bagong Tipan. Ayon sa paniniwala ng mga Kristiyano, si Jesus ay may banal na misyon mula sa Diyos Ama at nagsagawa ng mga himala, nagturo ng mga banal na katotohanan, at muling mabubuhay. Si Jesucristo ay inusig din mula sa mga relihiyosong awtoridad ng kanyang panahon, na humantong sa kanyang pagpapako sa krus. Ang kanyang mga aral at gawa ay nakatala din sa isang aklat na ang tawag ay Bagong Tipan, itinuturing na banal na kasulatan ng mga Kristiyano.

Ang mga katangian ng isang mesiya o propeta ay isang bagay na magpapatunay kung ang pastor mo, mimistro, o pari ng iyong simbahan ay isang scammer o manloloko. Kung wala silang ganitong karanasan, o sinasakupan, malaking posibilidad na ang simbahan mo o ang pastor mo ay mga peke at liniligaw lamang ang inyong buhay para lokohin lang kayo. 

Tandaan apat lamang ang katangian ng simbahan at bibliya. Kung wala ang mga ito malamang ang simbahan mo ay hindi ang tunay na simbahan ng diyos.

5. Paano naman maging isang Pari ?  Sino ang nagbibigay sa kanila ng kapangyarihan o lisensiya para maging pari sila? Ano naman ang pagkakaiba ng pari sa pastor? Bakit ang mga pastor ay hindi sugo ng diyos?

Para ang isang tao ay maging pari:

 Una, ang pari ay nakatapos ng kolehiyo, karaniwan sa pilosopiya o teolohiya. Kung ang pastor mo o ministro ay hindi man lang nakatungtong sa college, peke yan.

Pangalawa, sila ay nagsasanay sa Seminaryo: Pagkatapos ng kolehiyo, sila ay pumapasok sa seminaryo para sa edukasyon sa teolohiya at espirituwal na pagsasanay. Ito ay karaniwang tumatagal ng 4-6 na taon. Dito pinagaaralan nila ang teolohiya, Banal na Kasulatan, pastoral na ministeryo, at kasaysayan ng Simbahan. Sila rin ay may mga advisers o espirituwal na tagapayo upang palalimin ang kanilang espirituwal na buhay at alamin ang kanilang tawag. Silay rin ay sumsailalim sa praktikal na karanasan sa pamamagitan ng pastoral na mga gawain, tulad ng pagtatrabaho sa mga komunidad, parokya, ospital, o paaralan.

Ikatlo, pagkatapos nila gampanan bilang seminarista. sila ay inoordinahan bilang mga diyakono, karaniwan sa loob ng isang taon. Ang mga diyakono ay maaaring magsagawa ng ilang mga sakramento at tumulong sa pastoral na ministeryo.

Ikapat, pagkatapos ng diyakonato, sila ay inoordinahan bilang mga pari ng isang obispo o ng papa kung saan bibibgay ng diyos ang kapangyarihan na mg ordina ng mga pari sa pamamagitan ng pagpapatong ng mga kamay at panalangin ng pagtatalaga. Ang ordinasyong ito ay nagbibigay ng sakramental na awtoridad upang magsagawa sila ng Misa, makinig ng kumpisal, at magsagawa ng mga sakramento.

Ikalima, Ang mga bagong oordinahan na pari ay patuloy na sumasailalim sa edukasyon, espirituwal na pag-unlad at karanasan sa kanilang mga ministeryo.

Dito makikta natin na ang mga pari ay hindi basta basta naggiging pari. Kagaya ng doktor sila ay may lisensiya din para maging isang sugo ng diyos. Samantala ang mga pastor ay wala ganitong pamantayan. Kung meron man ito ay gagawa gawa lamang nila sa kanilang binuo na grupo. Kung meron man, ang simbahang katoliko lamang ang binigyan ng diyos ng kapangyarihan kung sinong simbahan at pari ang dapat lamang basbasan ng papa. Kaya lahat ng simbahan na nagpapangagap na kristiyano sila at mga pastor na nagsasabi na sila ay sugo ng  diyos ay susumpain ng diyos ng walang patawad habang buhay.

Karaniwan ang salitang pastor o reverend ay pangunahing ginagamit ng mga Protestant tulad ng Baptist, Methodist, at Presbyterian. Ang mga Protestant pastors ay kalimitang pinapayagan na mag-asawa at magkaroon ng pamilya. Ang terminong pastor, na ang ibang sabihn ay pastol o tiga-alaga ng mga tupa, ay makikita lamang sa NT dahil ito ay dinagdag lamang ng mga romano sa bibliya. Samantala, ang salitang pari ay makikita sa OT (leviticus, exodus, numbers) at NT (hebrews, peter). Dito makikita natin na ang pagiging pari ay binigay ng diyos, samantala ang pagiging pastor ay binigay lamang ni jesus at hindi ng diyos.

Ngayon, sabi ng medisina, ang mga hindi pangkaraniwang karanasang ng mga taong tinatawag nila na ang kanilang sarili na propeta ay maaaring maipaliwanag ng sikolohikal o psychology. Itong prophet syndrome na ito ay gawa gawa lamang ng hallucinations, delusyon, o intense spiritual na karanasan. Ang tinatawag na "prophet syndrome" ay kadalasang nauugnay na kung tawagin sa medikal ay "messiah complex o savior complex". Ayon sa webmd at wikipedia, ang kondisyong ito ay itinuturing na isang anyong sakit sa pagiisip dahil ito ay may kinalaman sa isang taong naniniwala na sila ay may banal na misyon o espesyal na papel upang iligtas ang mundo o tubusin ang mga tao . Ibig sabihin ang mga propeta ay may mga kakulangan o tama sa pagiisip.

Kaya kung sasapi ka sa isang simbahan siguraduhin mo na pari ang nagpapatakbo ng simbahan mo at hinid isang pastor o ministro dahil ang pastor ay hindi ang tunay na sugo ng diyos.

Dito sa episode na ito, pinatunayan natin na si hesus ay ang pekeng propeta ayon sa lumang tipan. Pangalawa, bago pa kay jesus, mula noon hanggang ngayon, ang mga propeta o meisyas ay may mga pawang pare-parehong katangian. Pangatlo, ayon sa medisina, ang prophet syndrome o messiah complex ay ang mga taong may sakit na delusiyonal o mental problems. At ang panghuli, ang mga pastor o ministro na nagpapanggap na mga pari ay walang mga lisensiya o hindi sugo ng diyos.

Sa susunod naman na episode, paguusapan natin na si hesus at satanas ay magkapatid. 



The Voice of Philippine Atheism.
-----------------------------------------
Tungkol kay Atheista ng Pilipinas:
 
Ang pangalang Atheista ng Pilipinas ay isang simbolong pangalan o pen name ng may akda. Siya ay isang guro, inyehero, at manunulat. Isa siya sa mga sumulat ng libro sa physics na ginagamit ng mga estudyante sa pilipinas. Siya ang nagtatatag ng The Voice of Philippine Atheism (Boses ng Atheismo sa Pilipinas) noong 2000. Siya rin ay sumulat ng ibat ibang libro sa pilosopiya, relihiyon, teknolohiya, at siyensiya na makikita nyo sa amazon.
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Disclaimer: Ang mga artikulo sa The Voice of Philippine Atheism ay inilaan para sa balanseng edukasyon. Dahil ang site na ito ay patuloy na iniedit, inaupdate at pinagbubuti, inirerekumenda ko na bumalik madalas para sa mga bagong item. Kung nais nyong gamitin ang anumang bagay dito para sa layunin ng pantas na talakayan o di kaya sa malalim na pagreresearch, mangyaring ipagbigay-alam sa may-akda sa pamamagitan ng email o banggitin ang site sa format na ito: 
* In-text citation: (Atheista ng Pilipinas, 1975)
* Reference List: Atheista (1975). Bibliya: Ebidensya Laban Sa Diyos. Philippines.
* Website: Atheista (2000). Bakit Walang Diyos. https://voiceofphilippineatheism.blogspot.com

Tags: The Voice of Philippine Atheism, atheist, pinoy atheist, atheism, pinoy atheismo, Philippine Atheism, Filipino Atheists, Atheista ng Pilipinas



Kung gusto naman ninyo uli pakinggan ang mga ibat ibang ebidenisya kung bakit walang diyos, pakinggan ninyo lang po ang mga ibat ibat episodes na nakalista sa ibaba:
1. Ang pangalang Jesu Kristo ay wala sa bibliya, ang paliwanag ay nasa episode #10.
2. Si jesus ay hindi ang tunay mesiyas, ang paliwanag ay nasa episode 11.
3. Ang kabastusan ni Jesus ay makikita sa episode #12
4. Ang tunay na anyo ni kristo ay makikita sa episode #13
5. Ang mga kasamaan ng diyos ay tinatalakay sa episode #14.
6. Ang diyos ba ay babae o lalaki ay na nasa episode #16.
7. Bakit ang tao ay walang kaluluwa ay nasa episode #18.
8. Bakit walang langit ay nasa episode #19.
9. Saan nakalagay ang malaswang marka ng diyos ay nasa episode #20.
10. Bakit si Kristo ay hindi anak ng diyos ay nasa episode #22.
11. Ang listahan ng mga pekeng simbahan ay makikita sa episode #5
12. Ang mga mali, dagdag, at kasinungalingan sa bibliya nito na makikita sa episode #9
13. Ang pagkabuo ng bibliya na makikita sa episode #4
14. Ang orihinal na bibliya at ang orihinal na pagtuturo nito ay makikita sa #6,7,8
15. Sino o Ano ang lumikha sa diyos ay matutunghayan sa episode #15.
16. Ang mundo daw ay sentro ng universe ay nasa episode #17.
17. UFO sasakyan papunta sa langit ay nasa episode #21.
18. Ang dakilang apostasiya ay nasa episode #23.
19. Mitraismo vs Katolismo ay nasa episode #25.
20. Kalupitan ng Simbahang Katoliko ay nasa episode #24.
21. Mga Paganong Ritual ng Katoliko ay nasa episode #26.
22. Bagong Tipan Gawagawa Lamang ay nasa episode #27.
23. Mga Simbahang Katoliko laban sa Romanong Katoliko ay nasa episode #28.
24. Ang 25 ebidensiya bakit walang diyos ay nasa episode #29.
25. Argumento #01: Ang Lumikha ay nasa episode #30.
26. Argumento #02: Ang Disensyo ay nasa episode #31.
27. Argumento #03: Ang Linikha ay nasa episode #32.
28. Argumento #04: Ang Realidad ay nasa episode #33.
29. Argumento #05: Ang Moralidad ay nasa episode #34.
30. Argumento #06: Ang Sampung Utos ay nasa episode #35.
31. Argumento #07: Ang Pasko ay nasa episode #36.
32. Argumento #08: Ang Dilemma ng Diyos ay nasa episode #37.
33. Argumento #09: Ang Atheismo ay nasa episode #38.
34. Argumento #10: Ang Mitilohiya ay nasa episode #39.
35. Argumento #11: Ang Paglilimos ay nasa episode #40.
36. Argumento #12: Ang Kaisipan ay nasa episode #41.
37. Argumento #13: Ang Propheta ay nasa episode #42.





No comments:

Post a Comment